75 : IF YOU COME BACK

1.8K 42 13
                                    

75 : IF YOU COME BACK

[ SHARLENE POV ]

 Oct 28, Tuesday.

"Sharlene, what happen to your eyes? Araw araw kang lumalala ah. Sino sumuntok sayo?" Hindi pa nga ako nakaka pasok sa classroom ay agad akong sinalubong ng tanong ni Uniz, ang pinaka chizmosa sa buong classroon namin.

Actually sobrang maga talaga yan pagkagising ko. Salamat na lang sa concealer dahil kahit paano, ay naitago ko ang pamamaga at pangingitim ng paligid ng mata ko.  Hindi ko na kasi napigilan ang bugso ng damdamin ko ng mabasa ko ang mga post niya sa facebook kaya panay iyak na lang ang ginawa ko kagabi. Buti na lang hindi nahalata nila Lola at Lolo. Magaling kasi ako magtago..

Hindi pa naman nag uumpisa ang klase kaya naman halos lahat ng estudyante ay nakatambay sa labas ng classroom. Napatingin samen ang ibang estudyante na nakatambay din sa labas.  

I gave her a cold looked. Sana makuha niya ang ibig kong sabihin. Papasok na sana ako sa loob ng biglang may humarang sa pinto...

Pota talaga oh.. Kapag sinuswerte ka nga naman..

"Para kang timang Uniz. Kailangan pa ba itanong iyan?? Syempre malandi eh. Nakakota siguro kagabi kaya puyat." She is Jhezhel, isa mga taong pasimuno sa mga kabullyhan.. She's with her other friend na sina Aira at Lyza. They are very well known in the campus for being a mean girls. Mga walang magawa kaya laging nang bubully ng mga taong sa tingin nila ay pwedeng kayanin sa tulong ng pang bubully nila. 

"OO! Baka nga nag wewet dreams pa until now. ..." Tawanan lahat ang mga estudyante sa biro ni Aira.

Bwisit na martes to ah.. Kung alam ko lang na ganitong pambungad ang dadatnan ko dito sa school, hindi na sana ako pumasok. Umagang umaga ay sira na agad ang araw ko at alam kong kapag naumpisahan iyon ng bad vibes, hanggang sa mag gabi ay bad vibes na.. PALPAK!!!

Sarap murahin nitong mga bwisit na to eh..

"Yeah, i know right!!! Ibang klase din noh? May dual identity ba siya?  Akala mo kung sinong santa santita, yun naman talagang nasa loob ang kulo. May tinatago din kati sa katawan noh?" - Lyza.

Ayoko sila patulan kaya naman nagpatuloy ako sa paglakad para pumasok sa classroom pero hindi man lang sila umalis ng magtangka akong pumasok. Binangga pa ako ni Lyza sa balikat. 

"Umalis ka sa harapan ko Lyza." Mariin kong sabi sa kanya.

"Ayoko..." She crossed her arms while looking at me.

"Umalis ka...." Matalim na tingin ang binigay ko sa kanya but she just shrugged her shoulders as if she's not affected that way i looked at her. 

"Eh sa ayoko nga eh.. Kung gusto mo dun ka dumaan sa kabilang pinto..."

Naikuyom ko ang mga palad ko sa sobrang inis. Umalis ako at pumunta nga sa kabilang pinto. Pero may iba pang mga estudyante na nakaharang din dun kaya naman hindi din ako nakapasok. I know that they are making fun of me.. Parang bumabalik na naman ako sa nakaraan na binubully ako ng mga tao sa paligid ko at same lang din ang dahilan nun, dahil kay Nash.

Nakita kong lumakad palapit sila Jhezhel saken.

"Hoy Malandi..." sabay duro sa noo ko at tinulak ako ng bahagya. "Ano bang pinakain mo kay Nash at napasagot mo siya huh? Hindi ka naman maganda pero bakit nainlove sayo ang boss namin?" -Aira.

"What??!!! Sinong boss? at anong napasagot???" 

"Tonta! Sino pa sa palagay mo? Eh di si Boss Nash! Hindi ka naman niligawan ni Nash eh kaya im sure na ikaw ang nang akit kay Nash." - Lyza.

IT WAS YOU ALL ALONG (NASHLENE & JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon