Kasalukuyang nag-eempake ako ngayon. Aalis na kasi ako ng bansa. When my phone beep.
New message..
From: Moses Isiah Sandoval
Girl! Where na you? Ready na ang limo sa labas. Gogora na tayo, dalian mo nasa labas na rin aketch. You need help ba sa bagahe mo? Just text me, okay? Bye! Love, Moses.
Ang ewan talaga mag-text ni Moses.
Anyway tapos na akong magempake. Lumabas na ako,. Binigyan naman ako ni Moses ng tight hug. Namiss daw niya ako. Remember, galing syang ibang bansa.
Pumasok na kami sa loob ng limo.
"Girl, havey na havey ang dala mo.."
"Thanks.."
"Ay baliw! Naniwala! Kalerkey ka ha! What I mean is, baket yan lang ang dala mo? Sigurado ka bang pupunta ka sa ibang bansa?"
Sabay turo ng shoulder bag ko na channel at maleta ko na samsonite na color blue. Actually isang maleta lang ang dala ko, at maliit pa ito.
"Oo naman, ano sa tingin mo, pupunta sa kapit-bahay lang ang peg?"
"Oo. Kase naman ang liit ng maleta mo!"
"Ano gusto mo? Kasing laki ng eroplano at magpakahirap ako sa pagdala? And ano ba, nakalimutan mo na bang sa bahay namin tayo pupunta sa Spain?"
Oo may bahay kami sa Spain. Kay papa yun. At nandoon si Papa ngayon. Si Tita Vin, hahaha sa Pilipinas pa rin. Mabait naman si Tita eh, masungit at inggetera much lang.
"Ay oo nga pala. Pero kahit na!"
"Ano ba? May mga gamit ako dun at damit, ang dami..."
"Ay ganon? Sige na nga. Oh manong driver, gogora na ho tayo. Lets go!"
At inistart na niya ang engine. Tumingin ako sa hotel na tinitirahan ko for the last time. Hotel ng mga Manuel. Hay nako,naaalala ko tuloy siya.
"Girl, nandito ako."
Niyakap niya ako, ganun din ako.
Airport
"Flight number 1 will leave at exactly, 12:00 noon. Please proceed to station number 7. I repeat, Flight number 1 will leave at exactly, 12:00 noon.Please proceed to station number 7. Thank you."
Sabi ng speaker.
Tumingin ako sa orasan ko, 11:36 pa lang. Medyo matagal pa akong maghihintay. Bumili muna ako ng drinks and food namin ni Moses.
"Girl, sure ka ba?"
"Huh?"
"Sabi ko sure ka na ba?"
"Oo namn. Aatras pa ba ako kung kailan nandito na ako sa airport?"
"May point ka, pero uso naman ang pagbaback-out"
"At ano? Dadating ang prince charming ko at nasa elevator sya at bubukas iyon at hahabulin ako. At si tadhana ay makikiayon sa plano ni boy, and lilingon ako sa kanya, at ang ending nagyakapan kami, at ang flight ko iniwanan ako? Well ang lucky ko kasi wala tayo sa libro ng fairytales na ako si Rapunzel at ilaladlad ang buhok at aakyat si Prince. Nasa reality tayo, Moses. Katotohanan. Malayong malayo sa fantasy." Mahabang pagpapaliwanag ko.
"Ay grabe sya oh! Kinuwentuhan mo pa ako ng story ni Rapunzel. At pinaidentify mo pa sa kin ang pagkakaiba ng katotohanan sa kathang-isip."
"Nagpapaliwanag lang, malay ko bang hindi mo alam yun?"
Tinarayan lang ako ng loka.
Time check: 11:48.
"Hoy, tara na!"
"May pangalan ako, Hoy ka rin!" At ikinawit ang braso niya sa braso ko. Ang clingy niya masyado.
Naglakad na kami. At katulad ng sinabi ko kanina, wala kami sa fantasy, nasa reality kami. Kung kayať walang tumatakbong Harold ang sumunospd sa akin.
Hay siguro panahon na para tigilan ang pag-iilusyon.
Location: Spain.
Time: 2:30 pm
"Anak!" Bati sa akin ni papa.
"Hi pa! " niyakap ko siya
Alam na ni Papa ang nangyari. Pati sa amin ng anak ko. Nagalit nga si Papa ng malaman niyang, sinaktan ako ng pamilya niya.
Dont get me wrong. Hindi ako nagsumbong. Kusang nalaman yun ni Papa, dahil sa mga connections niya. At ngayon pinapahanap niya ang nagsaksak kay Harold.
Kaya naospital si Harold ay dahil nga sa nasaksak siya sa braso. Mababaw lang diba? Hindi lang iyon, sinuntok rin siya, at sinaksak muli, hindi nya naharang iyon at tumama sa tagiliran nya. Kaya naging malubha ito.
"Anak, okay ka lang ba? Youre spacing out."
"Dad, Im just tired, aalis na po ako." I embraced him.
"Okay, anak."
Umalis na ako sa harap ni Dad, at pumunta sa loob ng kwarto ko. Nalulungkot ako...SOBRA. Kamusta na kaya siya ngayun? Magaling na ba ang sugat nya? Naghilom na ba ang sakit na iniwan ko?
Baka hindi pa, mananatili pa rin ako dito hanggang sa mapatawad niya ako...
At pag handa na ako.
BINABASA MO ANG
You Changed Me [COMPLETED]
Teen FictionCharDawn Fanfic I was the old version of my father, but you changed me. All my belief, my fate and others.. You changed them.. The time.. As well They are fictional!