49 : RIGHT NEXT TO ME

4K 64 18
                                    

49 : RIGHT NEXT TO ME

 

1ST DAY OF FOUNDATION DAY

*SHARLENE POV*

Masaya kaming naglilibot sa buong school ni Rojean.

Pinuntahan niya ako kanina sa classroom at halata ang pagmamadali sa kilos niya.

Good timing siya dahil tapos na din kami sa pag aayos ng mga kakailanganin para sa “obra” kuno nila Nash.

Pinagpaalam ako ni Rojean kay Nash at pumayag naman kaya hinila agad ako palabas ng building.

Nakakatuwang pagmasdan ang school na puno ng colorful decoration.

Lahat ng estudyante na makasalubong namin ay nakangiti or nakatawa.

Pati ang mga teacher namin ay naging masaya sa kinalabasan ng Foundation Day namin.

Nag imbita din kami ng mga outsider and other students from other school kaya naman mas maraming tao ngayon kumpara last year...

At kakaiba ang feeling ko ngayon....

Hindi katulad sa past two years of my stay here in school.

Wala akong kaibigan nun.

Walang pumapansin sa akin.

Bukod sa halimaw na si Nash.

Ang walang kasing samang halimaw na si Nash...

Well, dati yun..

Hindi na ngayon...

Kasi hindi lang siya as simple monster.

He’s my handsome monster now..

Although hindi talaga ako pansinin noon pa.

Ewan kung bakit bukod tanging si Nash lang ang nag aaksaya ng panahon na kausapin ako..

Ehem.. Hindi pala pag uusap ang tawag dun... kundi pang bubully...

Nakalimutan ko na naman iyon... Ewan bakit biglang bumalik sa alaala ko iyon ngayon...

Oo nga noh.. Until now hindi ko pa din alam ang reason niya bakit panay pasakit ang binigay niya sa akin noon.

Bakit?? Bakit?? Bakit hindi ko pa natatanong iyon sa kanya?

Pero kailangan pa nga ba namin balikan ang nakaraan?

Diba importante ang ngayon at ang kinabukasan namin?

Hhhmmm hindi na siguro.. Hindi ko na pag aaksyahan ng panahon na uriratin pa sa kanya ang nakaraan.

Ayoko ng malaman pa yung isasagot ni Nash at baka masaktan lang ako.

May kasabihan nga na “PAST IS PAST” so theres no reason to reminisce the past.

Tama na sa akin yung ngayon at ang bukas na kapiling siya.

Nararamdaman ko na naman iyong pagmamahal niya sa akin kahit paminsan minsan eh napaka paranoid ko lang talaga mag isip.

Nakakainis lang kasi ngayon ko lang talaga naramdaman ito.

Ang maging selosa to the highest level.

Ngayon ko lang nakikilala ang other side ko ng makasama ko si Nash.

Natatakot din ako sa sarili ko kasi parang ako na ang Monster ngayon at hindi na si Nash.

Monster sa pagka Selosa.

Naku.. Dapat iwasan ko ang ganung ugali at baka matauhan si Nash.. bigla na lang ako iwan.

Arrggggghhhh!!! Nababaliw na ako kakaisip...

IT WAS YOU ALL ALONG (NASHLENE & JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon