29

125 8 0
                                    

Makalipas ang anim na araw...

Nagising ako sa isang tunog na di ko maintimdihan kung matutuwa ba ako or hindi. Bakit? Yun ang nagpagising sa akin.

Lumabas ako ng kwarto. Syemore joke lang yun kasi nag-ayos pa ako ng sarili ko muna diba? Nako....ayun after nung session na yun lumabas na ako then, nagtungo sa kusina, kasi dun ko naririnig ang ingay.

Omg...yun lang ang masabi ko... ano ba ang nakita ko?!

Si Harold, naka-apron, sa loob ang suot niya ay isang polo shirt na long sleeves na kulay blue, na tinupi hanggang siko and naka-slacks siya. With matching black shoes. Edi siya na gwapo.

"Huy."

Napatalon naman siya halos sa gulat.

"Gusto mo ba akong mamatay?"

"Saan sa kilig o sa gulat?" Tanong ko

"Sa gulat, alam mong nagluluto ako tapos bigla ka na lang magyayakap diyan na parang ewan..tskk..assuming ka masyado.." asar niya

Binitawan ko naman siya agad pagkatapos niya sabihin yun! Ang kapal talaga ng feslak ng lalake na ito eh noh? SARAP KUTUSAN! Pero nah, boyfriend ko so tiis na lng.

Inirapan ko siya

"Huy heto naman, joke lang yun! Anyway what do you want for breakfast?"

"Ano.."

"What?"

"Ano na lang..yung ano"

"Ano ba kasi yun?! Puro ka ano! Nakakain ba ang ano?!" Halata sa boses niya na naiirita na siya.

Hahaha ang cute niya.

"Maghintay ka kasi! Bwiset ka! Hmm..bacon na lang" sabi ko

"Okay fine.." at nagsimula na siyang magluto.

Ano ginagawa ko? Eto nasa upuan naglalaro ng cellphone, anong laro? Color switch.

"Inna, aalis pala tayo mamaya ah, pupunta tayo sa Makati." Sabi niya out of the blue.

"Oh tokwa...goodness! "

Bigla ko na lang siyang hinampas ng dyaryo na nasa harap ko.

"Huy! Ano ba? Ano problema mo?!"

"Bigla ka na alng nagsasalita dyan! Nagulat ako! alam mo bang 35 na ang score?! Isa na alng beated ko na yung best eh! Nakakainis ka!" Sigaw ko

"Ano ba?! Ang babaw mo ah! ANO SASAMA KA BA O HINDI?!"

"Oo na!"

At hinain na niya ang pagkain. Kumain na kami agad at nagsimula ng maghanda para sa pag-alis namin mamayang lunch.

Ano ba ang mangyayari? Wala akong kaalam-alam.

You Changed Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon