12 : I can pretend to be your boyfriend
* NASH POV *
Sabay na kaming umuwi ni Sharlene.
Tahimik kami hanggang sa makarating kami sa Subdivision namin.
Walang magka lakas ng loob na magsalita.
Hindi agad pumasok si Sharlene sa bahay nila.
Parang wala sa sarili na naglalakad siya.
Sinundan ko siya hanggang sa makarating siya sa mini playground na nasa loob lang ng subdivision.
GANON NIYA BA KAMAHAL SI KYLE PARA MAGKA-GANYAN SIYA?
Parang hindi niya alam na kasama niya ako ah.
Umupu siya sa baba ng padulasan.
Masyado malalim ang iniisip niya.
Tahimik na ang kapaligiran.
Buti na lang nakabukas pa ang ilaw sa poste kaya hindi naman msyado nakakatakot tumambay sa playground.
Kaming dalawa lang ang tao doon,
"Go ahead and laugh.." - Sharlene.
Nakatingin ako sa nakatungo na si Sharlene. Naka tayo lang ako sa tabi niya kaya hindi ko kita ang mukha niya.
"Huh?" - Nash
"Alam ko naman kanina ka pa nagpipigil na tawanan ako eh.This is the perfect time to make fun of me."
Gosh!!!! Gusto ko siyang yakapin ulit gaya ng ginawa ko kanina.
Gusto ko iparamdam sa kanya na kakampi niya ako at hindi kaaway.
Kung gusto niyang umiyak ay hahayaan ko siya na gawin niya yun, basta gusto ko iparamdam sa kanya na pwede niya ako maging karamay sa kalungkutan niya.
"Hay naku, im not in the good mood tonight. Siguro sa ibang araw na lang kapag sinipag ako."
Yun na lang ang nasabi ko sa kanya.
Kung bakit kasi wala akong lakas ng loob magpaka totoo sa kanya??? ;((
Maya maya pa ay biglang umiyak si Sharlene.
Bigla akong lumuhod sa harapan niya at niyakap siya.
"Hindi mo siya kailangan iyakan Sharlene. Wala siyang kwentang lalaki para sa iyo. Pinatunayan niya lang kung gano siya kagago na pinakawalan ka niya."
"Why do you care?" Sigaw sa akin ni Sharlene.
Kumalas siya sa pagkaka yakap ko.
"I...I dont care... Ayoko lang na aksayahin mo ang luha mo ng dahil sa walang kwentang lalaking yun. Wag mo na aksayahin ang oras mo sa pag-iisip sa gunggong na yun."
Nakakaramdam na naman ako ng inis kapag naalala ko pagmumukha ni Kyle.
BINABASA MO ANG
IT WAS YOU ALL ALONG (NASHLENE & JAILENE)
Teen FictionMagka away na simula pa pagkabata sina Sharlene at Nash. Pasakit at paghihirap ng kalooban ang naranasan niya mula sa malupit na si Nash. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay pinaglapit sila ng tadhana ng minsang kinailangan ni Sharlene ng tulong...