MARCUS' P.O.V.
Matapos sabihin iyon ni Marius sakin ay kaagad siyang sumunod run sa mga babae. Saglit lang akong natigilan, pero sumunod rin naman ako.
Tumabi ako kay Marius, pero sinamaan niya lang ako ng tingin at tumigil sa paglalakad. Kaya napabuntong-hininga na lang ako at umiwas dahil alam ko naman ang gusto niyang iparating.
Sumunod ako kila Sherickha at dinig na dinig ko ang sinabi niya kay Althea.
"Thea, nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit." sabi ni Sherickha.
Is it my fault again?
"Lah, gagi. Bakit?" nag-aalalang tanong ni Althea sa kanya.
"Hindi ko alam. Basta, parang mabigat sa pakiramdam eh. Kanina pa. Hindi ko maipaliwanag." sagot ni Sherickha sa kanya.
"Ano? Palagi na lang ba siyang aasa at masasaktan dahil sayo? Minsan subukan mo ring 'wag maging makasarili." sabi ni Marius sakin saka niya ko tinitigan ng masama.
"Sherickha, Althea may sasakyan!" Sigaw ni Ann.
Kaya napatingin kami agad ni Marius sa kanilang dalawa. Patawid sana sila kaso may sasakyan.
Damn!
"Althea/Sherickha!" sabay naming sigaw ni Marius at sabay kaming tumakbo.
Nahablot ko si Althea at napayakap siya sakin. Samantalang si Marius ay nahablot si Sherickha na ngayon ay nanginginig sa takot at gulat.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa nakikita ko.
Bakit may parte sakin na parang nasasaktan ako kasi hindi si Sherickha ang niligtas ko?
"Okay ka lang ba?" Nag-aalalalang taning ng kapatid ko sa kanya, pero nanatili siyang tulala. "Sherickha magsalita ka!" sigaw ni Marius sa kanya.
Nanginginig pa rin si Sherickha at nakayuko.
"Magsalita ka naman oh! Nag-aalala ako!" sigaw ni Marius sa kanya.
Damn. Bakit ganito yung pakiramdam ko? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Inangat ni Sherickha yung ulo niya kasabay ng pagtulo ng mga luha nya.
"Marius....thank you." sabi ni Sherickha saka niya niyakap si Marius. "Thank you for saving my life. I'm sorry kung tatanga-tanga ako. Palagi naman akong tanga eh. Hindi ko kasi tinitignan ng maayos ang daan ko, kaya ganyan. Muntik na naman ako masaktan. Thank you." umiiyak na sabi ni Sherickha
Niyakap ni Marius pabalik si Sherickha. Yung yakap ng kapatid ko, parang ayaw na niyang pakawalan pa ang best friend ko.
"Okay ka lang ba Althea?" tanong ko kay Althea pero nakatingin lang siya kina Sherickha.
"Alam mo bang 2 years ago, ganito ulit? Galing kami sa 7/11 nun, patawid kami nila Sherickha, muntik na siyang mabangga ng malaking truck nun. Todo sigaw pa kaming lahat. Hindi niya alam ang gagawin niya. Parang napako siya sa kinatatayuan niya. Napapikit pa siya nun at napaiyak sa sobrang takot. Noong mahimasmasan si ate Klein, hinila niya agad si Sherickha. At hindi siya nabangga." Bigla ay sabi ni Althea habang nakatingin dun sa dalawa na parang walang nangyari sa kanya. "Nakahinga kami ng maluwag nun. Sobrang na-trauma siya noon. Ipinapakita lang niya sa iba na kapag tatawid siya kahit malapit na yung sasakyan, kaya niya. Pero sa totoo lang, natatakot siya. Takot na takot siya kasi baka mangyayari ulit yung dati. Na hindi niya kayang igalaw ang sarili niya sa mga ganong sitwasyon. Pero salamat sa kapatid mo. Kasi kung hindi dahil sa kanya, baka wala na ang best friend ko ngayon." sabi ni Althea.
Napatingin ako kay Sherickha, nakayakap pa rin siya sa kapatid ko at nanginginig.
Bakit hindi ko alam yon? Wala siyang sinabi sakin dati na may nangyari palang ganun.
"Masaya ako na ngayon, mayroon nang magliligtas sa kanya." nakangiting sabi ni Althea.
Kumalas sa yakap si Marius.
"Kumalma ka. Tama na okay? Kalma Sherickha. Kalma." sabi ni Marius sa kanya.
Hindi ko alam pero may nagtulak sakin para lapitan siya. Hinila ko siya paharap sakin at niyakap ko siya ng mahigpit.
"I will never let you fall. I'll stand up with you forever. I'll be there for you through it all. Even if saving you sends me to heaven. It's okay, it's okay. It's okay."
Kahit hindi ganun kaganda ang boses ko ay pinilit kong kantahin ang kantang 'to-Your Guardian Angel by Red Jumpsuit Apparatis.
Bukod kasi sa strawberry na ice cream, kapag kinanta ang kantang 'to kumakalma siya.
Oo, alam kong iiyak siya pero alam kong mawawala ang takot niya.
"Bakit, bakit ang sakit sakit? Pakipaliwanag sakin." sabi ni Sherickha saka siya tuluyang umiyak sa mga bisig ko.
"Hindi ko alam. Ayokong nasasaktan ka ng dahil sakin. Pwede bang, kalimutan mo na lang ang nararamdaman mo sakin Sherickha?"
Hindi siya agad sumagot.
Pero parang may parte sakin na nagsisisi na tinanong ko yan sa kanya.
"Iyon ba ang gusto mo? Iyon ba ang gusto mong gawin ko? Ang tuluyang kalimutan ang nararamdaman ko sayo?" Sunod-sunod niyang tanong sakin habang humihikbi.
Ayoko. Iyon ang totoo. Ayokong gawin niya 'yon. Ayokomg sabihin sa kanya 'yon. Pero ginagawa ko 'to, kasi ayokong nasasaktan ng todo ang best friend ko. Ayokong nasasaktan siya ng dahil lang sakin. Ayokong tumigil siyang magmahal, pagkatapos niyang masaktan. At ayoko na sakin lang niya binabaling ang pagtingin niya. Kasi hindi niya makikita at mahahanap ang taong dapat na para sa kanya kung sa akin lang nakatuon ang atensyon niya.
"Oo." sagot ko sa kanya.
Kumalas siya pagkakayakap sakin.
Alam kong kumalma na siya, kasi tumigil na siya sa pag-iyak at hindi na siya nanginginig.
"Then stick with this idea of yours. Kakalimutan ko ang nararamdaman ko sayo at kasabay nun ang paglimot ko sayo." sagot ni Sherickha saka na siya tumalikod at naglakad palayo.
Gusto ko siyang habulin. Parang may nagtutulak sakin na habulin siya
Aaminin ko, nagsisisi akong tinanong ko yun sa kanya kasi ayokong lumayo siya. Bawat hakbang niya, pakiramdam ko gugunaw ang mundo ko.
Eto na nga ba ang huling beses na makakasama at makakausap ko siya?
"Eto lang masasabi ko sayo Marcus.... pinakawalan mo na siya. Tama na, pwede ba? Ginusto mo 'to. Ikaw ang nagdesisyon dito. Sana tigilan mo na siya at sana layuan mo na siya. 'Wag mo na siyang pahirapan pa. Oras na masaktan siya ng sobra sobra, eto ang tatandaan mo. Kakalimutan kong kadugo kita at kakalimutan kong kapatid kita" sabi ni Marius saka na siya umalis at tumakbo para habulin at sundan si Sherickha.
Naiwan akong tulala at hindi alam kung ano ba ang tunay na nararamdaman.
"Ganon ba kahalaga si Sherickha para kay Marius? Ang seryoso ng kapatid mo ha. Ngayon ko lang siya nakitang ganun." sabi ni Althea tapos ngumiti siya pero may kakaiba sa ngiti niya. "Hays. Tara na nga. Magmeryenda na lang tayo."
Nauna na siyang naglakad papaalis at sumunod lang ako. Nung makarating kami sa Angel's burger, tumabi ako kay Ann. Para na rin umiwas kay Sherickha dahil iyon ang hiniling ko.
"Narealize mo na ba?" Tanong bigla sakin ni Ann.
Napakunot ang noo ko sa naging tanong niya. Dahil sa pagkakaalala ko, hindi naman kami gaanong nag-uusap at wala rin akong maalalang huling pinag-usapan naming dalawa.
"Ang alin?" Tanong ko
Umiling-iling siya at ngumiti sakin.
"Take time to realize, Marcus. But I hope you won't be too late." sabi ni Ann aaka niya tinap ang balikat ko at nauna nang bumalik sa school.
Naiwan akong parang tanga na nag-iisip sa sinabi niya.
Ano ba ang dapat kong marealize?
BINABASA MO ANG
Wrong Timing (Completed)
Teen FictionSherickha fell madly in love with a friend who could not reciprocate her feelings. She was blown away by someone she could never have. Nevertheless, she would further encounter someone along the journey whom she will love much more than the first l...