9 : "Mr. Basurero" (Carlyn & Renzo)

7.2K 63 7
                                    

9 : "Mr. Basurero" (Carlyn & Renzo)

 

* Renzo Pov *

Kakauwi ko lang galing school.

Katatapos lang namin i-practice nila Nash, Jairus at Simon ang ipeperform namin sa Acquitance party.

Na-eexcite na ako rumampa sa stage.

Gustong gusto ko kasi ang nagpeperform.

Gustong gusto ko ang feeling na tinitingnan ng lahat ng tao.

Yun nakakakuha ako ng atensyon nila.

Feeling celebrity lang talaga ako.

Sana nga maging artista ako eh.

Kaya ginagawa ko ang lahat ng pagpapansin sa facebook.

Nandyan na magpost ako ng super cute kong mga pictures.

Ipakita ang cute teeth ko, ang attaractive mole ko malapit sa bibig, ang tiny abs ko, ang maputi kong kili kili na walang buhok, ewan ko ba bakit hindi ako tinubuan. haha lol pero pabor naman sa akin para flawless ang aking kili kili.

Gusto ko nga maging model ng deodorant eh. haha 

Basta pangarap ko talaga maging artista, gusto ko nasa akin ang lahat ng atensyon.

Kaya lang

May kulang....

May gustong gusto talaga ako makuha eh.

Yung atensyon ng taong mahal ko.

Makuha ko lang atensyon niya ay masaya na ako.

Ako na siguro ang pinaka masayang tao sa bahay na to. haha lol

Kaya lang napaka ilap niya eh.

Sobrang lapit lang siya sa akin pero ang hirap niya abutin.

Hindi ko alam kung ano ang kulang sa akin at hindi niya man lang ako tinatapunan ng atensyon... 

Oo.. Tinatapunan talaga.. Gusto ko ngang itapon ang sarili ko sa kanya eh kaya lang alam ko naman na hindi niya ako sasaluhin or kukunin.

Paano nga naman kasi basura lang yata ang tingin niya sa akin. ;((

Basurero ang tingin sa akin ni Carlyn.

Gusto niyo malaman kung bakit??

Tara, try natin mag time machine.

Subukan natin mag-flash back. haha lol

[FLASHBACK]

Isang mainit na tanghali...

"Ate Jai!!!! May nakita ka bang papel dito sa mesa?"

Todo hanap ako sa papel na iyon.

Importante yun sa akin.

Ang tagal ko bago maisip ang lyrics na yun eh.

Hindi po ako composer pero bigla ko na lang naisipan magcompose ng dahil sa kanya.

Gumawa ako ng kanta dahil inspired ako.

Gusto ko siya alayan ng kanta kaya naman todo effort talaga ako sa pag gawa nun.

Pero hindi ko na makita yung pinag sulatan ko.

IT WAS YOU ALL ALONG (NASHLENE & JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon