▪✖✖✖▪
DENNISE POV
THE team went to Thailand for the preparation for the epic season 78. Kinalaban namin ang mga highschool and club teams there tapos in the last two days ay naggala kami. Pagbalik namin ng Manila ay sumali ako sa beach volley ng vbr open tournament.
Tapos nagkaroon ng charity game ang KL at isinama pa ako. Yung makukuhang pera ay idodonate sa typhoon nona victims.
Naging masaya naman at hindi ko pinansin si Kief kait magkateam kami at kahit ako ag coach ng team Kiefer.
At sa event na yun, hindi maiwasan na may maghingi ng picture ng AlyDen na pinagbigyan nalang namin.
"Kamusta Besh?"
Nilingon ko si Ella na umupo sa tabi ko. Katatapos lang ng charity game at nagpapahinga lang. Nakaupo kami sa sahig. Ganun din ang ibang players.
Alam ko kung ano ang itinatanong nito kaya sinagot ko naman. "On my way to moving on."
Totoo sa sarili ko ang sagot ko. Malapit na ako makamove on. Siguro 75% na.
"Malaking tulong siguro si Jin?" Nakangising sabi nito.
"Luh! Issue pa more, besh!"
"Hindi ba totoo? Pansin ng team yun. Maski si Ly. Iba na yung closeness niyo." Sagot nito.
"May boyfriend si Jin saka child abuse yun. Haha!"
"Ah nanghihinayang ka na may boyfriend si Jin pero kung wala, go ka?"
"Baliw! May pagkakapareho lang kami. Siya na rin mismo ang nagsabi sakin nung araw na sinampal ko si kief." Sagot ko.
May boyfriend yung tao kung makapush sakin sila besh, tsk! Saka paano kung malaman nun eh di umiwas? Saka halatang girl na girl talaga si Jin.
"Pero if ever,..crush mo si jin?" Ayaw pa rin patalo ni Ella.
Ewan? Mabait naman si Jin at hindi mo aakalain na may sweet bones pala siya. Mas umaapaw kasi ang angas niya at pagiging maloko. Pero kapag napalapit ka na, unti unti niyang pinaparamdam sayo ang tunay na siya. Parang panlabas lang yung pagiging maangas niya.
Kita mo si Bea, nakasundo niya agad. Si Cara na nahulog na yata pati ag bestfriend nitong si Jade.
At sino mag aakalang may boyfriend ito eh kung makapagsabi ng mga crushes ay akala mo libreng libre siya?
Saka daig pa nga yata kami nito sa kaartehan eh. Yung mpga kuko niya sa kamay, aba! Red ang nail polish! Dun kami natatawa eh. Akala mo barako sa loob ng court pero mas maarte pa sayo? Haha!
One time, inaya ko siya sa streetfoods, aba pinnuod lang ako kumain. Di daw siya kumakain ng ganun. Halatang rich kid.
Pero ako? May crush kay Jin?
"Maybe?" Patanong kong sagot kay Ella.
Lumaki ag pagkakangisi nito. "Sabi na eh!!! Haha! Bilhan mo siya ng gift. Malapit na christmas at birth day niya." Sabi nito
"Nag iisip pa nga ako eh."
Totohanin kaya nito yung regalo sakin? Pero kuripot to eh!
"Bili ka ng couple cap. Mukhang mahilig siya sa mga ganun eh."
"Cap? Anong klaseng cap naman?"
"Yung nabibili sa divisoria kung gusto mo? Ikaw na bahala siyempre."
Tumango na lang ako.
"Nagsosolo kayo jan?"
Lumapit si Ly at nakiupo sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Just The Girl (COMPLETED)
FanficBasketball x volleyball Girl x girl A Dennise Lazaro fan fiction ↪zie0913↩