SHERICKHA'S P.O.V.
Ilang taon na ang lumipas....joke! Ilang weeks na ang lumipas and finally natapos din yung film namin.
Pagkatapos ng araw na 'yo, hindi ko na pinansin at kinausap pa si Marcus. Palagi akong nakadikit kay Marius. Pati nga si Althea ay hindi ko pa nakakausap eh.
Tapos ngayon, kami yung unang magpapanood ng film namin. Kami kasi ang unang natapos.
"Hoy dito ka!" sabi ko kay Althea kaya lumapit siya sakin.
Naka indian seat ako tapos nakasandal sakin si Althea.
Yung part kung saan na kami ngayon ay yung part na sobrang nakakarelate ako.
Hindi ko alam, pero nung shooting hindi naman ganito ang pakiramdam ko. Pero ngayon na pinapanood na namin yung film, ramdam na ramdam ko yung sakit. Parang halos lahat ng linya tinamaan ako.
"Tumingin ka ng deretso sa mga mata ko at sabihin mo na hindi mo ko mahal. Kapag nagawa mo yun, titigil na ko." (Alexander)
"Hindi kita mahal." (Alexis)
"Tumingin ka sa mga mata ko!" (Alexander)
Tapos tumingin si Sandra kay Marcus.
"Hindi. kita. mahal." (Alexis)
Tapos binitawan ni Marcus (Alexander) si Sandra (Alexis).
"Fine. I'm done. Sana maging masaya ka sa mga desisyon mo Alexis. Balang araw marerealize ko din na ang dati kong iniiyakan ay hindi ko na kailangan." (Alexander)
Tapos tumalikod si Marcus (Alexander).
"Maaaring ngayon mahal pa kita at hindi ko pa kayang mawala ka. Pero tandaan mo, darating din ang araw na titingin ako ng deretso sa mga mata mo at sa puntong yon wala na kong nararamdaman sayo." (Alexander)
Tapos nag slow mo yung paglakad na paalis ni Marcus (Alexander), nasakto naman yung chorus ng "Paano ba ang magmahal."
"Awww. Ang sakit." sabi ng mga classmates namin.
Naramdaman ko na nababasa yung kamay ko. Tapos pagtingin ko umiiyak si Althea.
"Hoy, bakit?!" tanong ko sa kanya.
Tumawa lang siya tapos nagpunas siya ng luha.
"Tama na 'yan bes. 'Wag ka ngang umiyak." sabi ko sa kanya saka ko iniabot sa kanya ang panyo ko.
"Eh sorry naman bes. Ngayon lang ako tinamaan ng mga lines eh." sagot niya saka kami nagtawanang dalawa.
Pati kasi ako, umiyak din eh. Hindi ko na napigilan.
Pagkatapos naming manood, sakto ring time na. Tapos sabi ng mag groupmates ko na, perfect daw namin yung score. Sobrang saya ko!
"Worth it lahat ng hirap at pagod natin!" Sigaw ni Althea.
"Sana ganun din sa love noh? Lahat sana worth it na ipaglaban. Chour!" sabat ko sa kanya kaya inirapan niya ko.
"Ayan ka na naman bes ha. By the way, tinanong ni Ma'am kung sino gumawa ng script at sinabi naming ikaw. Lalim daw ng hugot mo bes." sabi ni Althea.
Tumawa lang ako.
"Wala namang panghuhugutan kung walang pinagdadaanan eh." sagot ko sa kanya.
"Eh eh eh. Ayan ka na naman! Tama na nga 'yan. Tara na sa next subject." Sabi ni Marius.
"Aye aye boss!" sagot ko.
Ngumiti naman si Althea saka na kami pumunra na next subject. And guess what? Another activity!
Ganito, lahat kami may kanya-kanyang bottle. Tapos magsusulat daw kami sa isang 1/4 na colored paper or coupon bond ng gusto naming sabihin para sa isang tao. Tapos ilalagay namin yun sa bottle nila. Oh diba ang enjoy?
Never thought of this activity, but it's kinda nice. I mean, ang cute! Argh. Hindi ko ma-explain.
"May isa pa kong 'di nasusulatan oh. Kanino ko kaya ibibigay?" sabi ko kay Althea at pinakita sa kanya iyong natitirang paper ko.
"Binigyan mo si Marcus?" tanong ni Ann na sumulpot from nowhere to be found.
"Hindi. Bakit ko siya bibigyan?" tanong ko sa kanya.
Bitter? Hindi. Palusot ko lang 'yan.
Actually gusto ko siyang bigyan pero wala akong lakas ng loob ng ilagay 'yon sa bottle niya.
"Okay. Ilagay niyo na lahat ng nasulat niyo. Last ten seconds." sabi ni Ma'am.
"Hays. 'Wag na nga." bulong ko sa sarili ko.
Pinanood ko na lang ang iba tapos ang daming pumunta sa harap at naglagay sa mga bottles.
"Hoy! Nakita ko 'yon. Pasimple ka ha." rinig kong sabi ni Ann.
"Nakita mo rin 'yon?" Tanong ni Leah sa kanya.
"Alin?" tanong ko sa kanila.
"Naglagay si Marcus sa bottle mo." sabi ni Leah.
Hindi naman kasi namin maitatanggi na hindi kami okay. Nasanay silang lahat na palagi kaming magkakasama, pero ngayon ay nag-iiwasan at hindi nagpapansinan.
"Ah okay." tipid na sabi ko at umayos ng upo.
Hindi na rin sumagot si Leah.
Actually, hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Parang kinakabahan ako sa kung anong nasa sulat niya.
And right after that, natapos ang klase namin at umuwi na.
Pagkauwi ko, tinaggal ko lahat ng messages sa bottle ko at binasa ko isa-isa. Nakakaiyak yung iba, tapos yung iba naman natatawa ako.
Huli kong nabasa yung binigay ni Marcus.
Nung una, parang nag-dadalawang isip ako kung bubuksan ko ba o hindi. Pero at the end, naglakas-loob ako na buksan yung sulat.
Pagkabukas ko pa lang, tumulo na agad ang luha ko.
Ang nalakagay kasi eto,
Dear Sherickha,
Sorry. Sorry. Sorry. Sorry. Sorry. Sorry. Sorry talaga. Please forgive me.-Marcus
At hindi ko din alam, kung ano ba dapat ang mararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Wrong Timing (Completed)
Teen FictionSherickha fell madly in love with a friend who could not reciprocate her feelings. She was blown away by someone she could never have. Nevertheless, she would further encounter someone along the journey whom she will love much more than the first l...