Kung mapapansin niyo may similarities ang story na ito sa TL. Well, mas nauna ko po itong nagawa at nakaisip ng bagong plot which is yung TL nga and ginamit ko yung ilang parts doon.
Forgive me for that.
.
.
▪✖✖✖✖▪JADE POV
"J?"
Lumingon ako kay Jin.
"Hmm?"
"May nagawa ka na bang bagay na napilitan ka lang?" Tanong nito.
"Wala pa naman. Alam mo naman na sunod sa luho ako ni Dad." Sagot ko. "He supports me in everything i do."
Napabuga ito ng hininga kaya tuluyan ko na siyang nilingon. Nandito kami sa oval. Gusto lang naming humiga sa damuhan at titigan ang kalangitan.
"After school year, aalis si Den for her internship in London." Maya maya ay sabi nito.
"Ayokong umalis siya." Patuloy nito. "Pero napakamakasarili ko naman kung pipigilan ko siya. Nakasalalay ang kinabukasan niya."
Nakinig lang ako kay J habang ito naman ay nakatingin sa langit.
"Andami kong iniisip in the thought of we will be apart for 2 years or more. Yah there is facetime and all pero iba pa rin yung kasakasama ko siya. Natatakot ako. Natatakot ako sa mga posibilidad ng mga iniisip ko."
"Pero wala akong magawa. Kinausap na rin ako ng mga pamilya namin at wala akong magawa kundi tumango sa lahat ng sinasabi nila."
"J, it will be worth it in the end." Yun nalang nasabi ko.
Anong maipapayo ko eh hindi ko pa nararanasan ang mga yun? Yung ibang advise ko sa kanya, mula sa mga nababasa kong story sa wattpad yun. Wala pa akong nababasa na katulad ng sitwasyon nito.
"J, what if doon na rin ako mag aral?" Tanong nito.
"No way J!" Napaupo ako.
"Why not?"
"I mean... Kahit suportahan kita jan, maraming pipigil sayo. Yung family mo, alam mo naman kung gaano ka nila kamahal. Yun ngang magdorm ka lang dito, medyo alanganin pa eh. Paano pa kaya yung milya milyang layo?" Sagot ko.
Hindi ito sumagot at tila nasa malalim napag iisip.
"Maraming nag ooffer sakin ng study and play sa Europe. What if tanggapin ko yun?"
"Pero kailangan mo magpanaturalize sa bansa na yun. Anong dugo ang itatakwil mo? Pagkafilipino o pagkahapon? At lalong hindi ka papayagan lalo na ni Tito taks!"
"Aalis ako. May ipon na---"
I cutted her words.
"Now you will be a rebel? Masyado ka namang dependent kay Ate Den, J. Hindi ka naman ganyan dati. Maluwag lang turnilyo mo pero matalino ka J. Pag isipin mo ng milyong beses ang bawat desisyon mo. Wag mong isipin yung pansariling kagustuhan mo. Isipin mo rin ang iba." Sabi ko.
Inakbayan ko siya. "J, balewala ang distansya kung mahal niyo ang isat isa. Trust each other."
"My thoughts eating me" she whispered and leaned her head in the crook of my neck.
"What did we learn from Coach tai?" Nakangiting tanong ko.
"Hmm.. Medidate?"
"Then do it. Focus on the positive side." Sabi ko pa.
JIN POV
Days and Months passed. Tahimik lang ako kapag pinag uusapan ang pag alis ni Den. Kapag tinatanong nila ako ay nakangiting tatango ako and tell her how much i support her.
BINABASA MO ANG
Just The Girl (COMPLETED)
FanfictionBasketball x volleyball Girl x girl A Dennise Lazaro fan fiction ↪zie0913↩