Kabanata 5

31.7K 576 4
                                    

Superhero


"Anong gagawin natin sakanya?"


Dahan-dahan akong gumapang. Ayoko sakanila.. natatakot ako.

Sinubukan kong hanapin ang bag ko pero mukhang na-alon na ito. Ayokong pumikit kahit na pagod na pagod na ako. Sobrang sama ng pagkakabagsak ng eroplanong sinasakyan ko.


"T-tulong" halos hangin nalang ang lumabas sa bibig ko.

Nasaan na ba ang mga kasama ko sa loob ng eroplano? Ako nalang ba ang hindi nasasagip? Dad and Mom will worry! Their hearts will be broken!


Natatakot ako para sa pamilya ko.. I need to get back. I need to talk to them para malaman nilang ayos lang ako at safe ako. The news of what happened to my plane will spread like fire!


"Utos sa atin ni.." sinubukan kong pakinggan ang pinaguusapan nila pero hindi ko maintindihan. Fuck! I need to get myself to stand up.


Napilayan din ata ang paa ko. What the heck?


"Iuwi nalang muna natin siya. Baka patayin tayo ni Ser pag hindi natin siya sinunod"

Sino ba ang mga taong to? Mapapagkatiwalaan ko ba sila? Sigurado akong hindi sila ang rescue team dahil siguradong si Jayden ang namumuno non.

Narinig ko ang palapit nilang yapak sa akin. Sinubukan kong linawin ang mata ko pero sobra na rin napagod ang mga ito.


"Tulungan niyo.. po ako.. ibalik niyo.. po ako sa pamilya ko.. please.. maawa po kayo" buong lakas kong sinabi at unti unti ng nagdilim ang paningin ko.


Napabalikwas ako dahil sa panaginip ko. Ano iyon? Ako ba iyon? O isa lang ito sa mga imahinasyon ko sa kagustuhang malaman kung ano talaga ang nangyari sa akin. Natatakot ako.. napahawak ako sa puso ko..


Sino ba ang makakasagot sa mga tanong ko?


Dinama ko kung anong nararamdaman ko at sobrang sakit ng katawan ko. Marahan akong tumayo at tumingin sa paligid ko. Kinusot ko pa ang aking mga mata para makakita ng maayos.

Napatingin ako sa kisame para isipin kung anong nangyari kagabi at halos mapatalon ako sa naalala ko. 


Anong ginawa ko?! Napatingin ako sa damit ko at halos sabunutan ko ang sarili ko!

Ano pang mukha ang maihaharap ko? Syempre wala! Wala na talaga! Napatalukbong ako sa kumot ko at sumigaw sa unan. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan tumayo. Pumunta ako sa bag ko kung nasaan ang konting damit ko at naligo.

Pagkatapos kong mag-ayos ay dahan dahan lamang akong lumabas para hindi makagawa ng ingay. Tinungo ko ang kusina at mabilis akong nagluto. Medyo nahihilo pa ako pero hindi na kasing bigat ng kagabi. Gusto ko siyang pasalamatan pero hindi sa personal kaya ibinigay ko lahat ng pasasalamat sa linuluto ko.

Maaga pa kaya marahil ay tulog pa siya. Linagay ko na ito sa lamesa ng kusina at nagsulat sa isang maliit na post-it note na nakita ko sa isang drawer.

Her Best Tragedy (FS # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon