31 : FIRST LOVE / IKAW LAMANG

6.4K 65 7
                                    

31 : FIRST LOVE / IKAW LAMANG

* NASH POV *

Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Sharlene.

"Teka Sharlene! Pupuntahan na ba natin si Idol ? Kala ko ba ayaw mong lumapit dun?"  Tanong ko sa kanya habang tumatakbo kami.

"Bulag ka ba?! Nagsusuntukan yung idol mo at si Jairus.." - Sharlene.

"Ano???!!!"  Nagulat ako sa narinig ko.

Nang makalapit na kami ni Sharlene sa maraming nag uumpukan na tao ay saka ko nalaman na si Jairus at si Idol Sam nga ang pinag titinginan ng mga tao dun.

Akmang susuntukin pa ni Jairus si Sam pero naka-awat agad ang dalawang Security Guard.

Lalapit na sana ako ng marinig kong may tumawag ng pangalan ko.

Nagulat ako ng makita ko na nandun din sina Simon at Renzo...

"Nash!!"  Sabay na sigaw ng dalawa..

"Oh?!! Nandito pala kayo. Sabi ni Jairus umuwi na kayo ah"

"Kung umuwi na kami eh di sana wala kami dito sa harap mo.. "  - Simon.

May gana pang mamilosopo si Simon??!!!!

"Wag yan ang pagusapan natin. Si Jairus ang importante. Mukhang dito pa sa mall nagpakitang gilas sa tae kwon do yun eh. Tumakbo agad kami pababa dito kasi nakita namin siya mula sa 2nd floor na sumugod ng suntok dun sa lalaki" - Renzo.

Kung ganun ay sinugod nga niya ng suntok si Sam?

Hinanap ng paningin ko si Jairus at nakita kong kausap na sila ni Manong Guard kasama na din si Sam.

"Bru...  Pigilan mo si Jai at baka kung ano pa magawa nun sa idol mo." - Sharlene.

Nilapitan namin si Jairus at napansin ko ang inis sa mukha niya.

Pero bakit siya maiinis kay Sam?

Matagal na ba silang magkakilala nun at may pinag awayan ba sila dati?

"Dude, anong nangyari dito?" Tanong ko kay Jairus ng nilapitan namin siya.

Nilingon kami ni Jairus pero hindi siya sumagot.

Tumingin ako kay Sam at namukhaan ko ang babaeng kasama niya.

Siya yung babaeng nakabunggo sa akin sa skating rink. Rojean yata ang pangalan niya kung hindi ako nagkakamali.


Tumingin din sa akin si Sam at parang nang aarok kung makatitig siya sa akin.

Parang nangingilala kung makatingin.

Sus! Wagas kung makatingin..Kala naman niya gusto ko girlfriend niya? Mas maganda naman ang Sharlene ko sa Rojean niya noh..

"Michael, halika na. Umuwi na tayo.."  Mahina lang ang pagkakasabi ni RoJean pero narinig ko naman dahil malapit lang ako sa kanya.

Teka... Bakit Michael, ang tinawag niya kay Idol? Bakit? Kamukha lang ba ito ni Sam? Hhhmmmm

Sinipat ko ang mukha niya, kamukha niya talaga iyon Sam Lee na napapanood ko sa youtube eh.. Pero, marami nga talagang magkakamukha sa earth. Baka hindi talaga ito ang Sam Lee na kilala sa youtube.  eh baka naman may kakambal si Idol Sam??

IT WAS YOU ALL ALONG (NASHLENE & JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon