88 : WHAT MY HEART WANTS TO SAY

994 40 7
                                    

88 : WHAT MY HEART WANTS TO SAY

[ Sharlene POV ]

Tulala. Wala Sa Sarili.

Yan ako habang naglalakad pauwi.

Hindi na ako sumakay ng tricycle dahil ayoko lang na gumawa pa ng eksena. Baka kasi sa sobrang lalim ng pag-iisip ko ay mag drama na naman ako at umiyak. Tama na iyong kahihiyan na nangyari kanina. Hindi ko na matatanggap kong lubus lubusin ko pa iyon hanggang sa matapos ang araw na ito kaya nag-decide na lang ako lakarin mula terminal ng tricyle hanggang sa bahay namin. Hindi naman ito kalayuan mula sa labasan. Meron lang naman akong 15 minutes para lakarin iyon. Sulit din kasi gusto ko din muna mag-isip... Mag-muni muni. Isipin kung tama pa ba itong nangyayari sa akin.

Napabuntung hininga ako. Ang dami ng nangyari simula ng mag-umpisa ang school year sa taon na ito. Marami ng kabanata ang naganap sa loob lamang ng anim na buwan simula ng mag-umpisa ang pasukan sa Fantastic High. Nandyan na naging malungkot ako, masaya, umiyak, nagalit, nainis, nag-selos, napahiya, nasaktan...Mga kung ano-anong emosyon na ang naipamalas ko sa anim na buwan na iyan.

Ngayong taon lang naging ka komplikado ang buhay ko. Komplikado simula ng magsulputan sa buhay ko ang mga taong naging dahilan para maramdaman ko ang mga iyon.

Regret????? Hhhmmmmm Sa totoo lang, maraming beses ko na din naisip iyan. Pinag sisihan ko nga ba na nakilala ko ang mga taong iyon??

Pero sa huli narealize ko din na kung hindi dahil sa kanila, walang katuturan ang buhay ko sa mundong ito. Kung hindi dahil sa kanila, baka nanatili lang tahimik ang magulo ko ng mundo ngayon. Kung hindi dahil sa kanila, baka loner pa din ako until now.

Masaya.... Masaya ako kung anong meron ako ngayon. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na mabuhay sa mundong pinagkaloob ng Diyos. Sobrang pasasalamat dahil napunta ako sa pamilyang hindi ako pinabayaan. Binigay lahat ng pangangailangan sa akin. Masaya ako dahil sa mga taong nakapalibot sa akin ngayon.

Napahawak ako sa tshirt na suot ko. Napatawa na lang ako ng bigla kong maalala ang itsura ko kanina. Bago umuwi ay sinamahan muna ako ni Jairus na pumunta sa RestRoom para maisuot ng maayos ang tshirt ko. Kung hindi naman dahil kay Nash, hindi magkakaganun ang itsura ko. Ipagpalagay pa na nakita din ng maraming tao ang katawa tawa kong itsura. 

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sapitin ko na ang tapat ng bahay nila Nash. Napatingin ako sa kabuuan ng bahay na iyon. Kulay Asul, paboritong kulay ni Nash. Light blue ang kulay ng bahay nila, gaya ng ulap at dagat.  Maganda... Magaan sa pakiramdam pero minsan parang ang lungkot din tingnan ng blue.

Binaling ko ang tingin ko sa kalangitan. Wala masyadong mga bituin na makikita sa kalangitan. Wala din ang favorite full moon ko. Lalo tuloy lumungkot ang pakiramdam ko. Naglakad ulit ako hanggang nasa tapat na ako ng bahay namin. Ayoko pang pumasok kaya naisipan ko muna magpalipas ng oras sa labas. 

Kumusta na kaya si Nash... Ano na kaya ang ginagawa ng bwisit na halimaw na iyon? Nasa Samar na nga kaya siya?  Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon na suot ko dahilan para mapatingin ako sa paa ko.

Tsktsk... Iba ka talaga Nash. Ikaw lang ang taong naging dahilan kung bakit nagkakaganito ako. Pero mananagot ka talaga sa akin kapag hindi ka bumalik dito bago magsimula ang second semester. Isusumpa talaga kita!!!!! Sa isip isip ko lang, gusto kong saktan ng sobra sobra si Nash. Gusto ko iparanas sa kanya kung gaano kasakit ang malaman na nilayasan niya talaga ako.

Umupo ako sa sidewalk at muling tumingin sa screen ng cellphone ko. Picture niya ang naka display dun.

"Hoy, halimaw... Totoo ba talaga iyon? Wala ka na ba talagang balak na balikan ako??" Parang kumakausap lang ako ng tao sa  loob ng cellphone na hawak ko. "Bakit mo naman masyado sineryoso iyong sinabi ko? Hindi ba pwedeng nag-iinarte lang ako kaya nakapag bitaw ako ng ganung salita sayo? Hindi ba pwedeng nagdadrama lang ako? Alam mo bang, gusto gusto na kita suntukin sa ginawa mo? Anong karapatan mo para saktan ako ng ganito?" Hindi na ako nakapag pigil. Tumulo na lang bigla ang luha ko sa nakikita kong sitwasyon ko ngayon.

IT WAS YOU ALL ALONG (NASHLENE & JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon