CHAPTER 4

1.5K 31 1
                                    

MARCUS' P.O.V.

Nung makalabas si Sherickha ng classroom ay kaagad ko siyang sinundan dahil ayoko na rin namang marinig pa ang bangayan nung dalawa sa classroom. Nakakarindi.

Hindi pa man din ganun nakakalayo si Sherickha kaya nahabol ko pa siya at kaagad na hinablot ang braso niya nung makalapit ako sa kanya.

"Sherickha sandali lang." sabi ko kaya tumigil si Sherickha sa paglalakad.

Napansin kong nagpunas siya ng luha bago tuluyang humarap sakin. Nginitian niya ko. And that smile, I know it's fake.

It kinda bothers me whenever she cries like this. I know I couldn't do anything to ease the pain and it makes me look like an asshole, but what can I do?

"Why Marcus? May kailangan ka ba?" tanong niya sakin pero hindi ako makasagot.

Nakikita kong may namumuong luha pa rin sa mga mata niya na konti na lang alam kong babagsak na.

"Sherickha, I'm sorry." sabi ko dahil wala akong ibang masabi kundi iyon lang.

Hindi siya sumagot. Ngumiti siya. Pero patuloy na ang pag-agos ng mga luha niya.

Hindi ko na rin alam kung anong gagawin kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at yinakap siya ng mahigpit.

"I am sorry for hurting you. I am sorry for not loving you the way you want me to. I am sorry if I couldn't catch you as you fall. I am sorry I love someone else. I am sorry. I really am." bulong ko sa kanya at mas umiyak lang siya.

Niyakap ko siya ng mas mahigpit pa. Ito na lang ata ang kaya kong ibigay sa kanya.

Nasasaktan ako kasi nakikita ko siyang nasasaktan. Nasasaktan ako, kasi ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan. Nasasaktan ako kasi ang best friend ko, mahal ako, pero hindi ko siya kayang mahalin ng mas higit don.

May limitasyon iyon. May hanggang iyong kung hanggang saan lang ang kaya kong ibigay. At alam kong alam niya rin ang rason kung bakit.

"I am sorry Sherickha. Please stop crying. I don't want to see you like that. Please? I'm sorry." sabi ko dahil binabagabag ako ng konsensya ko.

Hindi ko maatim na makita siyang palaging umiiyak dahil sakin. Ayoko siyang umiiyak dahil lang sa mahal niya ko at hindi ko iyon kayang ibalik sa kanya.

"I am really sorry." bulong ko sa kanya, pero tumawa lang siya.

Pero ang tawa niya, it's full of sarcasm. It's full of pain.

"Don't be sorry. It is not your fault, it's mine. Hindi ko pinigilan ang sarili ko. Lumagpas ako sa limitasyong ni-set mo. Meeting you was fate. Becoming your friend is my choice. But falling for you is beyond my control. So do nit blame yourself. Hindi mo kasalanan na may mahal kang iba." sagot ni Sherickha.

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at nginitian niya ko pero kasabay nun ang pagtulo ng luha niya. At hindi ko maipaliwanag iyong klase ng sakit na nararamdaman ko ngayon habang nakikita ko siyang ganito.

"Saktan mo ko, sige, okay lang. Lahat ng sampal, suntok na ibibigay mo ay tatanggapin ko. Mailabas mo lang yang sakit na nararamdaman mo." sabi ko sa kanya pero nginitian niya lang ako.

I wonder how can she smile even when she's hurting like this?

"Bakit naman kita sasaktan? I don't want to hurt you, so I just hurt myself for loving you instead. Hayaan mo na. Wala ka namang kasalanan dito eh. This is my choice. It us my choice to get hurt." sagot niya sakin.

Pero hindi pa rin ako mapakali. Ayokong nakikita siyang wasak na wasak. Ayoko siyang nasasaktan dahil lang sakin.

Hindi ko deserve iyong mga luha niya. Hindi para sakin dapat iyon.

"Do you want to move on from me?" tanong ko sa kanya.

Natawa siya at nagpunas ng luha bago tuluyang sumagot sakin. "Oo naman! Bakit hindi?"

Napabuntong-hininga ako at nag-iwas ng tingin.

"Fine. One month Sherickha. After one month, bumalik ka na sakin. Bumalik tayo sa dati. Please?" sabi ko sa kanya.

Damn. I can't afford to lose a friend like her.

Ang gago ko para sabihin iyon, pero iyon lang ang alam kong pwede. Iyon lang ang kaya kong ibigay sa kanya.

"Wow Marcus ha?! One month? Jusko po! Ikaw na lang kaya nasa posisyon ko? One month? Hindi ko kaya 'yon!" singhal niya sakin.

"Kaya mo 'yan. Malakas ka, matapang ka. Kaya alam ko na kaya ko 'yan." sagot ko sa kanya.

I just don't want to lose her. No....I can't even bare seeing her away from me.

Natatakot akong makuha siya sakin ng iba. Kahit na alam kong may pader sa pagitan naming dalawa, ayoko pa ring mawala siya sakin. Mahalaga siya sakin at ayoko siyang mawala.

"Please Sherickha? I missed you. Namimiss ko na yung dati." sabi ko sa kanya.

Kung pwede lang ay magmamakaawa ako kung kinakailangan. Pero hindi ko alam kung papaano. Kung ano ang tama at dapat kong sabihin para manatili siya sa tabi.

"Susubukan ko Marcus. Hindi ako nangangako ng kahit ano. Pero susubukan ko." sagot niya sakin.

Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thank you Sherickha." sagot ko sa kanya, pero tinapik niya lang ang balikat ko.

"Let go. I need to go. May dadaanan pa ko." sabi niya kaya kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Sige. Take care okay? Kung may emergency, just call me. Understand?" sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sakin saka siya tumawa ng mahina.

"Yes boss! Gotta go!" sabi niya saka na siya tumalikod at naglakad palayo.

Pakiramdam ko ang layo layo na niya sakin.

At nung naglaho na siyang ng tuluyan sa paningin ko, I just found myself lying on the floor.

"Marius!" sigaw ni Althea saka siya lumapit sakin at tinulungan akong tumayo.

"What was that for bro?! Damn! Wala akong ginagawa sayo!" sigaw ko kay Marius na sinuntok ako ng malakas kaya ako napahiha sa sahig.

Pinunasan ko ang gilid ng labi kong dumugo na dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya sakin.

"Para magising ka sa katotohanan. Tangina. Ang manhid mo Marcus. Gago ka. Gago ka para saktan siya." seryosong sabi ni Marius habang nakayukom ang kamao niya. "Saktan mo pa ulit siya, kakalimutan kong magkapatid tayong dalawa." dagdag pa niya saka na siya naglakad palayo.

Napailing na lang ako saka ko hinawakan ang ibabang labi kong pumutok yata dahil sa lakas ng suntok ng gago kong kapatid.

"Are you okay?" tanong ni Althea.

"Yeah I'm fine." nakangising sagot ko sa kanya.

I am fine, because you are here.

Wrong Timing (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon