Kabanata 3

37.4K 620 8
                                    

Star

"Paano kayo napadpad dito?" Napalingon ako kay Teo. Nakaupo kami ngayon sa isang duyan na matatagpuan sa mini garden ng masyon.

Tinatanaw namin ang mga bituin.

"Lumipat kami dito nung medyo maayos na ang kalagayan ko." Sagot ko.

"What happened?" Bumuntong hininga ako atsaka tinignan siya sa mata.

Kita ko ang pagningning ng mga mata niya at sigurado ako na nakikita niya din kung gaano kasakit ang nararamdaman ko. Bukas na bukas ako ngayon..

Sa wakas.. may isang tao na ako na pwede pagsabihin ng lahat.

"Nung araw na yon.. nagising nalang ako na sobrang sakit ng katawan ko. Wala akong maalala. Maski pangalan ko hindi ko alam. Biglang pumasok sa loob ng kwarto si Mikoy, yung kapatid ko tapos tinanong ko sila kung sino sila. Bakas sa mukha nila ang gulat.. tapos sabi nila aalis daw kami.. humihingi ako ng paliwanag pero wala silang masabi sa akin." Napapikit ako at napakagat sa labi ko.

Paano ko nagagawang sabihin sa lalaking ito lahat ng nararamdaman ko? Bakit ganito kadali? Pero sa bawat katagang sinasabi ko.. parang gumagaan ng gumagaan ang pakiramdam ko.

"Hanggang sinabi nila sa akin na anak nila ako pero alam mo kung ano yung problema ko? Wala akong maradaman. Hindi matanggap ng utak ko yung mga sinasabi sa akin. Hindi ko maramdaman pero hindi ko magawang sabihin kasi sila na yung pamilya ko ngayon. Ang sama ko para gawin sakanila yon hindi ba? Sila na ngalang ang karamay ko ganito pa ang nararamdaman ko." Sobrang pinipigilan ko ang umiyak. Ngayon ko lang inilabas lahat ng pagkalito ng puso ko.

"Teo.." mahinang tawag ko sa pangalan niya.

"Hindi ko alam kung sino si Alissa. Hindi ko alam kung sino ako" pinigilan ko parin ang maiyak. Kahit naman napakagaan ng loob ko sakanya ay hindi ko parin kaya na umiyak sa harapan niya.

"My mother died when I was 12 years old. Masaya kaming lahat bago mangyari iyon pero sa isang iglap nawala lahat. Dad become so evil while my brothers.. Danziel and Ivor became so distant. Our family was broken, not because of mom's death. I know na hindi dahil doon.. nasira ito dahil sa mismong kagagawan namin." Nag angat ako ng tingin sakanya at lumayo ako. Hindi ko pwede kalimutan na may parte pa rin na estranghero siya.

"Pero buhay siya" mahinang wika ko.

"Wala namang magbabago. Lalo pang magugulo ang lahat. Kaya nga ako pumunta dito para makatakas.. it was my mom's safe haven pero ngayon wala na. I am sure tomorrow or the next day after that will be much different."

"Isipin mo nalang na.. temporary lang to. Lilipas din tulad ng pagdaan ng gabi at araw." Saad ko at ngumiti.

Ngumiti din siya at linipat ko ang tingin ko sa mga bituin.

"Alam mo ba kung bakit gustong gusto kong tinigtignan ang mga bituin?"

"Bakit?"

"Kasi kahit ang ilan sakanila ay walang pangalan. Nagniningning pa rin sila.."

"Then I'll call you star" saad niya sa akin kaya natawa ako. Inikot ko ang mga mata ko dahilan para matawa din siya.

"You know what? Alam ko na kung bakit madali sa akin na sabihin sayo ang mga problema ko. I mean.. ngayon lang ako nakipagusap ng ganito sa isang babaeng kakakilala ko lang 2 days ago." Tinaasan ko siya ng kilay.

"O' bakit naman?"

"Kasi hindi mo pa ako ganon kakilala. Hindi mo ako mahuhusgahan. You would see me beyond my surname. Hindi ako si Joaquin Montgomery kung hindi si Teo na nayabangan ka nung isang araw." Nakita ko ang sinseridad sa mga mata niya.

Her Best Tragedy (FS # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon