At Makati City... St. Lukes Hospital... 9:00 am
Makalipas ang halos apat na araw
Pinayagan na ako ng nurse ngayon na madischarge at ang lahat ng mga gastos ay binayaran ni Sir. Si Eros naman ang laging nagbabantay sa akin araw-araw kung nasa opisina si Sir. Kasi pag nagkita silang dalawa maaaring masapak lang ni Sir si Eros. Hay nako.
Nakakabigla lahat ng mga nalaman ko..hindi ko nga magawang kausapin si sir ngayon eh, at ayun awkwardness..
Ilangan, at walang pansinan. Yan ang aming galaw ngayon. Ewan ko ba pero di ko mataste na makausap siya, kasi parang feeling ko di ako karapat-dapat sa kanya.
Inaadmit ko naman eh, okay fine may konti akong gusto sa kanya. As in super konti lang. Pero nung nakita ko yung babae na si Eleanor ba yun... parang lahat ng dugo sa katawan ko ay umakyat sa ulo ko..yun ba ang sinasabi nilang......SELOS? Well okay lang.
Ang huling conversation na nangyari ay 2 days ago.
Tinanong niya ako, kung gusto ko na daw ba kumakain
Ang sagot ko naman ay hindi pa.
At hanggang sa nagsimula na naman siyang magpaliwanag. Kahit ayaw ko makinig eh wala. Nabawasan naman ang kaba ko sa sarili nung naipaliwanag niya lahat. Hanggang sa sorry siya ng sorry. Sa totoo lang ay gustong - gusto ko na siya tanungin ng mga bagay na hindi ko maintindihan. Pero pinigilan ko ang ego ko.
Ang tanging bagay na naitanong ko sa kanya ay..
"Bakit ako?"
At ang narinig kong sagot ay....
"Youŕe different from the other girls I used to know..."
Panong different?
Yun ang hindi ko alam...
On our way to the hotel...
Kasalakuyang nagdridrive sya ngayon.
"Sir? Ano ho...uunti-untiin ko po yung bayad para sa mga nagastos niyo.."
Saka siya tumingin sa akin. Nailang ako sa mga titig niya at binaling ko ang aking mga mata sa mga tanawin sa labas.
Bumalik na ang focus niya sa pagdridrive.
"Inna...okay na yun. Wag na. I insist. "
"Okay."
Ayaw ko na pahabain ang conversation dahil ayoko nga siya kausapin diba? At naiilang talaga ako.
Nakarating din naman kami sa hotel.
Ipinasok niya ang bag ko at sabay tumungo ng kusina.
"Ano gusto mo?"
Tinignan ko lang siya.
"Ah ano na lang..kahit ano" sagot ko
Ngumiti na lang siya.
Tumungo ako sa loob ng kwarto ko at nagpahinga muna saglit. Dahil sobrang sakit ng ulo ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Haroldś POV
Tomato Soup ang niluto ko para sa kanya. After 30 minutes pinuntahan ko siya sa kwarto niya. Kumatok ako pero walang sumasagot. Binuksan ko na lang ang pinto.
Ay nakatulog... gigisingin ko na lang.
Gigisingin ko na sana siya ng biglang nagvibrate ang phone niya na nasa table. Napatingin ako sa screen.
Sino nagtext?
"Aga...kamusta ka na? Babalik na nga pala ako sa ibang bansa ulit, sa Linggo. Hindi na sa Australia. Sa Russia na ako ngayon nakadestino eh. Nandoon din si Jasmine. Sana okay ka na. Text mo ako ah..."
Sino? Edi si Eros, hay...nako..
Nawalan tuloy ako ng gana. Hay pupunta na lang ako sa bar. Ay iiwan ko na lang ang soup at initin na lang niya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Innaś POV
Hapon na pala. Teka magugutom ako. Chineck ko ang phone ko ay nagtext si Pardz. After kong magreply, bumaba ako para kumain.
Tahimik.
May note akong nabasa.
"Kumain ka na. May pinuntahan ako
- Harry
Edi great. Bibisitahin ko na lang si Eros.
BINABASA MO ANG
You Changed Me [COMPLETED]
Ficțiune adolescențiCharDawn Fanfic I was the old version of my father, but you changed me. All my belief, my fate and others.. You changed them.. The time.. As well They are fictional!