CHAPTER 17

878 28 0
                                    

MARCUS' P.O.V.

Perhaps it's pretty late for me just to grasp that I was never befitting of those sparkling stares in her eyes, as well as those expressive sorrow, as I am just that someone who used to be starving to be cherished by her in whatever way.

I was too enthralled in my own love to start noticing hers, and made me believed she never felt the same way. I was too naive to believe that what we had between us had always been or to be labeled as a one-sided love. However, I think that I was just confused. And yet again, my love for her was so overwhelming that it dazzled me, hence why I didn't even notice that she was staring at me and crying for me in much the same way that I do to her.

But a dimwit like me is undeserving of any of it. And I knew that one morning, I'll witness her glance into someone else's eyes and shed teardrops for that person. And perhaps, it'll all be worth it.

“Tita, hindi ko po alam na sumunod pala siya sakin. Sorry tita.” Malungkot at naiiyak na sabi ni Sherickha saka niya hinawakan ang kamay ni Tita Jean.

Pagakarating namin sa hospital ay kaagad na inasikaso si Althea. Ganon na lang ang pag-aalala sa mga mata ni Sherickha. And it pains me seeing her like that. Hindi ko rin alam. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

“No. It's okay iha. Wala kang kasalanan. Ano ba ang pinaggagawa ni Fleur? Wala siyang nakwekwento sakin eh.” Tanong ni Tita Jean sa kanya.

Nagkatinginan kaming tatlo nina Sherickha nung itanong 'yon ni Tita.  Wala naman kasi kaming masyadong ginagawa sa school. In fact, malapit na ang bakasyon.

“Wala naman po tita. Lagi nga po kaming magkasama eh. Bakit po?” Sagot ni Sherickha.

Ngumiti si Tita Jean at umiling ng bahagya.

Nakipag-away ba siya Sherickha?” Tanong ni Tita Jean and it caught us off guard.

I was going to say no and cover up for Althea, but I was too late.

“Actually Tita, opo. Pasensya na po tita. Huwag niyo po sana siyang pagalitan. Ako po talaga ang nakipag-away. Pinagtanggol lang po ako ni Althea.” Sagot ni Sherickha saka siya yumuko.

Tita Jean smiled at her and held her cheeks. She really does treasure Sherickha like her own daughter. Kung sabagay, para na rin silang magkapatid ni Althea.

Ano ka ba. Huwag mo nang isipin 'yon ha?” Sambit ni Tita Jean. “Sige. Pwede na kayong umuwi. Ako na ang bahala sa kanya.”

Tumango si Sherickha at pilit na ngumiti.

Pinuntahan muna niya si Althea at hinawakan ang kamay nito, bago niya tuluyang kinuha ang bag niya sa may upuan.

“Sige po tita. Babalik na lang po ako mamaya.” Paalam ni Sherickha kay Tita Jean.

“Alright. Hit me up when you get home safe and sound, okay?” Nakangiting sagot ni Tita Jean.

Nauna na siyang lumabas ng kwarto. Nagpaalam kaming magkasunod ni Marius saka kami lumabas.

“Mauna na ko. I'll just commute na lang.” Sabi ni Sherickha sa'min, but she didn't look at my eyes. She looked at Marius.

Wrong Timing (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon