80 : OATH

1.7K 45 5
                                    

80 : OATH

[ NASH POV ]

Oct 30, Thursday.

Sa malawak na green field ng Fantastic High.. Breaktime.

Okay na kami ulit ni Sharlene. As in we’re together again. Buti na lang at nagkaroon na ako ng lakas ng loob na harapin ulit siya. Ang tanga ko nga lang dahil pinatagal ko pa, kung hindi ko pa nabalitaan na may nangyari sa kanyang hindi maganda ay hindi pa ako magkakaroon ng tapang na kausapin siya.

Buti na lang talaga... As in buti na lang...

“San mo ba ako dadalhin ha?” Sharlene asked.

Hila hila ko siya kanina pa at kanina pa din siya naiirita sa akin dahil hindi ko binabanggit kong san ko ba siya dadalhin.

“Malalaman mo din.”

Hinila niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. “Bakit?” tanong ko.

“Anong bakit? Hindi ba pwedeng lagyan mo naman ng lambing ang pagkakahawak mo sa kamay ko? Para mo akong kakaladkarin niyan eh.” Natawa na lang ako sa itsura niya. Ang haba na naman ng nguso niya. Sarap tuloy ikiss...

“Pwede din ba, wag kang mag-pout diyan dahil lalo kang nagiging cute. Sige ka, baka biglang may dumapo diyan at baka magustuhuhan mo pa iyon.” I smirked.

Bigla naman siyang nagtakip ng bibig at natawa ako ng sobrang lakas sa hitsura niya. Pinagtinginan tuloy kami ng mga estudyante dahil naka-agaw kami ng atensyon. Well, ganyan talaga kapag sikat.

I cant stopped pero tawang tawa talaga ako sa hitsura niya. Hinampas niya ako sa braso at tanda nun na sobrang pikon na siya. “Bwisit ka! Pati ba naman dito sa school, puro kahalayan ang iniisip mo? Mahiya ka nga sa balat mo...”

“Tsktsk... Anong kahalayan ang sinasabi mo diyan? Ikaw yata ang green sa atin eh..” Pang-aasar ko.

“Eh anong sinasabi mong dadapo sa nguso ko? Oh diba, ang halay ng sinasabi mo?”

“Woaah Woaahhh Then your really green Baby! At ano bang iniisip mong dadapo sa nguso mo? Nguso ko???” Hahahaha grabeee!!!!! Nakakatawa talaga si Sharlene! Ito ang sobrang namiss ko sa kanya eh. She cant failed to make me happy.. She’s the one.

And then she turned to pink... She’s blushing. “Oh hindi ka na nakaimik diyan? Sino ngayon ang green sa atin? Ikaw ang nag-iisip ng kung ano-ano diyan eh. What i mean is dadapo.. Ahm.. dadapong  insekto. Pwedeng langaw.Lamok. Lumilipad na ipis?”

“Grrrrr! Bwisit ka! Maka-alis na nga..” at nag-walk out siya sa harapan ko pero hinabol ko agad siya.

“Oh, pikon ka na naman diyan. Sorry na baby....” kinuha ko agad ang kamay niya at hinalikan iyon. Nilalambing ko lang at baka kumalma na pero wala pa ding epek eh. Galit pa din dahil tinulak ang mukha ko.

“Tse!! Dont call me baby ! Halimaw ka talaga...” at nagpatuloy siya sa paglalakad pero sinundan ko lang siya.

“Baby naman eh. Sorry na.. bati na tayo”

“Ayoko. Ginalit mo na agad ako eh.”

“Sorry na please.. Wag ka na magalit. Patawarin mo na ako.” Bigla siyang tumigil sa paglalakad at humarap sa akin.

“Gusto mo talaga na patawarin kita?”  at tumango tango lang ako.

“Okay, if your asking for my forgiveness, then tell me.... where are we going??? Kanina pa ako tanong ng tanong pero hindi mo sinasagot tanong ko.”

Huminga muna ako ng malalim at tumingin sa kanya. “Rojean....”

Napakunot noo siya sa sinagot ko.. “Rojean?? San iyon? Lugar ba iyon?”

IT WAS YOU ALL ALONG (NASHLENE & JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon