Kabanata 15

28.5K 497 15
                                    

Ayusin

"I felt it.. it's familiar" pabulong kong wika.

Kita ko ang saya sa mukha ni Jade. Napangiti din ako at huminga ng malalim.

Yes.. I felt it. It is so familiar.

Nag order siya para sa akin at nag kwentuhan kami. Ikiwento niya lahat sa akin, lalo na ang mga dapat malaman sa pamilya. Kahapon ay bahagyang nakwento na pero mas ditalyado niyang na kwento ngayon. Hindi nga ako halos makapaniwala sa mga kinwento niya, parang ang bilis kasi ng mga pangyayari. Hindi ako makapaniwalang nandito ako sa harap niya ngayon.

"Hindi ba nagtaka ang mga tao doon sa Argao? I mean.. you speak english and that's unusual hindi ba?" 

Literal na may punyal na tumama sa dibdib ko. Naramdaman ko ang sakit at hapdi nito.

Naalala ko tuloy si Sari.. siya lang ang tanging tao na nakakahalata sa mga bagay na dapat ay pinansin ko na noon. Kung iisipin ko.. alam kaya niya? Pakiramdam ko alam ng mga magulang niya ang tungkol sa akin. Lalo na at malapit sila kina Nanang at Tatang pero siya kaya?

Totoo kayang kaibigan ang turing niya sa akin o naaawa lang siya?

"May isang nagtaka pero hindi ko alam kung wala talaga siyang alam. I don't know who to trust there now." Kung pati si Teo ay nagawa akong lokohin.. sino pa ba ang pwede kong pagkatiwalaan?

Ngumiti nalang at uminom. Kinuha niya ang bill at hinintay ko nalang siya pero parehas kaming nagulat nang sabihin ng waiter na bayad na daw ito. 

Bayad na?

"Who paid for us?" Matigas na tanong ni Jade.

May itinuro ang waiter kaya napatayo si Jade. Inayos ko ang buhok ko at lumingon. Napaawang ang labi ko nang magtama ang mga mata ko sa isang pares ng mata sa hindi kalayuan. Kumalabog ang puso ko at naramdaman ko nanaman ang sakit doon.

Anong ginagawa niya dito?

Naiyukom ko ang mga palad ko at mabilis na naglakad paalis. Tinungo ko ang labasan at derederetso akong lumabas. Napatingin ako sa sasakyan ni Jade, humakbang ako palapit doon pero may humigit sa akin at nakita ko si Teo. Natigilan ako ng makita ko ang mga mata niyang pulang pula..

Marahas kong binawi ang kamay ko at dumiretso patawid ng daan hanggang marating ko ang gitna nito pero may humigit nanaman sa akin.

"Ano ba?!" sigaw ko pero napasinghap ako nang may mabilis na truck na dumaan sa likod ko.

Hinigit niya ako ng mabilis at yinakap ng mahigpit. Lumalim at bumigat ang hininga ko dahil sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa gulat at takot o dahil sa lalaking kaharap ko.

"Nagpapakamatay ka ba?! You scared the hell out of me! Damn! Fuck!" Aniya. Naririnig ko ang inis sakanya.

Naramdaman kong nangilid ang mga luha ko at kinuha ko ang buong lakas ko para makaalis sakanya. Hindi ako makakapag isip ng mabuti kung nandito siya sa tabi ko.. kung nararamdaman ko siya.

"Teo, hindi ko alam kung gugustuhin ko pa bang mabuhay at dalhin lahat ng sakit na nararamdaman ko o ang mamatay nalang kasama ng mga 'to. Pinag katiwalaan kita! Sinabi ko lahat sa'yo! Pero anong ginawa mo?! Nag sinungaling ka sa akin! Napaka makasarili mo!" Sigaw ko.

Linabas ko lahat ng galit ko sakanya. Nag simula ng mag situluan ang mga luha sa mata ko. Nakipag titigan naman ang mga mata ko sakanya. Kita ko ang pag susumamo sa kanya pero masyado akong galit para pansinin pa 'yon.

Naninikip ang dibdib ko habang nakikita siya ngayon..

Mahal ko siya..

Sa ikli ng panahon na kasama ko siya. Minahal ko na siya. Hindi ako sigurado kung gaano kalalim o kalala ang pag mamahal ko sakanya pero mahal ko siya sa tipong sapat na para patayin ang puso ko habang nakikita ko siya ngayon.

Her Best Tragedy (FS # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon