CHAPTER 6

1.1K 30 0
                                    

ALTHEA'S P.O.V.

Dapat pala hindi ko pinagkatiwala kay Sherickha yung paggawa ng script at pati na rin sa mga gaganap sa filn namin!

Ako ginawa niyang leading lady sa film! Chour. That was the original plan, pero hindi ako sumang-ayon sa gusto niya.

Gusto ko na lang umiyak. Siya ang scriptwriter, siya din ang director. Okay, katapusan ko na! Charing!

Si Sandra naman ang leading lady. Si Marcus ang leading man. Ako pang-third wheel lang ang role ko. Panes! Si Marius naman assistant director at camera man!

So ang unang scene ay yung sa school scene daw. Si Sandra daw at Marcus ay mag-bestfriend. Si Marcus matagal nang gusto si Sandra. Tapos ako naman may gusto kay Marcus. Edi wow.

Pero sa kasamaang palad ang gusto ni Marcus ay si Sandra. Boom basted ako ganon! Tapos gusto din siya ni Sandra kaso pinipigilan niya para sakin. Wow. Sana all bff.

"Tara na start na! Bilis! 'Wag mag-aksaya ng oras!" singhal samin ni Sherickha.

'Tong best friend ko talaga, napaka-short tempered kahit kailan!

"Opo direk, eto na." pang-aasar ko sa kanya.

Lumapit naman si Marcus sa amin.

"Alam niyo na diba ang gagawin? So go. Kaya niyo 'yan. With feelings okay? Please. Thank you." sabi ni Sherickha kaya tumango na lang kami.

Pumwesto siya sa likuran ni Marius at deretsong nakatingin sa camera.

"Okay, ready....action!" sigaw ni Sherickha.

Agad kaming pumwesto at nagsimula na.

"Alexis!" sigaw ni Marcus.

Si Sandra yung Alexis. Pinalitan kasi ni Sherickha iyong mga pangalan namin eh.

"Oh Alexander? Hindi ka pa ba papasok? Sabay na tayo. Diba magkaklase naman tayo?" sabi ni Sandra (Alexis).

"Ah oo. Nakita ko kasi kayo kaya sasabay na lang ako sa inyo." Sagot ni Marcus (Alexander) saka siya ngumiti.

"Yiee. Nakakatouch ka naman Alexander. O baka naman hinihintay mo lang si Genovah." sabi ni Ann (Julianna) saka niya ko siniko dahil iyon ang nasa script.

"Ha? Bakit naman?" Tanong ni Marcus (Alexander).

"Kasi gusto mo. Diba Xander?" Sabi ni Sandra (Alexis) saka niya pinanlakihan ng mga mata.

Boom koala! Joke.

"Ha? Ah oo yun nga" sagot ni Marcus (Alexander).

"Oh siya tama na 'yan at late na tayo sa klase natin." sabi ni Ann (Julianna)

"Tulungan na kita sa mga gamit mo Alexis." sabi ni Marcus (Alexander) at akmang kukunin iyong mga gamit niya, pero kaagad na iniiwas iyon ni Sandra.

"Ha? Ah 'wag na. Si Genovah na lang ang tulungan mo. Mas madami siyang dala eh." sabi ni Sandra (Alexis).

Medyo nanlumo naman daw yung mukha ni Marcus. Ayon sa script. Wow, best actor.

Tapos linapitan niya ko at tinulungan ako.

"Akin na." sabi ni Marcus (Alexander) saka niya kinuha mga gamit ko at pilit na ngumiti.

"Thanks." pabebeng sagot ko saka ko iniabot ang mga hawak kong libro.

Edi wow.

Naglakad papuntang room. At charan! Dun nagtapos ang unang scene.

"Okay. Cut!" Sigaw ni Sherickha.

Hayy. Salamat naman daw diba?

"Yehey! Kain muna tayo, please? Gutom na ko!" reklamo ko.

Ang tagal kasi naming nag-start dahil late ang ibang mga kasama namin. As usual, Filipino time. Kapag sinabing 8 AM ang meeting time, mapupuntang 10 AM 'yon!

"Mauna ka na. May scene pa sina Sandra at Marcus eh." sagot niya sakin.

"Oh sige." sagot ko saka na ko lumabas.

Hays. Ano naman kaya mangyayari dun?

Sana hindi masaktan ang bestfriend ko. Kaso imposible yun eh. Alam ko namang kakambal na ng salitang pagmamahal ang masaktan. At mas nasasaktan ako kasi nasasaktan ang best friend ko.

Kung pwede ko lang akuin iyong sakit ay ginawa ko na. Pero hindi eh. Hindi ko rin naman kayang hilumin yung sakit dahil hindi ako may gawa. Na kahit anong pagtakip ang gawin ko sa nagdudugong sugat niya, alam kong temporary lang 'yon at hindi nun matitigil ang pagdudugo.

Kung pwede nga lang talagang bumalik sa nakaraan at baguhin ang lahat ay gagawin ko. Kaso hindi pwede. Hindi ganun kadali.

Dahil iyong nangyari sa nakaraan ay hinahabol at minumulto pa rin kami hanggang ngayon dito sa kasalukuyan.

Wrong Timing (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon