87 : BALIGTAD

1K 42 10
                                    

87 : BALIGTAD

[ Sharlene POV ]

Mas importante ngayon na maabutan ko siya kaya binilisan ko ang takbo ko para mahabol ko pa ang bus na lulan ni Nash...

"SANDALI LANG PO!!!." Hindi ko na pansin ang mga taong nakatingin sa akin. Wala na akong pakialam sa iisipin nila. Ngayong alam ko na nandito pa pala si Nash, kailangan ay maabutan ko siya at mapigilan sa balak niyang pagtira sa malayong lugar.

Takbo pa din ako.. Malapit ko ng maabutan ang bus....

"ITIGIL NIYO PO ANG BUS!!!!" ang bingi ng driver at konduktor para hindi ako marinig. Ano naman kung air conditioned ang bus?  Alam kong naririnig pa din nila ako kaya wag sila magbingi bingihan.

"NASH!!!! BUMABA KA DIYAN!!" takbo pa din ako..

Hanggang sa naabutan ko ang dulo ng bus. Pinukpok ko ng sobrang lakas ang dulo nun at buti na lang dahil tumigil din sa wakas.

Hinihingal man eh tumakbo ako papunta sa pinto ng bus na nasa unahan. Bumakas ang pinto.

"Ano ba problema mo ineng? Hindi mo ba alam na delikado ang ginawa mong paghabol ? Paano kung ---------"

Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni driver. Agad akong umakyat at isa isang tiningnan ang mga taong nakaupo sa loob ng bus.

"NASH!!!" Alam kong nag-eeskandalo na ako pero immune na ako. Nasanay na din ako sa mga matang laging nakakatutok sa akin sa school kaya wala ng epek pa sa akin kung nagbubulungan man sila. 

"NASH.. Sorry  na please...." Nagsasalita ako habang naglalakad sa aisle ng bus. Todo check ako sa mga taong nakaupo dun. 

"Im sorry that im so complicated  and mess everything.." I still continued talking knowing that Nash would hear me and stand up to see me.

"Sharlene.. Ano bang ginagawa mo? Bumaba na tayo" Naka-akyat na din si Jairus. Hinablot niya ang braso ko at pilit akong binaba.

"Sandali lang Jai. Nakita kong umakyat dito si Nash.."

"HOy!! Nakaka-abala kayo. Bumaba na nga kayo at mahaba pa ang biyahe namin!"

"Sorry po... May hinahanap lang po ako..." Hinging paumanhin sa mga pasahero sa loob.

"NASH, MAGPAKITA KA NA KASI!" Sigaw ng isang lalaking sa loob ng bus.

"OO NGA NG MATAPOS NA ANG SHOOTING" yung katabing babae naman ang sumigaw.

"MISS, BAKA NAMAN KASI SOBRANG NASAKTAN SI JOWABELLS SA GINAWA MO KAYA PINAGTATAGUAN KA. SINO BA KASI TALAGA ATE... SIYA BA?" tukoy niya kay Jairus. "OH SI FAFA NASH.?" Yung bading ang nagsalita. Kahawig niya yung bading dun sa music video ni Abra sa Gayuma.

Marami pa ang nagsalita at hindi ko na inintindi iyon. Pinagpatuloy ko ang speech ko baka nakukulungan pa si Nash sa sinasabi ko.

"I know i was wrong and rude. But you know i truly did not mean to hurt you in any way. Please forgive me. I cant live without you. I cant afford to lose you Nash. " I know im being so cheesy and corny but who cares. This is what i really feel. Sana lang nakikinig si Nash sa sinasabi ko. 

"I can't live an abnormal life without you.. Abnormal kasi yun ang meron tayo Nash.. Abnormal man pero masaya.. kahit sobrang gulo at komplikado.. Please Nash.. Magpakita ka na diyan.. Maawa ka naman oh..."

"Oo nga, Maawa ka naman sa girlfriend mo Nash. Tingnan mo ang suot na tshirt, baligtad. Pati ang tsinelas, magkaibang pares. Halatang kaawa awa kaya kung nandiyan ka man, magpakita ka na..."

IT WAS YOU ALL ALONG (NASHLENE & JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon