71 : I WANT NASH BACK!

2K 38 5
                                    

71 : I WANT NASH BACK!

[ NASH POV ]

Sa sobrang bilis ko tumakbo para balikan si Sharlene ay hindi ko napansin ang bagay na nakaharang sa dinaanan ko kaya ang nangyari ay natapilok ako. Dahil doon ay nagkaroon ako ng galos sa tuhod at braso.

"Bwisit!  Kung kailan ako nagmamadali, saka naman may pahara hara sa dinaraanan ko." Tinaas ko ang pants ko at nakita kong medyo nagdurugo ang tuhod ko. Hindi ko na lang masyado pinansin ang galos ko kahit na mahapdi. Tumayo ako at dahan dahan na lang na naglakad.

Nang bigla naman umulan...

Wow lang. Ang galing mo makisama. Salamat sayo ulan! Bwisit!

Kahit hirap ako maglakad ay pinilit ko pa din tumakbo. Kailangan maabutan ko si Sharlene. Babawiin ko ang sinabi ko sa kanya kanina. Hindi pa naman siguro huli ang lahat sa amin. Ang importante ay makapag sorry ako sa kanya. I will let her explain her side. Gusto ko pa din marinig lahat ng gusto niyang sabihin sana sakin kanina. Sa sobrang gulo lang kasi ng isip ko kanina ay alam kong nakapag bitaw ako ng masasakit na salita sa kanya. Siguro nasaktan ko talaga siya kaya siya umiiyak ng ganoon. 

Nakikita ko na ang lumang building. Mas binilisan ko ang takbo ko. Wala na akong paki kung basang basa na ako or puro putik na ang suot ko. Ang mahalaga saken ay maabutan ko kaagad si Sharlene pero kung sakali man na wala siya doon, alam kong may pagkakataon pa mamaya. Basta hindi ko hahayaan na matapos ang araw na to na hindi nagiging maayos ang lahat. Second monthsary pa namin pero ito pa ang nangyari.

Nang sa wakas ay natanaw ko din ang lumang building but i suddenly stopped when i saw two people. I got freezed when i saw them so closed to each other. Naglaho bigla ang naramdaman kong excitement sa nakita ko.

Akala ko ba your begging to get me back Sharlene? Ano ba talaga? I thought.

Hindi ko alam kung lalapitan ko sila at aagawin si Sharlene or hayaan ko sila sa gusto nila mangyari sa buhay nila? Grabing sakit na tong nararanasan ng puso ko. Parang hindi na kaya at onti-onti na ako nawawalan ng pag-asa..

Magkayakap silang dalawa.. Ang babaeng minahal ko ng sobra at ang lalaking tinuring ko ng kapatid ay magkasama ngayon at magkayakap. It hurts me so much when you know that the person you love, loves someone else and they dont know how much they mean to you. 

Sharlene, is it really goodbye for us??

Wala na talaga.. Wala na akong pag-asa. Tinarak na yata ng isandaang kutsilyo ang puso ko sa nadatnan kong eksena ng dalawa. 

xxxxxJMxxxxx

[ SHARLENE POV ]

I saw the worried face of Lola Anita and Lola Jaime when i opened my eyes.

"Ano pong nangyari?" Tanong ko sa kanila. Ang alam ko ay nasa school pa ako kanina pero nandito na ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga.

"Nag collapsed ka kanina Sharlene. Eh sobrang taranta na ako at hindi ko alam ang gagawin ko kaya tinawagan ko na sila Lolo Jaime at Lola Anita gamit ang phone mo. Buti na lang at dumating sila kaagad kaya naiuwi ka namin dito" Nakatayo si Jairus sa likod ni Lola Jaime habang si Lola Anita ay nakaupo sa gilid ng kama ko.

Oo, naalala ko na. Nag-uusap kaming dalawa kanina ni Jairus sa school habang umuulan ng malakas.

Bigla akong napahawak sa sintido ko. May gusto akong alalahanin sa nangyari kanina. Si Nash kaya ang nakita ko kanina? Medyo nanlabo na kasi ang paningin ko dahil sa luha ko kaya hindi ko natingnan ng mabuti kung si Nash ang nakita kong nakatayo kanina pero kabisado ko na ang hubog ng katawan niya kaya siya agad ang naisip ko. Pero posible nga kaya na binalikan niya ako???  Diba galit nga siya kaya bakit pa siya babalik?

IT WAS YOU ALL ALONG (NASHLENE & JAILENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon