▪✖✖✖▪
DENNISE POV
"Thanks guys! See you tomorrow!" Paalam ko sa mga blockmates ko.
"Yea see you!" Paalam din ng mga ito.
Naglakad na ako. Hindi raw ako masusundo ni Jin dahil may kailangan daw siyang tapusin na report. Kainis lang din kasi monthsary namin ngayon. 30 months na kami! Wow!
Ang inaasahan ko pa naman, may gagawin si Jin para sakin kasi love niya ang number 30. Wala pala.
At dahil maaga ang labas ko at alam ni Ella yun ay nag aya sa field. Makikilaro daw ng football. Nanghiram daw sila ng bola.
Oh well...
Porke, di sila overload sa schedule, makapag aya sakin akala mo hindi ako nag aaral.
"Hi Ate Den!" Bati nung ilan sakin sabay bigay ng isang napakaliit na paper roses.
I mean, origami na sinlaki lang ng hinliliit ko.
"Wow, this is cute! Thank you!" Sagot ko na lang.
Nakapagtataka na binibigyan nila ko. Anong meron? Tinignan ko ang ilang estudyante na naroroon at napansing may hawak din silang origami.
Ay akala ko ako lang meron. Haha!
Ilang sandali pa, hinanap ko sila Besh. Nasaan yun?
I dialed her phone.
"Besh nasaan kayo?" Tanong ko agad.
(Ikaw? Asan ka ba?)
Bago pa ko makasagot ay nagsalita ulit ito.
(Upo ka nalang sa bakal na bleachers. Yung kulay blue.)
Hinanap ko naman yung kulay blue na bleacher. Ayun!
"Nakita ko na. Sige."
(Nakaupo ka na?)
"Oo. Nasaan ka ba?"
(Wag kang excited besh.)
Saka ako pinatayan ng tawag. Babaeng yun!
Nakaupo na ako sa ikatlong baitang ng bleacher tapos yung mga estudyante na nsa tabi ko, umalis.
Oy di ako mabantot! Haha!
Habang hinihintay ang maliit na besh ko ay nakitingin na lang ako sa field. Searching for her. Maya-maya, dumarami na ang mga estudyante sa field.
Hmm...
"Besh!"
Nilingon ko ang tumawag sakin.
Sila Ly. Kumaway naman ako sa kanila. Umayat sila at nakiupo sa tabi ko.
"Whew! Nakakapagod ah?" Ly
"Naglaro na agad kayo?" Tanong ko pero hindi ako sinagot.
"Uy! May practice! Look!" Ly at tinuro ang nasa harapan.
Pinanuod naman namin na sumayaw ang mga estudyante. Err? Anlakas ng sounds ah?
Nothings gonna stop us?
Weird ng musc nila. Pero answeet dahil may mga partner din sila.
Napakunot noo ako ng may pumunta sa harapan at nakitang si Jin iyon!
The song changed and it was Dessert.
And wow lang, sabay na sabay si Jin sa mga sumasayaw. Napangiti nalang ako kapag tinuturo pa niya ako. Now i know. This is her plan.
BINABASA MO ANG
Just The Girl (COMPLETED)
FanficBasketball x volleyball Girl x girl A Dennise Lazaro fan fiction ↪zie0913↩