14 : She is the best thing i ever had

7.1K 73 8
                                    

14 : She is the best thing i ever had

* SHARLENE POV *

July 07 - Linggo ng umaga.

Ang araw ng pag-dating nila Mama at Papa.

Hindi nila nabanggit kung anong oras ang dating nila.

Sabi nila huwag na daw sila sunduin sa airport kaya naman kami ang sabik na maghihintay sa kanila dito.

Kaya lang parang hindi excited ang aura ko, nakahiga pa din ako at nakapikit.

“Sana sumipot sa usapan namin si Jairus” piping dasal ko sa isip ko.

 

Naging ok naman ang pag-uusap namin kagabi..

 [ FLASHBACK ] 

“Kasi ganito yun Jai.. ahm uuwi ang parents ko from states and i told them that i have a boyfriend. They want to meet him kaya lang something bad happened kaya hindi siya makakapunta...”

 

“Edi sabihin mo sa parents mo na sa ibang araw na lang nila i-meet ang boyfriend mo. Ilang days ba ang stay nila sa inyo?”

 

“Two weeks... p..pero hindi ganoon kasimple yun Jai eh..”

 

Ano ba ito??? Matagal na kaming hindi nakapag-usap ng matagal ni Jairus pero ito at hinihingan ko siya ng pabor.

 

Hindi niya alam na may boyfriend na ako.

Dati.. wala na  pala ngayon

 

Walang nakaka-alam sa school na may boyfriend na ako, except kay Nash na saksi sa naging break up namin ni Kyle.

 

“Nalalabuan ako sayo Shar.. Linawin mo kaya yang sinasabi mo” Natawa ng mahina si Jairus.

 

“A..Ahm Jairus, yung ipapakilala ko sanang boyfriend bukas ay wala na. I mean, wala na. Kasi kanina n.. naki... nakipag.. ahm... b..reak na kasi kami..” Nahihiya kong sabi sa kanya.

 

Bakit parang ang hirap sabihin ng salitang break??

 

Eh diba nga, hindi naman talaga ako super apektado dun sa nangyari na iyon? Hmp! Kaya bakit parang nahihiya pa akong magsalita ngayon about sa break up?

 

“Ah, you mean hiwalay na kayo?  Parang na-aaurahan ko na ang pabor na hinihingi mo Shar” seryoso ang tono ni Jairus.

 

“Pansamantala lang naman Jairus eh. Sige na pls, wala na akong maisip na hingan ng tulong eh”  Paawa epek ko sa kanya.

 

“Shar, ginagawa mo lang komplikado ang sitwasyon mo. Pwede mo naman sabihin na wala ka ng boyfriend, na break na kayo. Ganun lang kasimple. Bakit kailangan mo pa mag-sinungaling sa parents mo?”

IT WAS YOU ALL ALONG (NASHLENE & JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon