Kabanata 8

30.2K 667 43
                                    



Gusto


Linapit ko ang mukha ko sa niluluto ko. Napangiti ako. Hinalo ko pa ito at sinara muna ang stove. Naglakad ako palapit sa hinihiwa kong bawang. Ayos na ako, sumobra pa nga ang tulog ko kaya ngayon lang ako nakapag luto. Buti nalang at hindi ko pa siya nakikita.



"Okay ka na ba?"

Napa-angat ako ng tingin sa nagsalita. Nakatayo si Teo sa harap ng lamesa. May naramdaman akong umikot sa akin pero hindi ko pinansin 'yon.

"Ayos na ako. Maraming salamat." Saad ko at tinuon ang pansin ko sa hinihiwa ko.

Ang presensya niya ay napaka-hirap harapin. Kahit nakatayo siya malapit sa akin ay pakiramdam ko napakalayo niya. Kahit anong abot ko sakanya.. kulang pa din.

"Pupunta tayong Cebu City. Sasama ka sa akin." Natigilan ako sa sinabi niya. Ayoko muna siyang kausapin ng matagal kaya tumango nalang ako.

Hangga't maari ay mas gusto kong wag siyang makasalamuha pero imposible 'yon lalo na at nagta-trabaho ako sakanya. Isa sa mga dahilan si Sari.. pero para rin ito sa sarili ko.

Ayoko ng naiidudulot niya sa'kin. Ayoko ng pakiramdam tuwing nandyan siya sa malapit. Ayoko ang pakiramdam na parang kakapusin ng hangin pag nandyan siya, pagbilis ng tibok ng puso o ang simpleng pag ngiti ko tuwing masisilayan ko siya.

"Five days tayo doon." Aniya.

Natigilan ako pero ayoko mag reklamo dahil hahaba lamang ang usapan namin. Bumuntong hininga ako at tumango.



"Okay."

"Okay?" Kumunot ang noo ko. Rinig ko ang inis sa tono niya.

"Oo.. okay." Simple kong sagot habang naghihiwa pa rin ako.

Sandali akong natigilan nang maramdaman kong lumapit siya. Hinawakan niya ako sa braso at hinigit 'yon. Napatingin ako sakanya. Nagtama ang mga mata namin at nalusaw nanaman ako. Kita ko ang inis sa mga mata niya.

"Pangit ba ako?"

Napaawang ang labi ko sa tanong niya? Paano niya nagagawang tanungin 'yon? Hindi niya ba nakikita kung paano mahumaling ang mga babae sakanya dito? Hindi niya nakikita kung anong itsura niya sa salamin? Wala bang nagsasabi sakanya na sobrang gwapo niya na minsan parang kasalanan na 'yon.



Kita ko ang pagtagis ng kanyang bagang.

"Bullshit. Ano bang tinatanong ko sayo. I know what I look like. Kahit kailan ay hindi ako na insecure sa itsura ko. Damn this! Pero bakit ayaw mong tumingin sa akin? Bakit mas gusto mo pa atang tinitignan ang Doktor na 'yon."

Napalunok ako. Ano bang sinasabi niya? Si Dr. Mark? Bakit siya napasok dito? Tsaka bakit siya mai-insicure? Tingin ko nga ay lahat ng lalaki, manliliit pag nakaharap siya.

"Hindi ka pangit.." mahina kong saad. Hindi ko nga alam kung para saan pa ang pagsagot ko sakanya ng tanong niya.


Ang tanong niya ay parang.. ilan ang mata ng isang tao? Parang napaka-halata na ng sagot.

Bumuntong hininga siya at ginulo ang kanyang buhok. "Basta maghanda ka nalang."

Tumalikod siya at iniwan ako doon. Napailing nalang ako at tinuloy ang ginagawa ko.



Halos buong araw ko siyang iniwasan. Hindi ko siya kinausap, tinignan o pinansin man lang. Kahit sa loob ng kotse nang papunta kaming Baler ay hindi ko siya kinausap. Kahit gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ako sinama, kung bakit kami pupunta doon o anong gagawin namin ay hindi ko ginawa.

Her Best Tragedy (FS # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon