Kabanata 19

27K 581 1
                                    

Jessica

Napasinghap ako nang may humila sa akin patayo.

"Why are you talking to my sister?" Rinig kong wika ni Jerem sa isang matigas na tinig.

"It's okay, Jer. It was just a simple talk." Pagpapaliwanag ko.

Nagpalipatlipat ako ng tingin sa dalawang lalaki. Si Jerem ay kitang kita ang inis habang nakakunot ang noo at mahigpit ang hawak sa akin. Si Teo naman ay tumayo na din pero kalmado pa rin ang kanyang ekspresyon.

"I am Theodore Montgomery." Paglalahad ni Teo sa kamay niya.

Hinintay kong sumagot si Jerem pero wala akong narinig kaya nilingon ko siya only to find out na hindi man lang niya 'yon pinansin. Deretso lamang ang tingin niya kay Teo habang gamit ang matalim na mga titig niya.

"I know. Alam ko kung sino ka sa buhay ng ate ko. I know what kind of bullshit you did to keep her away from us."

Matiim kong pinagdikit ang dalawang labi ko dahil hindi ko alam ang gagawin. Parehas matigas ang ulo nilang dalawa kaya hindi sila makikinig sa akin.

"It's not-"

Pinutol ni Jerem ang sasabihin ni Teo. "I don't care. I don't just listen to anybody. Wala akong pakielam sa mga rason mo, malinaw na malinaw ang ginawa mo. Now, stay away from her."

Hindi ko na talaga ang gagawin ko. I know, nag titimpi lang si Teo at pag hindi siya nakapagtimpi.. papatulan niya si Jerem at baka mag away pa sila.

Mahigpit kong hinawakan si Jerem para tumigil na siya pero wala siyang reaksyon. Patuloy ang pakikipag sukatan niya ng tingin kay Teo. Isa ito sa mga natutunan ko tungkol sakanya, he's very hard headed.

"Hey.. hey.. what's happening here? Nasa simbahan kayo. Mahiya kayo."

Halos mabunutan ako ng tinik nang marinig ko ang boses ni Jade. Lumuwag ang pagkakahawak ko kay Jerem at tinignan si Jade. Palapit na sila ni Ivor. Mabilis na hinawakan ni Jade si Jerem habang lumapit si Ivor kay Teo.

"Jer.. listen, Teo did wrong but still we don't know anything. Wala tayo doon para umakto ng ganito. Let Ate Pin deal with this. She knows better and you saw her already.. mas mature na siya ngayon. She knows what to do." Mahinahong paliwanag ni Jade.

Kita kong nag iwas ng tingin si Jerem. Lumuwag ang hawak niya sa akin at tuluyan na niya akong binitawan. Tumalikod siya at nauna ng lumabas. Nasaktan ako nang makita ko siyang palayo, he's my brother and I hate to see him like that.

Nahihirapan siya ng dahil sa akin..

"Jerem matured. Nakakatuwang makita.. hindi naman siya dating ganyan." Komento ni Jade sa tabi ko.

"Thanks Jade." Mahinang wika ko.

Aaminin ko at hindi ko talaga alam ang gagawin kanina.

"That's okay. By the way, gusto mo bang sumama sa Harris Hotel? I'll just check if okay siya for reception and kakausapin ko na din ang mga tao doon." Alok niya.

Maagap naman akong tumango. Sakto at doon din naman pupunta si Jerem. Ayon sa narinig ko, balak siyang gawing CEO ni mommy ng Harris Hotel. Wala pa akong masyadong alam tungkol doon pero yun lang ang naririnig ko.

"Sure." Pag sangayon ko.

"Let's go." Aniya at sinabit niya ang kamay niya sa braso ko.

Hindi ko na nilingon muli si Teo. Hindi naman dapat..

Lumabas na kami at nakita ko si Jerem na seryosong nakatayo sa harap ng kotse niya. Nag angat siya ng tingin at mabilis na pinagbuksan ako ng pintuan.

Her Best Tragedy (FS # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon