Innaś POV
Its almost one week, after the incident. Hindi matanggal sa isip ko. Halos kinokonsensya ako ng aking desisyon araw-araw.
Nagawa ko sana siyang ipaglaban, ngunit bumitaw ang aking naging desisyon. Sinisisi ko ang aking sarili. Bakit hindi ko siya nailigtas? Ano bang mali ang nagawa namin?
Bakit sobra ang naging kapalit?
Bakit siya ang dapat kunin? Pwedeng ako na lang. Hindi man lang niya naranasang manirahan sa isang tahanan na kasama ang pamilya niya. Hindi niya na mararanasang yumakap sa bisig ko.
Hinding-hindi niya mararanasang, maramdaman ang pagmamahal ko sa kanya. Wala na siya..wala na...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Inna kakain na tayo..."
I did not respond.
"Inna..."
"Im not in the mood to eat.."
"You should eat. Pano ka makakabawi ng lakas?"
"Nahihirapan ako..Harold masakit."
"Nasasaktan din ako na nakikita kitang ganyan. Nasa mabuting kamay na si Cathrene ngayon..."
Ang maiinit na luha na aking pinipigilan ay unti-unting lumabas ng kusa.
"Bakit siya?!"
"Inna.."
"Wala na siya. Ikakamatay ko ng maaga ang pagkawala niya."
"Celinna tama na. Nasasaktan ako sa ginagawa mo!"
"Ako ba hindi?!"
"Celinna, oo. Masakit mawalan ng anak! Pero kailangan nating tanggapin ang katotohanang hindi na natin siya maibabalik! Wala na! Wag mong sisihin ang sarili mo! Lahat ng bagay pinlano at nasa deriksyon ng Diyos! Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan?! Ako rin., nasasaktan ako na nakikita kitang malungkot at halos mapatay mo ang sarili mo kasisisi sa sarili mong ikaw ang sanhi ng pagkamatay ng anak natin!" At umalis na si Harold.
Hindi sana ako naging madamot sa kanya. Halos tatlong taon na kaming kasal. At isa pa lang ito sa maraming problemang haharapin naming mag-asawa.
Natauhan ako sa sinabi niya. Parehas kaming nahihirapan. Masyado ba akong naging martyr?
Siguro ito na ang tamang panahon para, matapos na ito. Ito na nga siguro...
Tita Hena calling....
"Hello?" Sagot ng nasa kabilang linya
"Tita?"
"Hija, napatawag ka?"
"Ah w-wala po..."
"Kaya nyo yan.."
"Bye po.."
Hindi ko pa pala kaya.....
Kaya ko pa naman siguro?

BINABASA MO ANG
You Changed Me [COMPLETED]
Teen FictionCharDawn Fanfic I was the old version of my father, but you changed me. All my belief, my fate and others.. You changed them.. The time.. As well They are fictional!