10 : Sad Night

6.8K 72 6
                                    

10 : Sad Night

* NASH POV *

[Sigh]

Hindi pa din umuuwi galing school si Sharlene.

San kaya nagpunta yun?

Kanina ko pa siya inaabangan mula sa bintana.

Sumakit na ang kamay at daliri ko kakasulat pero wala pa din yung hinihintay ko.

Nanggaling na ako kanila Lolo Jaime at Lola Anita para itanong kung umuwi na si Sharlene kaya lang wala pa din daw.

Kaya lang naiinip na ako, ang tagal tagal dumating ni Sharlene.

Masyado na ako nag-aalala kaya lumabas ulit ako ng bahay at pinuntahan ang bahay nila Sharlene para alamin kung umuwi na siya..

Close naman ako sa lolo't lola ni Sharlene at alam nila na mag-bestfriend kami kahit hindi naman talaga....kaya alam kong hindi sila magtataka kung babalik ako ulit doon para itanong si Sharlene.

Ewan ko lang din kung nag kukwento si Sharlene bout sa mga pinag gagawa ko sa kanya.

Kaya lang, kung nasabi niya yun kanila Lolo Jaime at Lolo Anita, dapat noon pa lang binulyawan na nila ako.

Pero mabait naman ang dalawang matanda sa akin.

So, tahimik lang pala talaga si Sharlene all this time?

TOK TOK TOK!


Si Lolo Jaime ang nag-bukas ng pinto.

"Oh Nash, ikaw na naman. Pasok ka" - Lolo Jaime.

"Huwag na Lo, itatanong ko lang po kung naka-uwi na si Shar?"

"Hindi pa., nag-text siya sa Lola niya na gagabihin siya ng uwi. May date kasi sila ng boyfriend niya eh"

"B-B-BOYFRIEND???!!!!!"

Anak ni Tiya Pusit naman oh!!!

Ibig sabihin totoo pala talaga  yung sinabi niya na may dinadate na siya? Na may boyfriend na siya? Bakit hindi ko man lang nalaman yun?!!

"Oo, hindi niya ba na-kwento?" Halatang nanunukso si Lolo Jaime. Iba ang tono niya, parang may alam siya na wala akong alam. Hmp!

"Who is he Lolo?" ARGH!!! SINO ANG HUDAS NA IYON? GUSTO KO MALAMAN KUNG SINO SIYA. 

Lolo Jaime just give me a little smile.

"Nash, binata ka na talaga. You and Sharlene still pretending that you hate each other while you both have a burning attraction.Magbest friend nga pero lagi ko kayong nahuhuling nag-aaway."

Anu daw???!!!

BURNING ATTRACTION??!!

Paki-translate nga sa tagalog,pwede?

Burning??

IT WAS YOU ALL ALONG (NASHLENE & JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon