CHAPTER 16

889 29 0
                                    

SHERICKHA'S P.O.V.

Nanlaki ang mga mata ko nung marinig ko ang boses niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Nandito pala siya? Anong ginagawa niya rito?

“Huli na ba ko? Nahuli na ba ko masyado?” Tanong ni Marcus habang deretsong nakatingin sa'kij.

Nahuli saan?

“Anong sinasabi mo?Naguguluhang tanong ko sa kanya.

Ang gulo-gulo niya. Hindi ba't ito naman ang gusto niya? Ang tuluyang lumayo ako sa kanya. Ang tuluyang mawala ako sa landas niya. Pero bakit ngayong ginagawa ko na kung saan siya masaya, bakit biglang ganito?

Ano iyon? Biglang nag-iba ang ihip ng hangin at gusto na niya ko sa tabi niya? Bigla ay nagbago na lang isip niya at binabawi na niya lahat ng nasabi na niya?

Pero kahit ganon, hindi ba't parang huli na ang lahat? Sobrang nasaktan na niya ko.

“Mahal mo na ba ang kapatid ko?” Seryosong tanong niya na hindi inaalis ang deretsong pagtitig sa mga mata ko.

Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko mawari ang tamang salitang dapat sa kanya ay aking masabi. Marahil hanggang ngayon ay pilit kong iniintindi ang naging desisyon niya. Pilit kong inuunawa ang dahilan ng kaniyang tuluyang paglayo. At pilit kong tinatanggap na siguro nga'y hanggang dito na lamang kami. Ngunit hindi ko ikakailang ito ang dahilan kung bakit ngayo'y hindi matigil sa pagluha itong aking puso.

“Anong paki alam mo?” Pilit kong itinago ang lungkot sa boses ko.

“Sagutin mo na lang yung tanong ko!” Bigla ay sigaw niya sa'kin kaya medyo napatalon ako sa gulat.

Ngunit ganoon na lang ang gulat ko nung biglaang bumuhos ang malakas na ulan, pero nanatili kami rito sa pwesto namin.

Nakakatawang isipin ngunit sumabay ang panahon sa aking damdamin. Tinatangay ng malakas na hangin ang mga alaalang gusto ko pang alalahanin. At kasabay nang pagbuhos ng malakas na ulan ay ang siyang walang tigil na pagragasa ng mga luha mula sa aking mga mata. Sumasabay ang kulog sa nakakabinging katotohanang hindi ko na maibabalik pa ang anumang naglaho na. At sumasabay sa kidlat ang kay bilis na pangyayaring wala na ang lahat.

“Kung maninigaw ka lang, at kung papaiyakin mo na naman siya aba tangna brad. Umalis ka na lang.” Pagsabat ni Marius sa kanya, siguro dahil wala o mahirap na kumawala ang mga salita mila sa labi ko.

“Huwag kang makialam dito. It's none of your damn business Marius!” Sigaw niya pabalik sa kapatid niya.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko saka ko siya hinarap. Pero sadyang traydor ang luha at hindi ito magtigil sa pagragasa.

“Ano bang pakialam mo?! Wala naman diba?! Bakit kung mamahalin ko ba siya mamamatay ka?! Hindi naman diba?!” Sigaw ko sa kanya kaya natigilan siya. “Oo mahal ko siya! Mahal ko na si Marius! Ano masaya ka na ba ha Marcus?!”

Hanggang ngayo'y nangangapa ako, kung saan ko hahagilapin ang tamang salita upang ibigkas ang kung anumang idinidikta ng puso kong isinisigaw ang lumbay, pagsisisi, at sakit ng sugat na hindi ko alam kung maghihilom pa ba. Labis akong nalulungkot sa tuwing naiisip kong kahit ano yatang gawin ko'y hindi na kita maibabalik sa'king mundo. Natalo ako. Natalo ako sa mga pagsubok na akala ko'y malalampasan pa kung pipiliin kong ipaglaban siya. Nariyan ang bulong ng pagsisi sa mga panahong masyado akong nagkulang at ganoon na rin sa mga panahong masyado akong sumobra. At hindi ko alam kung matatakasan pa ba ang bangungot ng lungkot na dulot ng pag-ibig na ginusto kong protektahan ngunit hindi ko nagawa't aking napabayaan.

Wrong Timing (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon