ALTHEA'S P.O.V.
Hi, I am Althea Fleur Cabotage, 14 years old, representing Manila, Philippines! Ay charaught lang!
So, ako yung pinakadyosang bestfriend at nag-iisang best friend ni Sherickha! Magkaibigan na kami simula pagkabata, kaya masasabi kong kilalang-kilala ko na siya. Though I know that there are still things na I don't know about her.
Nonetheless, do you want to know more about her?
Well, maganda siya at madaming nagsasabi niyan! Hindi ko rin naman ikakaila kasi totoo. I think she was born to be a Goddess. Iyong tipo bang isa siyang anghel na pinababa ng Diyos dito sa lupa. That's how angelic she looks!
Mabait siya pero depende sa tao at depende sa mood. Palatawa? Depende din eh kasi mahirap patawanin 'yon minsan. Lalo na kapag malalim iniisip niya at sobrang tahimik niya. Kahit kaya magmukha kang clown, hindi pa rin siya tatawa. Tapos minsan, kapag may topak siya ay tawa nang tawa kahit wala namang nakakatawa.
Pero, ano pa ba?
Uhm, matalino din siya. Nag-aaral siyang mabuti to make her parents proud. May kapatid siya. Si Kuya Sean Tyrese Madriaga. Actually, sobrang close sila ng kuya niya. At super strict sa kanya si kuya Sean.
"Hays. Ano bang ilalagay ko dito? Nakakainis naman eh. Daming alam." inis na sabi ni Sherickha.
Halata naman sa boses niya na naiirita siya. Kahit iyong mukha niya ay halos malukot na sa sobrang inis kaya natatawa ako.
Napakaikli kasi ng pasensya niya minsan at hindi ko alam kung dahil ba sa pinaglihi siya sa sama ng loob. Joke ulit!
"Ilagay mo na lang pinagsisisihan mong hindi mo ko minahal. Hahahahaha! Biro lang. Ge." biglang singit ni Marius.
Hay nako. Nagsalita ang taong pinaglihi sa hangin! Napakahangin! Napakafeeling kahit kailan! Gwapong-gwapo sa sarili masyado, sarap sapakin! Grrrr.
"Eh kung ilagay ko kaya dito na pinagsisisihan kong ipinanganak ka sa mundong 'to?! Ha?!" pasigaw na sagot ni Sherickha sa kanya.
Humalagpak ako sa tawa at pumalakpak pa, para mas lalong mainis si Marius kaya ngayon ay masama ang tingin niya sakin.
"Boom basted! Buti nga!" sabi ko sa kanya saka ako tumawa tawa ng malakas.
"Tawa ka diyan Althea! Alam ko namang may hidden desire ka sakin! Tsk." sabi ni Marius saka siya umirap.
Ano daw?! Kapal ng mukha niya! Mas makapal pa sa pinakamakapal na dictionary sa mundo!
Pero...
"Wala ha! Ang kapal mo! Mas makapal pa mukha mo kaysa sa dictionary! Mas mahangin ka pa sa hangin! Mangarap ka uy!" sigaw ko sa kanya saka ko siya binato ng papel at sapul sa mukha niya.
Pero nginisian niya lang ako saka niya itinapon sa kung saan iyong papel na binato ko sa kanya.
Ako ang nang-aasar pero pakiramdam ko ay ako pa 'tong napipikon ngayon! Nakakainis!
"Weh? In denial ka pa diyan! Aminin mo na lang! 'Wag kang mag alala, sasaluhin naman kita eh." sabi ni Marius saka niya ko kinindatan at tumawa siya.
I just showed him my poker face as a response to his nonsense joke! Kapal ng face!
"Will you shut up bro? Ang ingay mo. Tsk." inis na sabi ni Marcus sa kanya.
"Maganda yun bro! Eh ikaw? Tahimik mo. Panis na laway mo. Ge!" pambabara ni Marius sa kapatid niya saka na siya nagsulat na ulit.
Nung ibaling ko ang tingin ko kay Sherickha dahil naging tahimik siya, nakita kong nagsusulat na pala siya. Sinubukan kong lumapit para basahin iyong sinusulat niya pero kaagad niyang iniiwas iyon sakin at sinamaan ako ng tingin.
I just pouted and tried to look cute, so I can convince her and make me read what she was writing, pero it wasn't effective at all! Omg, hindi na ba effective ang cutie face ng isang Althea?!
"Aba. Chismosa ka Thea ha! Dun ka nga tumingin!" singhal sakin ni Sherickha kaya sumimangot ako.
Napaka-ano talaga ng babaeng 'to! Ang bilis mag-change ng mood! Sarap....grrrr.
"Eh? Pabasa lang naman kasi eh! Ano bang sinulat mo diyan at ayaw mong ipabasa sakin!?" singhal ko rin sa kanya.
Pero hindi niya na ko pinansin at itinuloy ang pagsusulat pero tinakpan niya iyon ng isang kamay niya para hindi ko makita, kaya napairap na lang ako.
"Mamaya na. Ipapabasa ko sayo pagkatapos ko." sabi niya na hindi pa rin ako tinitignan.
Nagkibit-balikat na lang ako kahit hindi naman niya iyon nakita.
"Okay, sabi mo eh." sagot ko saka na din ako nagsulat.
Pero napatigil ulit ako at napatitig na lang sa papel kong walang ibang nakasulat kundi pangalan at section ko lang.
Ano kayang ilalagay ko?
"Pinagsisisihan ko na pinanganak ako sa mundong 'to." mahinang sabi ko habang isinusulat iyon sa papel ko.
Kasi...
"Dahil kung hindi sana ako ipinanganak, may chance pa ang iba na maging Dyosa! Kaso pinanganak ako, kaya ako lang!"
Natawa na lang ako sa sarili ko dahil sa pinagsusulat ko. Pero wala talaga akong ibang maisip na ilagay! Bakit ba?!
Kahit naman kasi mag-nobela ako rito, hindi pa rin 'to babasahin ng teacher ko eh. Sa sobrang tamad nun, hindi niya 'to babasahin at sigurado ako dun. Proven and tested!
One time na nagpa-project siya ng essay, sobrang ginalingan ko dun teh! Gusto ko ma-perfect 'yon that time kasi interested ako sa topic. Tapos pagbalik sakin ng papel ko, wow teh, half lang ng perfect score ang akin! Tapos iyong kaklase naming wala namang matinong inilgay dun at chinarot charot niya lang, ayun! Perfect score ang nakuha kaya tuwang-tuwa! Sana all diba?!
"Seriously?" seryosong sabi ni Sherickha kaya napatingin ako.
Tapos nagulat na lang ako nung igala ko ang tingin ko ay nakatingin na silang lahat sa akin! Pati yung teacher namin!
Ano na naman bang ginawa ko?! Nananahimik akong nagsusulat dito eh!
"Kapal mo din! Tsk." sabi ni Marius sakin saka niya ko inirapan. Bakla!
"Che!" sigaw ko sa kanya.
Napakapabida kasi! Palagi na lang akong sinusupalpal kahit hindi ko naman inaano! Napakaepal!
Umiling-iling na lang si Sherickha. Ganun din si Marcus. Siguro ay sanay na sila samin dahil palagi kaming nagbabangayan ni Marius. Para kaming mga aso't pusa na hindi magkasundo!
"Tapos ko na!" sigaw ni Sherickha at itinaas ang papel niya kaya agad akong ngumiti sa kanya.
"Patingin ako!" sigaw ko tapos hinablot ko agad yung papel niya at binasa ang isinulat niya.
Kaso, nalungkot ako sa nabasa ko. Kaagad na napawi ang ngiti ko, unang sentence pa lang.
I regret that I fell for him.
Iyon ang unang sentence na nasa papel niya kaya napatingin ako sa kanya, pero tinignan niya lang ako tapos pinilit niyang ngumiti.
Siguro, humahanga nga ako sa mga nagagawang poetries, proses, or even stories ni Sherickha, pero hindi nun maaalis yung katotohanang hindi ko magawang maging masaya. Dahil lahat ng likha niya ay tagos sa puso ang sakit. And she never have written any happy endings at all.
Perhaps, the past still haunts her. It still pains her.
BINABASA MO ANG
Wrong Timing (Completed)
Teen FictionSherickha fell madly in love with a friend who could not reciprocate her feelings. She was blown away by someone she could never have. Nevertheless, she would further encounter someone along the journey whom she will love much more than the first l...