81 : INCOMPLETE

1.8K 39 3
                                    

Jm Note :

Hi Friends! Nakagawa na po ako ng trailer ng IWYAA. Nasa 1st part po iyon ng story na to. Please let me know kung pwede na ba iyon or what. First time ko po gumawa ng video kaya marami pong sablay dun. hehe May mga changes po pala akog babaguhin. Remember Jp Soliva? Yung love interest ni Rojean dito, pinalitan ko na po iyon ng new character. Pinagpaalam ko na iyon kay Jp at alam kong hindi naman siya papalag. bwahahaha I replaced him with Michael Sam Oraye, a fame facebook user gaya nila Simon at Renzo. Kaya yung yung past chapter na namention ang name dun ni Jp, papalitan ko ng Michael Sam. Hays, para lang akong timang noh? Basta magkakaroon to ng major editing once i finished the story. Michael Sam is the childhood friend of Nash... Siya yung kalaro nila Kyle at Nash sa Chapter one. Pagpasensyahan niyo na ang writer ng IWYAA. Baliw na kasi.. Basta ganun na lang po ah, The John Paul name or Jp will be replace as Michael Sam.  Hehehe Please do understand. May topak talaga ako eh. Thank you so much!!!

#JM

xxxxxJMxxxxx

81 : INCOMPLETE

 

[ NASH POV ]

Tahimik kaming nakaupo sa green grass ng open field ng Fantastic High. Nag skip na kami ng klase. Masama daw kasi ang pakiramdam ni Sharlene kaya inintindi ko na lang. Kung sabagay, sino ba naman ang hindi mabibigla kapag nalaman mo na ang kaibigan mo ay nagawang traydorin ka. Parang si Jairus lang sa akin. Masakit syempre kasi pinagkatiwalaan ko siya pero natanggap ko na. Tutal okay na naman kami ngayon ni Sharlene eh kaya napatawad ko na si Jairus.

Tahimik ko lang siya pinagmasdan. Nakayakap si Sharlene sa binti niya at malayo ang tanaw. Tulala. Ayoko mas lalong masira ang mood niya kaya hinayaan ko lang siya sa gusto niya mangyari. Pinilit niya pa ako kanina na umattend ng klase pero sabi ko na wag na lang. Kung nasaan siya, dapat nandun din ako.

Dahil nangangalay ako kakatingin sa kanya at naghihintay na magsalita siya ay humiga ako at pumikit. Kung ang tahimik ng kapaligiran ang makakatulong sa kanya para gumaan ang loob niya ay hahayaan ko siya.

Nilagay ko ang magkabilang braso ko sa ulo ko at pumikit. Hindi pa ako nakakatagal sa ganoong posisyon ng marinig kong humikbi si Sharlene. Napabangon ako at niyakap ko siya.

"Nash, bakit ganoon? Bakit ang unfair ng mundo?"

"Oh, bakit naman nadamay ang mundo diyan sa pag-eemote mo?" Biro ko. Yakap ko siya habang siya ay nakakulong lang sa mga braso ko.

"Bakit ang hirap ng makahanap ng tunay na kaibigan ngayon?" She asked.

"Hindi mo naman kailangan maghanap pa kasi nandito naman ako. Ako na ang magiging bestfriend mo simula ngayon.."

Humiwalay siya sa akin at tinitigan ako. Medyo naluluha na nga siya dahil medyo namamasa na ang pisngi niya. "Bestfriend?? Mag-bestfriend na lang tayo?"

Nung una ay hindi ko na-gets ang ibig niyang sabihin pero nung nakita kong humaba na naman ang nguso niya ay natawa na lang ako.

Ginulo ko ang tuktok ng buhok niya at tumingin siya ng masama sa akin. "Bestfriend slash boyfriend... hindi ba pwede iyon?" Kinindatan ko lang siya. Dumukot ako ng panyo sa bulsa ko at pinunasan ang luhang nagbabadya na naman pumatak. 

"Ah, akala ko kung ano na eh...."

"Ikaw talaga, takot na takot na mawala ako. Sobrang inlove ka na talaga sa akin noh?"

IT WAS YOU ALL ALONG (NASHLENE & JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon