35 : NAMIMISS KITA part1....

5.2K 59 7
                                    

35 : NAMIMISS KITA part1....

* NASH POV *

"Okay, tara lets! Fight fight Hypertension!!! " Malakas kong sigaw...

"FIGHT!!!"  Second emotion ng tatlo.

Madilim ang kapaligiran at hindi ko tanaw ang audience pero sobrang lakas ng presensya nila dahil sa tilian at sigawan...

"WE LOVE YOU NASH!!!!"

Napangiti na lang ako ng marinig ko iyon..

Narinig ko din ang ibang hiyawan para kanila Jairus, Renzo at Simon.

Sinisigaw din kaya ni Sharlene ang pangalan ko???

Sa dami ng babaeng nagtitilian umaasa akong kabilang dun si Sharlene.

Kahit nga hindi na sila sumigaw para sa akin ay okay lang basta si Sharlene ay sapat na.

Siya lang ang babaeng inaasam ko na makita.

Hindi nagkaroon ng chance na makasabay ko siya kanina pagpunta dito sa school dahil kailangan ko ng mauna sa kanya.

Dahil aayusan pa kami ng mga make up artist namin na classmate din namin ni Sharlene.

Gusto sana niya tumulong kaya lang hindi ko siya hinayaan na gawin niya dun dahil gusto ko siya isurprise sa looks naming tatlo.

Di bale, babawi na lang ako mamaya pagkatapos nito.

Siguro ito na ang tamang panahon para tibayan ko ang loob ko.

Sasabihin ko na talaga ang totoo sa kanya..

Na tanging siya lamang ang minamahal ko at mamahalin magpakailanman...

Awts!

Ang korny lang noh???

Alam kong marami na din akong pagkakataon na pinalampas...

gaya na lamang nung nakaraang linggo ng mag-date kaming dalawa...

[ FLASHBACK ]

 

AUG 07 - MIYERKULES

Ito ang araw ng alis nila Tito Daniel at Tita Kathryn patungong USA.

Alam kong malulungkot na naman si Sharlene dahil kailangan na naman umalis nila Tita Kathryn at Tito Daniel para mag work abroad.

"Nash, ikaw na ang bahala mag alaga sa anak namin ah."  Sabay yakap ng mahigpit ni Tita Kathryn sa akin.

"Wag mo siyang papabayaan. Pinagkakatiwala namin siya sa iyo.." - Tito Daniel.

"Yes Tito. Kahit hindi niyo sabihin ay gagawin ko po iyon. Hanggang nabubuhay ako ay ibubuwis ko ang buhay ko para maprotektahan lang si Sharlene."

"Ang korni... Buwis buhay talaga? Ano gusto mo mangyari, iwan akong nag-iisa sa mundo?!" Nakasimangot na sabi ni Sharlene.

Natulala ako sa sinabi niya.

Ano daw iyon???

"Hahaha kayong mga bata talaga, puro kalokohan. Wag kayong mag alala Kathryn at Daniel, kami na ni Jaime ang bahala sa dalawang bagets na ito." - Lola Anita.

IT WAS YOU ALL ALONG (NASHLENE & JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon