Wakas

50.7K 815 63
                                    

Thank you for reaching this chapter loves ~

"Mommy? Matagal pa po ba si daddy?"

Nilingon ko ang pangatlo kong anak at hindi ko napigilan ang mapangiti habang nakikita siyang naghihikab. Mas lalo akong napangiti nang abutin siya ng kuya niya at hinila pahiga sa binti nito.

"Agatha, dad will be here soon. May inaayos lang." Ani Adrian, ang panganay ko.

"Do you want your milk?" Singit naman ng pangalawa kong anak, Adrian's twin.

"Yes Ate Ri." Inaantok na sumagot si Agatha.

Napabuntong hininga ako habang pinapanuod ang mga anak ko sa likod. Lumingon muli ako sa harapan kung saan makikita ang kompanya na pag mamay-ari ng pamilya nina Teo.

"Dad is here.." mahinang wika ni Adrian.

"Yes, babies. Ba-baba lang si mommy." Saad ko.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa harap habang bumababa ako sa kotse kung saan niya kami iniwan kanina bago pumasok. Mabilis akong naglakad palapit sakanya nang makita ang bakas ng sakit sakanyang mga mata.

Our eyes were looking at each other na para bang alam na alam ng mga 'to ang pinagdadaanan ng isa't isa.

"Pin.." he whispered.

He reached for me and closed our distance. Yinakap niya ako ng mahigpit at sinubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg. His breathing was unsteady and my heart was aching because of it.

Pinalibot ko ang aking mga braso sakanyang bewang at yinakap din siya ng mahigpit. I want him to feel that I'm always here, no matter what.

"Kumusta? Nailabas na ba siya?" Tanong ko.

He was silent for a minute but nodded at the end.

"Yes.. nakausap ko ang abogado ni papa. Pinauwi na daw siya kanina." He painfully said.

I smiled.

"Good. Kumusta naman ang baby ko? Bakit parang ang lungkot-lungkot mo.." mahinang bulong ko.

Naituloy ang kaso na sinampa para sa tatay ni Teo. Apat na taon siyang naikulong, nagkulang ng ebidensya pero para sa akin ay ayos na 'yon. Four years was enough, pagod na rin ako at matagal ko ng kinalimutan ang lahat. Kindness? It's not about that but it's about appreciating things more.

I'm too happy to dwell.

I know that everything happens for a reason. Ang dami ng taong nasaktan, pamilya ko, ako, si Teo, pamilya ni Teo at iba pang tao na nakapaligid sa amin. Everything heals with time and I can say that mine healed already. Sila Nanang? I might not see them again but I'm slightly thankful because they're the ones who took me in.

"I saw him.. he said sorry. I don't want to accept it but my heart did, Pin. I'm so sorry. I don't want to forgive him but I did.."

I felt his eyes watered.

Nag-init ang mga mata ko at wala akong nagawa kung hindi ang tapikin ang balikat niya. I bit my lower lip to stop myself from crying. Sobra-sobrang na apektuhan si Teo sa lahat, pakiramdam niya ay para sa akin ang ginawa niyang pag papakulong sa sarili niyang ama pero hindi niya alam, he was actually doing it for his own guilt.

To accept that we can be together despite of our connection.

"It's okay, Teo. It's okay.. you can forgive him." I whispered.

Lumayo siya sa akin at tinignan ako sa mga mata.

Kusang inabot ng mga kamay ko ang mukha niya at pinunasan ang mga luha sa mata niya. I sweetly smiled at him and reached for him. I kissed his eyes and smiled again.

Her Best Tragedy (FS # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon