74 : COLD SUMMER NIGHTS

1.8K 38 3
                                    

74 : COLD SUMMER NIGHTS

[  JAIRUS POV ]

October 25, Saturday.

At the park. 7pm.

Palakad lakad lang ako. Nag - iisip. Hindi ko akalain na magiging madali para sa akin na malaman ang totoo...Sa hindi inaasahang pagkakataon kasi ay may nadiskubre ako. Nagulat talaga ako sa nalaman ko. Sa ngayon ay pagkakataon na lang ang hinihintay para malaman ng lahat kung ano talaga ang totoo..

Si Nash na bahala dun. Sinabi ko na sa kanya kung ano ang nakuha kong impormasyon. Hihintayin ko na lang siya na gumawa ng aksyon tungkol sa bagay na iyon. Pero kung hindi man niya magawa, saka ako sasali sa eksena. Gusto ko bigyan ng pagkakataon si Nash na marealize niya kung ano ang totoo. Hindi naman kasi ako nagpapaniwala sa sinabi niyang hindi niya mahal si Sharlene eh. Siguro nasaktan lang talaga ang ego niya kaya nagkakaganun siya pero alam ko ang totoo. Halata naman sa kilos niya na may halaga pa din sa kanya si Sharlene.. na mahal niya pa din to. Nahihiya lang siguro siya or mataas lang ang pride kaya ayaw gumawa ng effort na magka-ayos sila. Nasabi ko na sa kanya na wala na akong inaasahan kay Sharlene. Kahit kailan ay hindi ko makukuha ang pagmamahal ni Sharlene dahil nakalaan na iyon para kay Nash.

Oo, mahal ko si Sharlene. Hanggang ngayon pa din naman eh.. Pero anong gagawin ko ? Pipilitin ko siya na mahalin ako?? Eh ayoko naman ng ganun.. Para naman akong desperado kapag ganun kaya ayos na saken ito na mahalin siya ng walang hinihinging kapalit. Naniniwala naman ako ng darating din yung babaeng nakalaan para akin at hindi si Sharlene iyon.. Tanggap ko na, although masakit pero tanggap ko na talaga..

Kaya ito, dinadaan ko na lang sa pageemote habang naglalakad sa park. Dala ko din ang skate board ko na matagal ko ng hindi nagagamit. Hindi ko alam kung marunong pa ba ako nito dahil matagal na akong hindi nakakapag skate kaya naman nag-decide ako ng isama ito sa paglalagalag ko.

Wala na akong safety gear na suot. Masyadong corny kung magsusuot pa ako ng helmet, wrist guard, knee pad, at elbow pad. Para saken bagay lang yung sa mga bata or sa mga taong takot magalusan or masugatan. Saken, kung maaksidente ako, okay lang.. Para malaman ko kung sino bang mga tao ang mag-aalala kapag may nangyaring hindi maganda saken...

Nagsimula na akong magskate board. Nung una dahan dahan lang. Pinapakiramdam ko pa ang sarili ko dahil matagal akong walang ensayo pero later on, medyo nabuhayan ulit ako ng spirit kaya naman medyo pabilis na ng pabilis ang pag-roll ko sa gulong. Three years ago ng matuto akong magskate board. Sa mga friends ko din natutunan yun dahil that time, usong uso ang skate board kaya naman agad akong nagpabili sa parents ko na binili naman agad. Marami pang katawagan na ginagamit sa skateboard at ang sabi ng mga friends ko ay goofy rider daw ako dahil mas ginagamit ko ang right foot ko for forwarding.

Habang nagskaskate ay nag - iisip pa din ako. Ang dami kasing nangyari this past few weeks at lahat iyon ay mga nega. Sa isang iglap, ng dahil sa isyu ay nagkalabuan kami ni Nash. Dahilan para mas lalong magkagulo ang relasyon nila Sharlene.

Alam kong ako ang dahilan kung bakit nagkaganun ang relasyon nila. Sumali kasi ako sa picture taking kaya nagkagulo talaga. Hindi ko naman pinagsisisihan na minahal ko si Sharlene saka masaya ako na nalaman niya kahit hindi naging maganda ang naging kapalit dahil nag-away silang dalawa at ako ang dahilan.

Pero sabi ko nga, wala talaga akong kinalaman dun sa picture na iyon kung saan ay nakuhanan kaming naghalikan ni Sharlene. Mali, nahalikan ko siya by accident dahil namatay ang ilaw. Partly, meron talagang kiss pero that was unexpected because of the situation. Not intentionally and im not dreaming that to happen because that was so awkward naman diba????

Pero yun na nga, napapaisip ako dahil nakilala ko na kung sino ang may gawa nun. Isang tao na hindi ko akalain na magagawa niya iyon. Pero bakit, ano ang dahilan para gawin niya iyon?.  Tsktsk...

IT WAS YOU ALL ALONG (NASHLENE & JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon