32 : ALL I WANT IS YOU

5.9K 66 9
                                    

32 : ALL I WANT IS YOU

* SHARLENE POV *

JULY 22

LUNES...

"Nagtext na ba si Jairus sa yo?" Tanong ko kay Nash.

Kasalukuyan kaming nakatambay sa open field ng campus.

Wala kaming teacher dahil may meeting sila.

Katatapos lang din ng lunch break kaya naisipan namin tumambay dalawa na hindi kasama ang mga tropa niya.

Tinaguan lang naman ni Nash...Ewan kung bakit umiiwas siya sa dalawang iyon.

Hindi pa kaya alam ng dalawang iyon ang tungkol sa amin?

"Hindi nga nagrereply eh. Tumawag ako kanina pero hindi niya sinasagot ang cellphone niya." - Nash.

"Dahil siguro iyon sa nangyari kagabi. Broken hearted pa dahil kay Rojean" 

Kanina ko lang nalaman na schoolmate pala namin iyon.

Gaya nila Kyle at Jairus ay bago lang din siya sa school namin.

Ahead lang siya sa amin ng one year.

"Girlfriend niya na pala si Rojean. Akala ko kasi nasa ligawan stage pa lang sila eh" - Nash.

"Kung ganoon, kilala mo na si Rojean noon pa?" - Ako.

"Na kwento niya sa akin iyon dati pero first time ko siyang nakita kagabi. Siya yung babaeng nagugustuhan ni Jairus" - Nash.

 "Talaga???!!!! Bakit hindi ko alam iyon? Hindi man lang nagkukwento si Jairus"  Parang kinakausap ko lang sarili ko ng tanungin ko iyon.

"Eh bakit ba parang interesadong interesado kang malaman ang bagay na iyon??? Ano naman kung may nagugustuhan si Jairus ngayon??"

"Natanong ko lang... Masama ba?"  Bakit parang sumungit naman yata ang aura nito bigla??

"May gusto ka ba kay Jairus????" May halong pagdududa ang tanong niya.

Ano naman kaya ang drama nito?

"Bakit ganyan ang tono mo?  Nag seselos ka ba???" - Ako.

O_o - Nash.

"Oh.... Hindi ka ngayon makasagot diyan.. Siguro totoong nagseselos ka noh? Aminin mo na kasi na gusto mo din ako.."  Dali!!!! Ito na yung matagal ko ng hinihintay...

Kagabi pa!

Naputol lang dahil ang daming umeksena..

Umamin ka na Nash!!!

Excited na akong marinig ang pag-amin ni Nash sa tunay niyang nararamdaman sa akin.

I have the strong feelings that this is the day!!!

"Excuse me Mr. Nash Aguas..."

(=_=)

Sino na namang extrang nilalang ang nakisali sa usapan naming dalawa ni MY ONLY ONE???!!!!!

IT WAS YOU ALL ALONG (NASHLENE & JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon