CHAPTER 18

887 26 0
                                    

SHERICKHA'S P.O.V.

Ilang araw ang lumipas pero hindi pa rin pumapasok si Althea. Hays. Namimiss ko na ang best friend ko. Wala tuloy ako makadaldalan dito.

Bukod kina Marius at Marcus, si Althea lang ang kaibigan ko. Kaming lima lang na Janina ang laging magkakasama. I never tried going out from our circle of friends. I never made friends to anyone else. Kasi masaya na 'ko sa kanila.

“Oh. Lalim ng iniisip mo ah. Ako ba 'yan?”

Napalingon ako sa taong biglang naupo sa tabi ko at nakita ko si Marius.

Si Althea ang iniisip ko, hindi ikaw. Buang! Namimiss ko na siya eh.” Sagot ko saka ako sumimangot.

“Eh ako? Hindi mo ba ko namiss?” Pabirong tanong niya sa'kin.

Inirapan ko lang siya saka ako tumawa.

“Eh halos araw araw na tayong magkasama eh. Baliw ka.” Sagot ko saka ko siya nginitian.

Tumango lang ako sa kanya.

“May tanong ako.” Sambit ni Marius kaya napalingon ako sa kanya.

Ano 'yon?” Tanong ko sa kanya.

Saglit kaming binalot ng katahimikan bago siya tumitig sa'kin at seryoso ang mukha niya.

“Kung dadating ba yung araw na sabihin ni Marcus na mahal ka niya, anong mararamdaman mo?” Tanong niya.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya natulala ako sa kanya.

Magiging masaya ka ba?” Pahabol na tanong niya.

Pero nakayuko lang siya at nilalaro yung daliri niya.

Bakit naman niya yun natanong?

“Alam mo Marius, sinabi ko naman diba? Ayoko na. Pagod na ko. Besides, siya na ang may gusto na layuan ko siya diba? Nasa stage na ko na nakakalimutan ko na siya eh.” Sagot ko sa kanya.

Nanatili siyang nakatitig sa'kin.

Pero kapag dumating na yung araw na yun, wala na kong nararamdaman sa kanya kasi lahat na sa'yo na.” Dagdag ko pa saka ako ngumiti.

Alam kong isang umaga'y magigising ako't makatotohanang ngiti na ang nakaukit sa aking labi. Hindi na ko iiyak, hindi na ko maghahabol. Dahil nagawa kong sumuko na sa pag-ibig na hindi ko na rin kayang ipagtanggol.

Siguro nga ay tama na ang ilang taon kong pagluha at pagmamakaawang sa akin ay bumalik siya dahil alam kong kahit kailan ay hindi niya iyon magagawa. At noon ko pa dapat tinanggap ang katotohanan— katotohanang nasa harapan ko na ngunit pinilit kong huwag tingnan.

Kaya siguro sa nagdaang taon ay hindi ko magawang magmahal ng iba dahil pinipili kong sa kaniya ay kumapit pa kahit wala naman na talaga.

“Alam mo masaya ako na special ako sayo. Masaya ako na nakakasama at nakakausap kita. Masaya ako kasi hinayaan mo kong pumasok sa buhay mo. At mas masaya ako kasi pinayagan mo kong manligaw sayo.” Sabi ni Marius saka siya lumapit at niyakap ako.

Naramdaman ko na nababasa ang damit ko kaya gusto ko sana siyang itulak pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa'kin.

“Hoy! Umiiyak ka ba? 'Wag kang ganyan Marius.” Sabi ko sa kanya.

Wrong Timing (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon