Kabanata 18

28.1K 601 8
                                    

Last name

Inayos ko ang babasagin kong pin habang pababa ako ng hagdan namin. Medyo natakot pa akong gamitin ang pin na ito dahil babasagin. Nakita ko lang sa mga gamit sa harap ng lamesa ko. Kinakabisado ko na kasi ang mga gamit sa kwarto ko at nag babasa na ako ng ilang mga libro doon dahil napansin kong mahilig akong magbasa ng libro dati.

Napansin ko rin na masyadong maraming damit at maraming mga ipit at pampaganda. Sa mga litrato na nakita ko dati, masasabi kong medyo maarte ata ko.

"Magandang umaga, kambal!" Masayang bati ni Joseph sa akin.

Nilingon ko siya at nakita kong nasa kusina siya kasama sina mommy, daddy at Jerem.

Mabilis akong lumapit doon at yumuko.

"Magandang umaga po. Pasensya na po, late na akong nagising." Nahihiyang wika ko.

Sa totoo niyan ay halos hindi ako makatulog kagabi kakaisip kay Teo. Iniisip ko ang mga sinabi niya at kung ano ng gagawin ko. Sa huli ay nakatulugan ko nalang ang pag iisip dahil wala pa ring pumasok sa utak ko tungkol sa kung ano ang maari kong gawin.

I was expecting for a dream.. pero wala ngayong gabi.

"Ayos lang! Sanay na kami!" Natatawang wika ni Jerem pero namilog ang mata ko ng mabilis siyang batukan ni Joseph.

"Grabe, kuya!"

Napahimas si Jerem sakanyang batok. Hindi ko mapigilan ang mapahagikgik dahil doon. Napalingon sila sa akin dahil sa pagtawa ko.

"Wag mo akong tawanan, Ate! Kung alam mo lang kung ilang beses akong nakaranas ng batok sa'yo. Halos araw araw mo ata akong binabatukan." Nakangusong wika ni Jerem.

Napangiwi ako sa sinabi niya. Nahulaan ko na maaring maarte ako dati pero hindi ko lubusang maisip na makakapanakit ako ng tao lalo na at kapatid ko pa.

"Sorry.." mahina kong wika.

Mabilis naman tumayo si Joseph at inalalayan akong umupo sa isa sa mga upuan doon.

"Ayos lang. Maarte, masungit, may sarili kang mga bagay na pinaniniwalaan at hindi ko ipagkakaila 'yon pero hindi mo alam kung gaano ka kabuti. You have your own charity at the age of eighteen and you love us dearly. You sacrificed a lot for us too. Wala ka naman sa kondisyon mo ngayon kung hindi." Ani Joseph.

Napangiti ako dahil doon.

"Tama, anak. Let's start a new. Don't dwell on the past." Saad ni Mommy.

Tumango ako. "Sige po.. gusto ko po 'yan."

Ngumiti ako.

Pinagsilbihan kami ni mommy at linagyan nila ng pagkain ang pinggan ko. Pinilit kong ako nalang dahil kaya ko naman pero ayaw nila. Mabawasan lang ng konti ang pagkain sa pinggan ko ay dadagdagan na nila.

Tataba ako dito.

"Ate, you want to come? Sasama ako sa pag checheck ng simbahan para sa kasal ni Jade." Alok ni Jerem.

Tapos na kaming kumain pero naiwan kami sa kusina habang si mommy at daddy ay pumasok na muli sa kwarto nila.

"Sige.. nasabi na din sa akin ni Jade kagabi. Buti nalang kasama ka, wala daw driver ngayon.." nakangiti kong wika.

"Ang hirap mo kasing turuan." Komento ni Joseph sa akin.

Liningon ko siya at binigyan ng matalim na tingin. Alam na alam ko ang sinasabi niya. Tungkol ito sa driving lesson ko. Hanggang ngayon daw kasi ay wala akong improvement.

Natatakot kasi ako.. pakiramdam ko maaksidente ako bigla.

"Whoa! Whoa! Old Pin!" Natatawa niyang wika.

Her Best Tragedy (FS # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon