MARIUS' P.O.V.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I mean, damn, it's been 5 years. Limang taon ko siyang hindi nakita at nakasama. Limang taon na simula nung makipaghiwalay siya sa'kin at hindi man lang sinabi o pinaliwanag sa'kin ang dahilan niya. Kung dahil 'to sa pangarap niya, maiintindihan ko naman. Papayagan ko naman siyang umalis. Hindi ko siya pipigilan. But, damn. She left me hanging!
Pero hindi ko magawang magalit sa kanya. As a matter of fact, I waited for her. Naghintay ako sa pagbabalik niya.
“Mag-usap naman tayo, please?” Pakiusap ko sa kanya.
Kung gusto niya ay luluhod ako sa harap niya. Handa akong gawin lahat lahat para sa kanya. Para lang bumalik siya sa'kin.
I granted her a huge amount of time back then, if that was what she wanted. Na kahit gusto ko siyang i-approach, puntahan, kulitin, at kausapin ay hindi ko ginawa dahil inisip ko na baka gusto niya lang ng space at oras. And I gave it to her.
But now that she's returned, I wouldn't want to let her go again.
“Marius, bitawan mo 'ko.” Ma-awtoridad na sambit niya at pilit kumakawala sa pagkakahawak ko sa kanya.
Those were only a few lines, yet it did strike me like a bolt of lightning. Some few words were more than enough to inflict me heartache.
“Is that the first thought you'll mention to me after all of these years of waiting, Ri?” Malamyang sagot ko sa kanya.
Pero para bang hindi niya ako narinig at patuloy siya sa pag-alis sa pagkakawahak ko sa kanya.
Nakakalungkot. Kung noon, ni halos ayaw niyang bitawan ang mga kamay ko, ngayon, siya na mismo ang gustong kumawala mula sa pagkakahawak ko sa kanya.
Anong nangyari? Bakit naging ganito bigla?
“I said let go of me!” Sigaw niya sa'kin at sa tono ng boses niya'y masasabi kong galit na nga siya.
I gently let go of her hand at that point. Right then, the sadness in my heart is unbearable. Having heard such sentiments from the woman I truly love hurts more than words can probably convey.
“Ri, kausapin mo naman ako. Please.” Pagmamakaawa ko sa kanya.
Pero iniiwas niya lang ang tingin niya sa'kin at sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri niya.
Her face was carved with rage and frustration. And so it leaves me wondering what went so wrong in the first place. All I did was love and care for her. What would I have done to enrage her this much?
“Gusto mo bang lumuhod ako? Gagawin ko.” Dagdag ko pa saka ako lumuhod sa harapan niya upang magmakaawa.
“Jusko. It's been five years Marius! Nakalimot na 'ko. Sana ganun ka rin!” Sigaw niya sa'kin.
And those words were even more painful.
She doesn't appear to be the woman I once loved. She's completely different from someone I've ever met before. Her entire demeanor transformed, from her clothing to her make-up to her speaking tone. What happened to the woman I used to love?
“Hindi ganun kadaling kalimutan ka. Kung kaya ko lang, sana matagal ko nang nagawa.” Sagot ko sa kanya.
Pero hindi siya umimik. Nanatili siyang nakatingin sa malayo. Sinubukan ko siyang hawakan, pero mas mabilis pa siya sa kidlat at kaagad na lumayo.
“Sherickha, about five years ago, I'm sorry—”
“Matagal na 'yon. Kalimutan na natin.” Kaagad na sambit niya at hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita.
![](https://img.wattpad.com/cover/62508944-288-k743366.jpg)
BINABASA MO ANG
Wrong Timing (Completed)
Teen FictionSherickha fell madly in love with a friend who could not reciprocate her feelings. She was blown away by someone she could never have. Nevertheless, she would further encounter someone along the journey whom she will love much more than the first l...