MARIUS P.O.V.
Ako nga pala ang pinakagwapong nilalang sa mundo. Pangalawa lang yung kapatid ko.
Marius Ezio Fontanilla, remember the name.
"Bes." malungkot na sabi ni Althea.
Napatingin ako sa likod, kina Althea at Sherickha.
Bungangera talaga yang babaeng 'yan. Paano ba naman kasi? Ang lakas lakas ng boses. Sa listahan yata ng noisy ay palaging nangunguna ang pangalan niya. Napakatalakera.
Pero si Sherickha ang inaalala ko. Alam kong nasasaktan siya, manhid lang kasi 'tong kapatid ko.
"I regret that I fell for him. I regret that I met him. I regret that I let myself fell for a guy who never had the idea of catching me. I regret that I assumed. I regret that I hoped for nothing." pagbasa ni Althea dun sa sinulat ni Sherickha kaya napatingin na naman lahat sa kanya.
Si Sherickha, napatingin saglit kay Marcus saka siya nag-iwas ng tingin at napabuntong-hininga.
Iyong pinapagawa kasi samin ni Ma'am ngayon ay magsulat ng kahit na anong pinagsisisihan naming ginawa namin sa buhay. Connected naman sa lesson. Kasi iyong film na pinanood namin ay tungkol sa regrets.
"I hate him for telling me that I am important to him. I hate him for telling me that he cares for me, but didn't make me feel that way. I hate him for giving me false hopes. I hate him for showing me signs that makes me tend to assume that he loves me too." Althea paused for a bit and even I, could hear the sadness in her voice. "And I hate him for letting me fall for him, even though he has no plans of catching me. I hate him because he is showing that he doesn't trust me at all. I hate him for hiding the truth. I hate him, so much."
Pero kahit gaano pa niya sabihing hate niya ang kapatid ko, alam kong hindi iyon totoo. Alam kong kabaliktaran nun ang nararamdaman niya at kahit kailan yata ay hindi na 'yon magbabago.
Ang kinakainis ko lang ay masyadong gago itong kapatid ko at nananatiling manhid sa lahat ng nangyayari. Tipo bang kunwari ay wala siyang alam para sa huli, hindi siya masisisi. He plays innocent.
"But what I hate more is the fact that even though he's lying, even though I hate him, it never changed the fact that I love him." sabi pa ni Althea.
Nakita ko ang pagpatak ng luha ni Sherickha. Hindi na naman niya napigilan.
How many times do I have to see her cry because of my goddamn brother? Seeing her like this makes me feel anguish. It pains me as well.
"If only there's a time machine, I'll go back in the past and changed everything. I'll changed everything right from the start." pagtutuloy ni Althea sa binabasa niya.
Tumingin ako sa paligid at lahat sila nakatuon pa rin ang atensyon kina Sherickha at Althea.
Naiyukom ko ang kamao ko dahil bukod sa inaagaw nila ang atensyon ng lahat, iyong binabasa ni Althea ay bumabalik na sa nakaraan. Iyong nakaraan na matagal na dapat inilibing.
"Althea, stop it." mahinahong pagsuway ko sa kanya.
"Shut up!" sigaw niya sakin pabalik at itinuon ang atensyon sa papel ni Sherickha.
Tangina. Kahit kailan 'tong babaeng 'to!
"I will erase all the memories I had with him. I want to change what I feel. I will erase all of the heartaches, agony, and tears. I will erase my deep affection for him." Pagbabasa ni Althea at nakita kong pasimpleng nagpunas ng luha si Sherickha. "I want to change myself into a stronger and braver person. Most of all, if I can go back from where it all started, I will like to get him out of my mind, in my life, and of course in my heart. So I wouldn't be feeling any pain anymore."
Sabi ko na nga ba, tama ako. Siya na naman ang dahilan ng mga luhang niya Bakit ba ang manhid manhid ng taong mahal niya?
"Aray. Sakit naman teh." sambit ni Althea saka niya akmang ibabalik ang papel kay Sherickha, pero hindi niya ginawa.
Nakita kong napatigil sa pagsusulat si Marcus at humigpit ang pagkakahawak niya sa ballpen niya.
"Althea, stop it." pagsuway ko ulit sa kanya.
"Wait lang! Last na. Meron pa eh. Saglit lang." sagot ni Althea.
Napairap na lang ako at gusto ko na lang siyang sigawan ngayon, pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil babae pa rin naman siya.
"For the person I love, I want to tell you something. Thank you for all the pain you gave me. Thank you for ruining my life. Thanks for tearing my heart into pieces. Thanks for the lesson. But I want you to know that I will still be by your side. I will stay. I promise. But promise me one thing-if you want me out of your life, just tell me, because even though it hurts, I will do it. But for now, I'll stay. I'll stick with you." sabi ni Althea saka na niya binaba yung papel.
Sakto namang nag ring yung bell. Time na.
"Okay. Pass your papers forward and goodbye." sabi ng teacher namin.
Nagsialisan na silang lahat dahil lunch time na rin naman.
Naiwan kaming apat dito sa room. Ako, si Althea, si Sherickha at ang kapatid ko.
"Binasa mo pa kasi! Pinapatigil na nga kita ayaw mo pang tumigil!" sigaw ko kay Althea.
"Eh maganda naman ah! Masakit nga lang!" Sigaw sakin ni Althea.
"Tama na pwede ba?! Diyan na nga kayo! Ang gulo niyong dalawa!" Sigaw ni Sherickha samin saka niya dinampot ang bag niya at umalis na.
"Kita mo na?! Ikaw kasi eh! Kasalanan mo 'to!" Sigaw sakin ni Althea saka niya ko dinuro-duro.
Aba't, namumuro na sakin 'tong babaeng 'to ah!
"Aba't ako pa?! Ikaw kaya!" sigaw ko kanya pabalik saka ko tinabig iyong daliri niyang nakaturo sakin.
"Ang ingay niyo!" sigaw ni Marcus saka niya kinuha yung bag niya at umalis na rin.
"Ay parehong nag-walk out? Hmp!" sabi ni Althea saka niya minadaling ayusin ang nga gamit niya.
"Ewan sayo!" sigaw ko saka ko kinuha ang bag ko at lumabas na.
"Hoy hintayin mo ko!" sigaw ni Althea, pero hindi ko siya pinansin at dere-deretsong lumabas.
Naglakad lang ako nang naglakad. Hanggang sa mapatigil ako sa may harap ng library.
"Marius!" sigaw ni Althea pero hindi ko siya pinansin kasi ang napapansin ko lang ay ang nakikita ko ngayon.
For me, what hurts more is the unrequitted love for someone you know who can't love you back.
BINABASA MO ANG
Wrong Timing (Completed)
Teen FictionSherickha fell madly in love with a friend who could not reciprocate her feelings. She was blown away by someone she could never have. Nevertheless, she would further encounter someone along the journey whom she will love much more than the first l...