ALTHEA'S P.O.V.
Ilang araw na rin ang lumipas. Palagi kaming magkakasama nila Marius at Sherickha.
Masaya ako kasi nakikita ko na napapasaya ni Marius ang best friend ko. Masaya ako....para sa kanila.
"Huy. Narinig niyo na ba ang balita guys?"
Narinig namin ang bulungan ng mga estudyante. Alam na rin namin kung anong tinutukoy na pero nanatili kaming tahimik.
Hindi ko maintindihan. Ang alam ko kasi, ginawa ang school para mag-aral hindi para magchismisan. Kainis na 'yan.
"Ang alin?"
Luh, talagang ipagpapatuloy pa nila? Jusko. Ang kakapal ng mga mukha nila.
At ang tanong ko na lang ngayon, hindi na ba nawawalan ng mga chismosa sa mundo?
"May past pala sina Sherickha at Marcus?"
That question made us star-strucked. Of all questions na lalakasan nila, iyon talaga? Grabe. Parang walang dito yung pinag-uusapan nila ah? Grabe!
"Hayaan niyo na. 'Wag niyo na lang pakinggan." Sabi ko sa kanila saka ako umirap sa sobrang inis.
Hay nako. Kung ayaw ko lang talagang masira ang imahe ko sa school na 'to ay papatulan ko sila. At kung sana ay warfreak lang ako, aawayin ko talaga sila! Psh.
"Kahit babae yang mga 'yan papatulan ko 'yan." Sabi ni Marius saka siya umirap din.
Gets ko naman ang nararamdaman niya, iyong inis niya ngayon dahil mismong ako ay ganoon din ang nararamdaman ko.
Hindi ko lang alam kung bakit....bakit lumalabas na naman ngayon yung issue na 'yan.
"Hayaan mo na. Alam naman natin ang totoo diba?" Sabi naman ni Sherickha sa kanya saka siya pilit na ngumiti.
Naiiyak ako at naaawa para sa kaibigan ko. She have been holding on for so long, fighting on her own, taking in all the pain that isn't even for her. She doesn't deseeve to be treated like this. No one does.
"Oh talaga? Palagi naman silag magkasama ah. Hindi ba awkward kung ganon?"
Luh, hindi talaga sila titigil? Mga chismosang attitude!
"Isa pa. Makakasuntok talaga ako ng babae." Sabi ni Marius at niyukom niya ang kamao niya.
"Calm down Rius." Sabi ni Sherickha saka niya hinawakan ang kamay ni Marius na nakayukom.
Sometimes I envy her. I envy her for having such genuine guy friend who protects her and fights for her at all cost.
Sometimes...I wish I could be her too. Kahit sandali lang. Kahit segundo lang.
"Luh, pigilan niyo ko. Kakalbuhin ko mga 'yan!" Inis na sabi ko at mas lalong umirap.
Nakakainis lang. Bakit ba ang hilig nilang mag-chismis lalo na sa mga taong wala namang ginagawang masama.
In fact, Sherickha has been too kind, too nice sa lahat ng tao. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit mayroon pa ring may ayaw sa kanya.
I guess, we really can't please anyone to like us. Neither force them to like us.
"Eh diba nagde-date sila ni Marius? Ano yun? Panakip-butas?"
Pakiramdam ko ay napantig ang tainga ko sa narinig kong 'yon at ngayon ay gusto ko na lang talagang manabunot ng tao.
"Hoy! Nandito pa 'yang pinag-uusapan niyo tapos ganyan kayo?! Wala namang ginagawang masama si Sherickha sa inyo ha! Bakit ganyan kayo?!" Sigaw ko sa kanila saka ako tumayo at pinagtuturo sila. "Kabaitan na nga ang pinapakita sa inyo nung tao, nakukuha niyo pa ring siraan at pag-usapan siya pagtalikod! Hindi na kayo nahiya!"
BINABASA MO ANG
Wrong Timing (Completed)
Teen FictionSherickha fell madly in love with a friend who could not reciprocate her feelings. She was blown away by someone she could never have. Nevertheless, she would further encounter someone along the journey whom she will love much more than the first l...