CHAPTER 10

935 31 0
                                    

SEAN'S P.O.V.

Alam ko may pagkamaldita ang kapatid ko. May pagka-selfish minsan, pero may malalim na dahilan. Pero kahit ganyan siya, mahal na mahal ko 'yan at mas angat pa rin ang positive attitude niya.

Iisang tao lang ang minahal niya at alam ko na hanggang ngayon mahal pa din niya. Halos gabi-gabi, naririnig ko siyang umiiyak. Alam ko na sobrang nasasaktan at nahihirapan na siya. Kaya bilang kuya niya, gagawin ko lahat para sumaya siya. Gagawin ko lahat para protektahan siya.

Hindi siya pinagbuntis at pinanganak ni mommy para lang saktan ng iba. Ako nga na kapatid niya, ayokong sinasaktan ko siya, paano 'pag ibang tao na diba?

"Sean, nasaan ang kapatid mo? Hindi ba siya kakain? Napapansin ko palaging ganyan. May problema ba ang kapatid mo?" nag-aalalang tanong ni Mommy.

"Wala naman mommy. Kakausapin ko na lang siya mamaya." sagot ko.

"Iyon na naman ba ang dahilan Sean? Magsabi ka ng totoo." sabi ni daddy.

Napabuntong-hininga ako. Karapatan pa rin nilang malaman. At alam ko na sila ang makakatulong kay Sherickha.

"Yes dad....still him." sagot ko.

"He's still the reason behind her tears and her sadness." sabi ni daddy.

Kilala ng pamilya namin ang pamilya nila Marcus. Actually, mag-best friend nga sina mommy at tita. Ganon din si tito at daddy eh.

"Kakausapin ko si Marcus." sabi ni Daddy.

"About saan dad? Tungkol sa kanila ni Sherickha? 'Wag na lang tayong makialam. Malaki na si Sherickha. Alam na niya ang ginagawa niya dad. Mas gugulo lang kung pati tayo ay makikisawsaw pa sa kanila." suggestion ko.

Totoo naman eh.

Sa tingin ba nila, kapag kinausap nila si Marcus matuturuan na ni Marcus ang puso niyang mahalin ang kapatid ko? Hindi diba? Hindi ganun 'yon.

"Pero hindi ako uupo lang at papanoorin na nasasaktan ang prinsesa ng pamilyang 'to Sean." sabi ni Daddy.

"Think about it dad, kayo ang mas dapat nakakaintindi ng sitwasyon. Kayo ni mommy. Kung sasawsaw tayo, mas gugulo lang dad. Hayaan na natin sila." sabi ko.

Wala naman kaming ibang maitutulong kundi damayan si Sherickha eh. Iparamdam na hindi siya nag-iisa at kasama niya kami. Higit sa lahat, iyong suportahan siya sa kung anuman ang maging desisyon niya.

"But Sean-" sabi ni Dad.

"No dad. Hindi natin pwedeng pilitin yung tao na mahalin ako dahil lang sa ayaw niyong nasasaktan ako. Ayoko siyang pilitin na mahalin ako dahil lang sa mahal ko siya. Kaya ko 'to dad. Hurting is part of loving. It's not his fault. Hindi niya kasalanan na iba ang pinili ng puso niyang mahalin." Napalingon kami sa nagsakita at nakita namin si Sherickha na ngayon ay mugtong-mugto ang mga mata. "Huwag nating pilitin si Marcus dad. Mas magmumukha lang akong desperada kapag ginawa niyo 'yon. Hayaan niyo na. Malalagpasan ko din 'to. Hindi man ngayon, but I know someday, I will."

Ngumiti siya saming lahat.

"Sherickha." pagtawag ni mommy sa kanya.

"Mauna na ko mommy. May lakad kami ni Marius eh. Bye." sabi ni Sherickha saka na siya lumabas.

Umiling-iling si daddy.

"Wala man lang akong magawa. I feel so useless." sabi ni mommy.

"Kausapin mo si Marcus tungkol dito Sean, or else ako ang kakausap sa kanya. Mauna na ko." sabi ni daddy saka na siya umalis.

"Anak, tignan mo naman kung anong magagawa mo tungkol dito oh." sabi ni mommy saka niya hinawakan ang kamay ko.

Ngumiti ako at tumango sa kanya, pero hindi ko rin sigurado kung may magagawa nga ba ako.

"Yes mommy." sagot ko na lang, saka ako umayos. "Mauna na ko mommy." paalam ko sa kanya at humalik sa pisngi niya saka na ko lumabas.

Total sabado naman, dadaanan ko na lang muna si Marcus.

‡ ‡ ‡ ‡ ‡ ‡ ‡ ‡

Makalipas ang ilang minuto, nakarating ako sa bahay nila Marcus.

"Oh kuya Sean, napadalaw ka. Anong atin?" bungad ni Marius.

"Akala ko ba may lakad kayo ng kapatid ko? Nagpaalam siya samin kanina." sagot ko.

"Papunta na kuya. Late na nga eh. Ge kuya. Una na ko sayo." sabi ni Marius.

"Sige. Ingatan mo yung kapatid ko ha." bilin ko sa kanya.

"Of course, I will. Sige, kuya. Mauna na ko." sagot ni Marius.

Tumango lang ako tapos umalis na rin naman siya. Pumasok naman ako sa bahay nila.

"May kailangan ka kuya? Nakaalis na sila daddy eh. Kakaalis lang nila." sabi ni Marcus.

"Actually, ikaw ang sadya ko Marcus. Pwede ba kitang makausap?" tanong ko.

Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.

"Sige kuya. Maupo muna tayo. Ano bang atin kuya?" tanong niya.

Napabuntong-hininga ako at napaayos ng upo.

"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Tungkol kay Sherickha at sayo Marcus." sagot ko sa kanya.

Bakit ako mag-aaksaya ng oras kung pwede ko naman siyang deretsuhin, hindi ba?

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin kuya, pero pasensya na talaga. May mahal akong iba." sagot ni Marcus.

Napapikit ako. Tangina. Ako ang nasasaktan para sa kapatid ko. Ako na lang nasasaktan na para sa kapatid ko, paano pa kaya siya mismo ang nakarinig nito mula sa lalaking mahal niya?

"Kahit konti lang Marcus. O 'di kaya, kahit minsan lang....minahal mo ba ang kapatid ko?" tanong ko sa kanya.

Natahimik siya at napayuko.

Lalake din ako at alam ko ang galaw ng kapwa ko lalake. At nararamdaman kong mahal niya din ang kapatid ko. Hindi ko lang maitindihan kung bakit hindi niya yun maamin sa kapatid ko.

"Minahal ko siya kuya Sean. Mahal na mahal ko siya." sagot niya na siyang ikinagulat ko.

Hindi ko inaasahang sasabihin niya sakin iyon.

Inaamin ba niya sakin ang bagay na hindi niya maamin sa kapatid ko?

Wrong Timing (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon