Nagising ako na parang mabigat ang aking pakiramdam. Pagdilat ng aking mga mata, agad na napansin ko ay ang kamy ni Harold na nakayakap sa akin.
Ginising ko siya dahil magluluto pa siya..
Hahaha ako na sadista..
"Haroldd....! Gising na"
Ayaw umimik
Hinawakan ko sya sa leeg nya, omg ang init niya. May lagnat ba ito?
"Harold? May lagnat ka ba?"
"Hmmm.."
"Ang galing sinagot mo yung tanong ko. Dalhin na ba kita sa ospital?"
"Ang oa mo. Anyway morning.."
"Morning also. Teka nga bat ka nandito sa kama ko?"
"Nakalimutan mo na ba?"
hay nako..naalala ko na, makatulog pala kami habang nanunuod ng tv kagabi, palabas? Spongebob.
"Ay oo nga pala sorry..."
"Inna, luto ka naman oh...gutom na ako"
"Di ba dapat ako ang maguutos sa iyo? Di ako masarap magluto"
"Okay lang wala akong panlasa eh, may sipon ako. At maawa ka naman sa akin may sinat ako"
Hinampas ko siya sa balikat niya, nang-aasar pa kasi eh.
Tumayo na ako at pumunta sa kusina. Hmm? Ano ba ang lulutuin ko? Matanong nga
"Haro-..." ay natulog agad.
Wala na kasing pagkain sa loob ng ref. Hay nakoo..Sabado pa namn ngayon, matraffic. Pero sige, magrogrocery ako.
Pumunta na ako sa pinakamalapit na grocery store.
"Huy.." tawag ng kasama ko
"Hoy Eros, bakit ang tagal mo?!"
"Sorry naman traffic kasi"
Inirapan ko na lang siya.
Ay sya nga pala naikwento ko na sa kanya ang nangyari sa amin ni Harold. Tuwang-tuwa siya ng nabalitaan niyang kami na.
Tinulungan niya akong mamili, saglit lang naman kami.
Isinama ko rin siya pauwi sa hotel dahil nangako siyang tutulungan niya akong magluto ng sopas, dahil may sakit si Harold.
Ayun nagluto na akmi. After nun ginising ko na si Harold
"Harry...gising na"
Bumangon din namn siya, nagulat siya ng makita si Eros na nakaupo sa couch habang humihigop ng sabaw.
Ngumiti ang loko.
Hinatak ako ni Harry sa lob ng kwarto, na siya namang ikinabigla ko
"BAKIT SYA NANDITO?!"
"Eh tinulungan niya ako mamili kanina at magluto"
"Hindi ako kakain ng luto niya!"
"Edi wag.."aalis na sana ako.
"Uyy..sige na nga"
Lumabas na kami at kumain na rin.
Habang nasa hapag-kainan..
"Masarap ba, pare?" Tanong ni Eros kay Harold
"Hindi." Sagot niya
Nasaktan ako ng konti.
"Ay grabe naman! Dapat oo sagot mo, girlfriend mo pa naman ang nag-.."
Naputol ang sasabihin niya dahil natadyakan ko siya agad sa ilalim ng lamesa. Sabi ko na nga ba eh! Hindi talaga ako pwedeng magluto...kahit may kasama ako
"Inna? Ikaw nagluto nito?" Tanong niya
Nahihiya ako aminin, pero tumango ako
"Masarap siya!"
"Paiba-iba ka namn ng opinion eh, pare!" Sabat ni Eros
"MANAHIMIK KA NGA!" Sabat ni Harold
Tumawa lang ang mokong.
"Bakit di mo sinabi na ikaw nagluto?"
"Para ano pa? Sabihing masarap kahit hindi?"
"Inna, okay sorry na. Pero masarap talaga siya. Akala ko kasi si Eros ang nagluto kaya inaasar ko siya, na hindi masarap ang luto niya. Pramis masarap." Sabi niya
Naramdaman ko naman ang sincerity niya.
"Hay nako! Ang sweet ng lovebirds nilalanggam na ako dito..tssk"
Sino pa ang nagsalita?
"Get a life, bro!" Then binato siya ni Harold ng towel
Tawa nang tawa ang loko
Bigla namng sumeryoso si Eros.
"Hintayin niyo lang dumating si Jasmine my loves ko dito sa Pinas, tingnan niyo lang! Hmmpp"
Tumawa naman kami sa kanya. Finally, natapos na kami sa kinakain namin.
Chineck ko si Harold, bumaba na ang lagnat niya
Tinawag ni Eros si Harold sa sala, kakausapin raw siya nito. Ako naman, pumunta sa cr para maligo. Pagkatapos ko, nadatnan ko silang ngumingiti sa isať isa at nagshashake hands. Anyare..
"Hoy! Ano yan?" Sita ko sa kanila
Parehas silang lumingon sa akin
"Wala, pinagsabihan ko lang ito.." sabay akbay ni Eros kay Harold
"Oo nga Inna, okay lang kami"
"Sige mauna na ako..babye!"
At lumabas na siya
Kinulit ko nman si Harold, dahil ayaw niya sabihin kung ano ang sinabi sa kanya ni Eros. Hinayaan ko na lang siya.
Hay..ang sayaa...
BINABASA MO ANG
You Changed Me [COMPLETED]
Fiksi RemajaCharDawn Fanfic I was the old version of my father, but you changed me. All my belief, my fate and others.. You changed them.. The time.. As well They are fictional!