16 : KISS

7K 86 14
                                    

 16 : KISS

* SHARLENE POV*

“Oh sige. Go ahead.. Kiss me...” – Sabi ko Kay Nash na nun ay parang gulat na gulat sa narinig niya.

Bakit ? Anong meron at parang shock na shock si Nash sa narinig niya??

Eh nahalikan na naman niya ako dati.

Ah! Oo.. sinadya niyang halikan ako dati at ngayon ay dala dala ko pa din yata ang kamalasan na yun na dulot na pesteng halik na iyon.

Kaya siguro nakipag-break sa akin si Kyle kasi malas talaga ako.... pagdating sa lovelife???

Pero wala naman akong kinuwentong kahit na anong bagay kay Kyle tungkol kay Nash kaya nagtataka ako kung bakit nasabi niya iyon?

"Ah..So ikaw pala ang kinukwento ni Sharlene na hindi daw marunong humalik." - Kyle.

 

Hindi kaya may alam siya na hindi ko alam??????

Ninakaw ni Nash ang first kiss ko na dapat ay ipagkakaloob ko sa taong mahal ko pero wala na... wala na yung moment na yun...

Malas yata talaga ako sa lovelife.

Nung una si Jairus at ngayon naman ay si Kyle.

Paano kaya matatanggal ang  kamalasan na iyon?

Hindi ko alam.. Wala akong makuhang sagot sa tanong ko.

Ang dapat ko lang gawin ngayon ay maging masaya ang parents ko sa pananatili nila dito sa Pilipinas kaya naman para sa kanila ay gagawin ko ito.

Hindi naman magtatagal ang pagpapanggap na ito.

Kapag nakaalis na sila ay matatapos din itong kahibangan na ito.

Kaya habang nandito sila Mama at Papa ay dapat makisama ako ng maayos kay Nash.

Kahit ngayon lang habang nandito ang parents ko ay papakisamahan ko ng maayos si Nash.

Nagtataka din ako sa mga pangyayari, si Nash ang matalik kong kaaway simula pagkabata pero ngayon............................................

anong kapalaran ba ang nagdala sa amin dito sa ganitong sitwasyon??

IT WAS YOU ALL ALONG (NASHLENE & JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon