Jm Note:If your still seeing the word of "The Breakers" yun po iyong first name ng grupo ni Nash na naisip ko kasi may LUVU nga, pero i decided to change it kasi pag-aari na iyon ng LUVU kaya ginawa ko na lang po HYPERTENSION. Kung may mabasa man kayong the breakers, sorry at hindi ko pa lang nauupdate pero HYPERTENSION na po ang name ng grupo nila Nash ah. Salamat po!
29 : FALLING IN LOVE
* NASH POV *
JULY 21.
San ko ba nailapag ang cellphone ko??
Ang gulo na tuloy ng kama ko dahil kanina ko pa hinahanap iyon pero hindi ko talaga makita.
Ang alam ko dito ko lang nilagay iyon sa tabi ko bago ako nakatulog ng hindi ko namamalayan.
Bakit wala na ngayon???
Argh!!!
TOK TOK TOK TOK
"Nash, gising ka na ba? Bumaba ka na para makapag almusal na. Mag sisimba pa tayo. Bilisan mo diyan." Narinig ko ang boses ni Mommy.
"Opo, gising na po ako. Wait lang po"
San ba napadpad yung phone na iyon???
Napansin kong nakapasok na si Mama.
Naiwan ko pa lang hindi naka lock ang pintuan kagabi?
Bigla niyang pinakita sa akin ang hawak niya.
"Ang cellphone ko!!!" Agad kong hinablot ang cellphone sa kamay ni Mommy at tiningnan agad kung may message para sa akin.
"Kapag nagising ka sa umaga, bumulong ka muna ng "Salamat Lord", di iyong cellphone mo agad ang hinahanap mo."
"San niyo po ito nakita?" Hind ko pinansin yung sinabi ni Mommy.
"Nasa sahig mo, pakalat kalat.. Nahulog yata mula sa kama mo. Bumaba ka na at handa na ang break fast.."
"Thanks Mom. Sige po, susunod na po ako."
Naisarado na ni Mommy ang pinto ay saka ko naman kinalikot ang cellphone ko.
My message sa akin ang HYPERTENSION.
Puro Group Message lang.
Ang daya!
Bakit wala man lang text si Sharlene?
Dahil sa pagod kagabi dahil sa maghapon paglakwatsa ay agad akong nakatulog.
Hindi ko na naitext pa si Sharlene.
Porket hindi ako nagtext ay hindi din mag tetext??
Binuksan ko na lang ang facebook at twitter ko.
Check ko lang kung marami na akong followers.
Hhhhmmmm... Not bad having 66,000 followers...
Parang daig ko pa ang tunay na artisa sa dame ng sumusubaybay sa akin ah.
More than 500 friend request na ang naka display sa wall ko.
Hindi ko pa din magawang iaccept ang iba sa kanila.
Para kasing nauumay na ako sa dami ng friends ko na hindi ko naman kilala kaya hindi ko na muna pinag aaksayahan ng oras ang mga friend request nila.
Mas bet ko kung ifollow na lang nila ako.
Ano kaya kung i-add ko na si Sharlene?
Kaya lang baka may mapansin pa siyang kakaiba sa timeline ko eh kaya wag na lang.
BINABASA MO ANG
IT WAS YOU ALL ALONG (NASHLENE & JAILENE)
Fiksi RemajaMagka away na simula pa pagkabata sina Sharlene at Nash. Pasakit at paghihirap ng kalooban ang naranasan niya mula sa malupit na si Nash. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay pinaglapit sila ng tadhana ng minsang kinailangan ni Sharlene ng tulong...