78 : I DONT LOVE YOU

1.7K 45 6
                                    

78 : I DONT LOVE YOU

[ SHARLENE POV ]

“Nurse Nash?” Ulit ko sa sinabi niya.

“Yes, i will be in charge of taking care of you. So nandito na ako para pagsilbihan ka...”

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Lumapit siya sa kama at umupo sa tabi ko dala ang first aid kit. Pero tumayo naman ako at lumayo sa tabi niya.

“Oh san ka pupunta?” Tanong niya.

“Dito....” Turo ko sa pwesto ko na malapit sa bintana.

“Dito ka...” sabay tapik sa ibabaw ng kama ko.

“Ayoko nga” pagmamatigas ko.

“Come here...”

“Why shoud i?”

“ill put medicine in your wounds”

“No need. Gagaling na din ito...”

“Bakit napakatigas ng ulo mo?” Halatang irita na siya sa akin. Huh! Bahala ka ngayon mainis.

“Eh diba sabi mo nga bonehead ako? Eh di panindigan na!” Pagmamatigas ko.

“Isa......”

“Sige, magbilang ka lang hanggang sa mapagod ka...” Hawak ko pa din ang gitara at sinusundan lang ng daliri ko ang korte ng katawan nito.

“Dalawa....”

“Wala akong naririnig.....”

“Tatlo...”

“La... La... La.. La...” Nagbingibingihan lang ako. Kumaskas ako sa gitara dahilan para magkaroon ng ingay sa loob ng kwarto. At napansin ko na tumayo siya mula sa kama at lumapit saken. Hindi ko siya tinatapunan ng tingin pero naramdaman kong unti unti niyang nilalapit ang katawan niya saken.

Sa pagpipigil ko na hindi siya tingnan ay sumuko din ako. Dahil sa tagal na nasa harapan ko siya at sobrang lapit, tumingala ako para tingnan siya.. Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita ko ng malapitan ang mukha niya. Dahil dun ay bigla ko siyang natulak ng malakas.  Halatang nabigla siya sa ginawa ko. 

"Woohh... Ang lakas nun ah.. ." Sambit niya.

Bigla naman akong napahiya.

"Oh, bakit namumula ka?" Tanong niya.

Napahawak ako bigla sa mukha ko. Grabe, parang nag-iinit nga ang buong mukha ko sa nangyari ah. Nagbublush nga ako? Napatingin naman ako sa full-length mirror at sinipat ang sarili ko dun.

Putrages, ang pula nga ng mukha ko.

"Oh, naniniwala ka na? Nagblublush siya oh..." Sabay pisil sa pisngi ko.

"Ouch naman!! Pwede bang dahan dahan ka sa pagpisil.." Tinampal ko ang kamay. Medyo makirot pa din kasi ang pagmumukha ko eh.

"Ay sorry.. Hindi ko alam na masakit pala yan. Halika na kasi, gagamutin na natin iyan." Hinila niya ako papunta sa kama ko at sabay kaming umupo. Hindi ako tumitingin sa kanya. Derecho lang ang tingin ko at hindi siya pinapansin. Kinuha niya ang first aid kit at nagsimula ng magkalikot dun ng kung anu-ano.

"Sharlene...."

Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Baka asarin na naman ako ng mokong eh.

"Sharlene..." Tawag niya ulit sa akin.

"Ano ba kasi iyon?!" Irita kong tanong sa kanya.

"Bakit ang haba ng nguso mo? Yan ba ang masakit sayo???"

IT WAS YOU ALL ALONG (NASHLENE & JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon