27

141 9 0
                                    

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papunta sa subdivision na tinitirahan ni Papa. Di pa siya umuuwi sa bahay ni Tita Vin dahil may kakauwi lang nito nung nakaraang buwan. At ayaw niya ipaalam kay Tita, dahil baka bungangaan daw siya nito ng bonggang-bongga. Naextend din ang pagstay niya sa ibang bansa dahil, nagkakaroon minsan ng mga conflicts.

"Inna..kinakabahan ako..parang ayoko na" sabi ni Harold sa akin

"ANO KA BA?!" naiinis na rin ako sa kanya, kasi kanina pa siya pisil ng pisil sa kamay ko.

"Eh, natatakot ako!"

"Ano ka ba. Tao lang si Papa. Umayos ka nga."

"Wag na tayo pumunta" pagmamakaawa niya

Ngumiti na lang ako.

"Diba gusto mo ako pakasalan? O ayan na oh. Kailangan lang natin magpaalam kay Papa, na ikakasal tayo. Kumbaga hihingi ka lang ng permiso at blessing na din. Ayaw mo yun?"

"Eh gusto ko nga magpakasal na tayo. Kaso natatakot ako paano kung tanggihan niya ako? Pano kung-,,"

Hinalikan ko na lang siya sa lips. Ang daldal.

Halos matawa na ako sa itsura niya. Paano ba naman kase tumigil siya sa pagsasalita. At nanahimik. Nagblublush pa ang loko. Hahaahh nakakatuwa siya

Nang marating na namin ang gate. Binuksan agad ito ni Manong Guard. Kilala na ako ng guard eh.

"Ate Len? Asan si Papa?" Tanong ko sa kasambahay na nasa sala, naglilinis

"Ah, maam nasa kwarto niya ho, nagtratrabaho po"

"Ah okay. Salamat ate. Kumain ka na ba ate?" Tanong ko kay Ate Len.

"Ah hindi pa po. Mamaya na po" sabi niya

"Naku ate! Kain ka muna. May dala kaming pizza oh." Sabay taas ng hawak ko. Dalawang box yun

"Okay lang po maam."

"Naku ate, dali na oh. Isama mo na rin sina Ate Rena at Kuya Dias. Dali na"

Nahihiya man si Ate, eh tinanggap niya pa rin yun

"Ang bait mo naman, Inna" pagpupuri ni Harold sa akin

"Ewan ko sayo. Tara na" at umakyat na kami.

Kumatok ako sa pintuan. Walang sumagot.

Isa pa.

"Sandali lang.." sagot ng nasa loob.

Ilang segundo pa ang nakalipas. Ayun pinagbuksan na kami ni Papa ng pintuan.

Pinapasok kami nito sa mini sala na nasa loob ng kwarto niya.

"Inna, kamusta ka na, anak?" Tanong ni Papa sa akin

Mabait sa akin si Papa dahil ako lang ang halos umiintindi sa kanya. Kahit sina Kuya Cyrille at Ceinna ay nagagalit kay papa dahil sa paghahanap nito ng bagong asawa.

Naiintindihan ko si papa, dahil alam kong nadedepressed siya ng sobra kapag nag-iisa kaya ayun.

Pero kahit ganun mabait pa rin siya sa mga kapatid ko.

"Pa, gusto ko kasi ipakilala sa iyo ang fiancè ko."

"Fiancè ba kamo?"

"Opo pa. Eto po siya oh."

Nakipagkamay naman si Harry kay Papa.

"Hijo, anong pangalan mo?" Tanong ni Papa kay Harry

"Harold Jacobo Manuel po."

"Ah...ilang taon na kayo ni Inna?"

"Tatlong taon at maglilimang buwan na po."

"Aba...Inna bakit hindi mo siya naiikwento sa akin"

"Ah eh akala ko kasi magagalit ka "

"Hindi naman ah. Pero ano ba ang pinunta niyo talaga? Magpakilala o ano?"

"Pa, nandito kami dahil gusto naming personal na magpaalam sa inyo"

"Bakit? Saan kayo pupunta?"

"Ah sir..ipapaalam ko po sana ang inyong anak kung pwede ko na po nang kunin ang kanyang kamay, at magpapakasal na po kami. Hinihingi ko po sana ang basbas niyo at ang pagpayag niyo ho" magalang na sabi ni Harry.

"Hijo gusto kita para sa anak ko" at ngumiti ito

"Pa ibig sabihin..."

"Magpakasaya kayo, at hijo wag mong sasaktan ang anak ko, naiintindihan mo ako.."

"Opo."

"Thank you pa!" Sabay yakap kay papa.

"May kondisyon ako"

"Ano po yun?"

"Makinig ka ah. Ang pangalan ko ay Armando Carlos Tamayo. Hijo, ano ulit ang pangalan ko?"

"Armando Carlos Tamayo po"

"Ano ulit?"

Di ko alam kung anong pinaggagawa ni Papa

"Armando Carlos Tamayo po"

"Isa pa.."

"Armando Carlos Tamayo po"

"Tatandaan mo yan ah..?"

"Opo, sir"

"Tito Arman na lang"

"Opo Tito Arman"

"Ano ulit ang pangalan ko?"

"Armando Carlos Tamayo po"

"Mabuti na yung malinaw. Tandaan mo yang pangalan na yan ha?"

"Bakit po?"


























































"Dahil yan ang pangalang hinding- hindi mo makakalimutan,oras na saktan mo ang anak ko..."

You Changed Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon