30 : TROUBLEMAKER

6.1K 65 11
                                    

30 : TROUBLEMAKER

* NASH POV *

 

"Nash, wag mo ako bibitawan..."

"Paano ka matututo niyan kung hindi kita bibitawan?" Tanong ko sa kanya.

"Ayoko bumagsak kaya dito ka lang sa tabi ko..."

Lihim akong natutuwa.

Kung lagi ba naman ganito eh sobrang saya ko na.

Nandito kami ngayon sa ice skating rink ng Sm South Mall pa din.

Tinuturuan ko siya mag skate pero kapag bibitawan ko siya para subukan ay natatakot.

"Hahaha! Nakakatawa ka talaga Shar. Natural lang bumagsak kaya subukan mo mag skate mag isa para matuto ka na din at ma ienjoy mo naman..."

"Ano ba ineexpect mo, matuto ako agad in thirty minutes? Hindi ako kasing husay mo noh"

"Relax ka lang kasi saka mag concentrate bru. Dali, bitawan mo na kamay ko."  Sabi ko sa kanya

"Ayoko..."  at lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Aray ko Bru, nasasakal na yung kamay ko oh. Hahaha.."

Pareho lang kami natatawa...

Kinikilig ako sa mga ganitong eksena kapag malapit kami sa isa't isa ni Sharlene.

Tulad ngayon na sobrang lapit ko sa kanya.

Yakap yakap ng isang braso ko ang bewang niya para alalayan siya maglakad sa ibabaw ng skating rink.

Sobrang lapit na parang gusto ko siyang halikan pero pinipigilan ko lang.

Napangiti ako sa naiisip ko.

Ano nga kaya kung halikan ko siya ngayon.

Tumingin ako sa paligid, busy sila Mommy at Daddy sa pag sskate, ganundin sina Tita Kathryn at Tito Daniel.

Hinanap ng mata ko si Lean.

Ayun! Nakita ko siyang may kausap..

Lalaki pero hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod sa akin.

Kahawig ng likod ni Simon yun ah...

Saka bakit parang nag-aaway sila ng kausap niya?? Base na din sa ekspresyon ng mukha ni Lean.

"Diba may itatanong ka?"  Napatingin ako kay Sharlene.

"Wala naman akong tinatanong ah.."

"Sabi mo dun sa text, may gusto kang itanong. Ano ba iyon?" 

Nag isip din ako ng five minutes bago ko maalala na may itatanong pala ako sa kanya kanina sa text.

Gusto ko sana itanong yung tungkol sa post niya sa fb na "IM SO SORRY BUT I LOVE YOU"....pero wag na lang..

Dyahe eh... Wala naman ako karapatan na alamin pa ang bagay na iyon.

IT WAS YOU ALL ALONG (NASHLENE & JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon