PROLOGUE

5.1K 96 0
                                    

Alam mo yung pakiramdam ng masaktan?

Masaktan kasi umaasa ka sa taong hindi mo alam kung parehas ba kayo ng nararamdaman. Ang masaktan dahil inisiip mong may pag-asa pa kahit alam mong wala na. Iyong masaktan kasi mahal mo siya pero alam mo ring mayroong ibang laman ang puso niya.

Pero paano kung sa gitna ng pagsubok at sakit na nararamdaman mo ay may makilala kang iba?

Paano kung may dumating sa buhay mo para ayusin ka at turuan kang magmahal ulit?

At sa muling pagkakataon....masasaktan ka ulit.

He left me with this melancholy, buried in a photograph of us that would never be seen once more, even in the future.

It's always a strange sound that makes me startled awake from my deep slumber. Glancing beyond my bedroom window, I have seen a scenic beauty filled with beautiful stars and a glowing crescent moon. It was by almost near midnight when I gazed at the little time clock on the small desk beside my bed. I later spotted a photo of us just behind the tiny time clock he bought me as a birthday present when I was sixteen. His right hand was wrapped around my waist and the other one was pinching my cheek whilst our eyes smiled in that lovely snapshot of us. What I've seen was indeed love. Yet I never could imagine that it would be the last picture of us two.

It's painful. It's breaking my heart.

They believe that it's just a portrait and therefore it probably won't hurt me. They really had no clue. Regrettably, that it's not "just" a portrait. It's a reflection of a love that was lost.

And while I stare at the image of us, I'm filled with a slew of sentiments I'll never be able to mask neither just ignore. I'm pretty happy for remembering that charming smile of him, but I'm as well unhappy as I probably won't be able to see it again. I'm indignant with myself for not having enough strength to do something to protect a love from that tragedy that led into an untimely death. And never in my wildest dreams did I ever think that having the existence I do now would mean giving up someone else's. If only I'd known sooner, I would have not drifted too much away. My mulishness made me lose love, forever.

He patched up the gaps in my core and proved me that there is still a good change after a raging storm. But then why did he leave me having known that it would end up breaking me once again?

"Ang daya naman maglaro ng tadhana. Time and existence plays dirty." Natatawang bulong ko sa hangin.

Hindi mabilang kung ilang beses nang naging malabo ang paningin dahil sa pagluha ng mga mata sa tuwing naiisip ko ang kaniyang mga binitiwang salita. Bagaman naging mapaglaro ang tadhana, sinubukan kong ipaglaban siya dahil sa mga panahong iyon ay labis na minahal ko siya. Ipinaramdam ko sa kaniya ang pagmamahal ko upang mapagtanto niyang hindi siyaa nag-iisa sa laban niya dahil ako ay kasama niya. Tinulungan ko siya at sinamahan sa paghahanap niya sa mga piraso ng kaniyang buhay na hindi niya makita. Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at ni minsan ay hindi ko naisipang kumawala. Ngunit bakit...hindi niy iyon nagawa?

Kaya't iniisip ko, tama nga bang sumugal ako para sa isang taong hindi pa naman buo? Marahil isang hangal nga ako sa pagsugal sa taong ito, para sa isang taong sisirain lamang pala ako.

Kung bibilangin ay kulang ang mga daliri sa aking kamay upang sabihin kung ilang beses niya na akong pinaluha at sinaktan. Gabi-gabing nag-iisip na papaano kung dumating ang panahong hindi na siya muling mahagkan. Ang mga unan ko ay naging saksi sa bawat pagluha sa gabi at ang kumot na siyang yumayakap sakin sa tuwing ramdam ko ang panlalamig niya sakin. Siguro nga't oo, nagawa kong magbitaw ng mga salitang hindi kanais-nais sa pandinig niya at nakagawa ng mga bagay na hindi maganda-ngunit hindi ba't ganoon din ang ginawa niya? Ang pagkakaiba nga lang naming dalawa ay patuloy akong lumaban at ni hindi ko alam na siya pala ay tuluyan nang sumuko.

Ang lupit naman ng tadhana, ibinigay ako sa taong hindi pa tapos magmahal ng iba, hinintay akong magmahal ng taong hindi pa naghilom sa sugat ng nakaraan, at hinayaang maubos ang sarili para buuin ang mga pirasong hindi naman ako ang sumira.

Napakamakasariling pakinggan, hindi ba? yung katotohanang minahal ko siya ng buo kahit alam kong ang pagmamahal na ibinigay niya sa akin ay kulang-kulang pa dahil hindi niya pa limot ang nakaraan niya. Ngunit nagpatuloy akong kumapit. Pinanghawakan ko ang mga pangako niya at ang mga katagang mahal niya rin ako. Ngunit naisip niya rin ba kung gaano kasakit sa akin ang ubusin ang sarili para sa mga pirasong siya naman dapat ang bumuo? Ni wala siyang narinig na pagrereklamo mula sa akin dahil wala akong ibang ginawa kung hindi ang tanggapin siya't mahalin ng totoo. Laya't gusto kong malaman- saang parte kaya siya napagod at nagawa niyang sumuko?

Kaya't siguro nga at naging tanga ako nung mga panahong paulit-ulit ko siyang pinatawad, binigyan ng ilang pagkakataon at umaasang magiging maayos pa ang lahat. Siguro't naging tanga ako nung isinugal ko ang lahat para sa kaniya, dahil wala naman siyang ginawa kundi sirain lang ako para siya ang mabuo. Siguro't naging tanga ako sa bandang minahal ko siya. Nakalimutang mahalin ang sarili, dahil walang ibang inisip kung hindi ang mahalin siya.

At marahil wala siyang kahit anong ideya sa sakit na iniwan niya. Ang trahedyang habang-buhay na magiging bangungot ko. Mga alaalang hindi ko alam kung paano kakalimutan at ililibing sa hukay. Mga sugat at pagdurugo na hindi ko mahanap ang lunas kung saan. At sa huling pagkakataon, humihiling ako na sana'y nang umalis siya ay walang itinirang bakas ng nakaraan naming dalawa nang sa gayon ay makuha kong maging masaya sa kabila ng mga mapapait na karanasan nang minahal ko siya.

Ang pangalan niya sana'y hindi ko isinigaw sa kalawakan dahil muling tinakpan ng madilim na kalangitan ang maliwanag na buwan. Siya ang hiling na sana'y hindi ko ibinulong sa mga bituin dahil siya ay naging bangungot na hindi alam kung paano lilimutin.

Dahil oo nga't nahanap ko ang taong magsasalba sa'kin mula sa sakit na nararamdaman ko, pero nagmahalan kami sa maling pagkakataon.

Yung masasabi ko na lang sa sarili ko na, "Bakit ngayon pa? Wrong timing naman."

Iyon bang maiisip ko na ako lang ang naghihintay. Na akala ko mamamatay ako sa sobrang sakit. At yun bang ako ang mas nasasaktan kasi mahal namin ang isa't-isa, pero nakakasakit na pala kami ng iba.

Tipong mapapaiyak na lang kasi bukod sa nasasaktan kaming dalawa, nasasaktan din yung mga kaibigan naming minamahal siya at minamahal ako.

Masasabi ko na lang na, "Bakit siya pa? Bakit ngayon pa? Bakit kasi hindi pa noon?"

At maiisip ko na lang na sa huling kailangan na naming sumuko para sa iba.

Masasabi ko na lang sa sarili kong, "Dapat ba kong maging masaya kasi magkaibigan tayo? O dapat ba kong malungkot dahil hanggang dun lang tayo?"

Dahil ang hirap mahulog at magmahal ng tamang tao....pero sa maling pagkakataon.

Wrong Timing (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon