Kabanata 25

28.4K 519 3
                                    

Case

"Uuwi ka ba sainyo?" Tanong ko kay Teo habang pababa ako ng kotse niya.

He held my hand and I faint smile formed my lips. Inalalayan niya akong bumaba at kinuha ang bag na nakasabit sa balikat ko.

I watched him do things for me.

Sa nakalipas na dalawang araw na pamamalagi sa hospital ay hindi niya ako iniwan. He was always there making me smile and laugh. He made sure I was okay and he made me feel that he won't leave me. Sabi ko nga sakanya, wag niya ako masyadong sanayin baka hanap-hanapin ko pero natawa nalang ako sa sagot niya.

We will be together forever. Gusto ko na hindi ko kayaning mawala ako, dahil ako? I can't live without you anymore. I would rather die than not to be with you anymore.

I love you so much, Josephine.

Wala sa sariling napapangiti nalang ako tuwing naaalala ko 'yon. Dapat pala ay nirecord ko ang sinabi niya para kahit kailan ko gusto mo marinig ay pwede. Nakakahiya naman na ipaulit sakanya 'yon.

"Yes, I will. Haharap lang ako saglit sa mga magulang mo tapos uuwi muna ako. Will that be okay?"

Maagap akong tumango.

"Of course, masyado ka ng maraming binigay na oras para sa akin. Your family needs you too, you need to give them time." Nakangiti kong wika.

I'm talking about his mom, bumalik na ito pero kahit kailan ay hindi ko pa siya narinig na binanggit ulit ni Teo at isa pa, wala man ako dapat pakielam kay Mr. Montgomery ay hindi ko pa rin mapigilan ang mag-alala dahil mag-ama pa rin sila kahit na balik-baliktaran mo ang mundo.

Isa sa mga natutunan ko sa pamilya ko ay ang pagpapahalaga. People might not care but we need to care for each other.

"I am for you. That includes my time and my everything. Sandali lang ako, I'll check on you later." Aniya at marahang dinampian ang noo ko ng halik.

"Sus, corny mo Mr. Theodore." Tudyo ko sakanya.

"Damn, you're really back. I may not know you before but I can see what kind of person is Josephine Morgan." Natatawang wika niya.

Kumunot ang aking noo.

"And what kind of person I am?" Puno ng kuryosidad kong tanong.

His expressive eyes went through me and it made me shiver. Kita ko ang pagpipigil niya ng ngiti, mas na-curious tuloy ako sa iniisip niya.

"Like a queen?"

Tumaas ang aking kilay sa kanyang sinabi. Inabot ng kanyang kanang kamay ang kamay ko at pinagsiklop ang mga 'yon. His lips reached for it and planted a small kiss at the back of my palm.

"Queen?" Manghang wika ko.

"Ahuh, my queen." Nakangisi niyang wika.

Umismid ako at hindi napigilang mapahalakhak. Napa-corny talaga ng lakaking 'to!

Umiling-iling nalang ako at nagpatianod sakanya para kunin ang gamit ko sa likod ng kotse niya. Hinatid lang naman niya ako sa bahay at aalis na rin siya pagkatapos magpakita kina mommy. Hindi nga nila alam na uuwi ako ngayon.

Pinilit ko lang si Teo na ilabas na ako sa hospital dahil mamatay na ako kakabilang ng dumi sa kisame doon. I conclude that I was very impatient before. Hindi ko matiis ang katahimikan sa hospital, parang mabibingi pa ako dahil doon.

"I love you." Banat niya habang sinasara ang likod ng kotse niya.

"Sinong kausap mo? Ako o yung bag?" Biro ko sakanya at napahalakhak ako nang masamang tingin ang ginawad niya sa akin.

Her Best Tragedy (FS # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon