CHAPTER 5

1.5K 40 1
                                    

SHERICKHA'S P.O.V.

Naniniwala na ko sa sinasabi nila. Mahirap pala talaga ang mag-move on lalo na kung mahal na mahal mo. Pero siguro, tatanggapin ko na lang ang katotohanan....pero ang hirap eh.

Iyong pagtanggap na nga lang ng katotohanan ay hindi ko magawa. Iyong mag-move on pa kaya?

"Hoy! Nakatanga ka na naman diyan! Ano ba? Palagi na lang ba? Bumalik ka na sa sarili mo oh." sabi ni Althea saka niya ko yinugyoh kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Minsan nagtataka na lang din talaga ako kung paano kami naging magkaibigan gayong sobrang layo ng ugali namin sa isa't-isa. Pero mabuti na rin na naging kaibigan ko si Althea, dahil kahit papaano ay nahahawa ako sa kakulitan at kadaldalan niya.

"Bakit? Gusto mo bang magbago ako? Gusto mo bang baguhin ko ang sarili ko at ibalik yung talagang dating ako?" tanong ko sa kanya, pero nakita kong lumungkot ang mukha ni Althea.

"Ricks, hindi mo kailangang magbago. Hindi mo kailangang ibalik ang dating ikaw. Ang dating ikaw bago ngayon. Sapat na yung ikaw ngayon eh. Ano? Babaguhin mo sarili mo dahil sa lalaking 'yon? Ikaw na nagsabi diba? Hindi lang siya ang lalake sa mundong 'to." sabi ni Althea kaya natahimik ako.

Tama siya. Tama ang bestfriend ko.

Bakit nga ba ganon noh? Kapag nasasaktan ka, pakiramdam mo mamamatay ka na. Kapag nasasaktan ka, nagkakaroon ka ng urge na baguhin ang sarili mo.

Bakit kasi kung sino pa yung totoong nagmamahal, sila pa yung nasasaktan Dahil ba sa truth hurts? Porke totoong magmahal, masasaktan na ganon?

"Alam mo, ang hirap magmahal ng taong hindi ka mahal. Pwedeng gawin mo ang lahat lahat para sa kanya o para mapansin ka niya, pero kahit anong mangyari eh kaibigan ka lang talaga. Pwedeng wrong timing, pwede ring hindi. Maraming pwedeng mangyari. Mahirap makatagpo ng taong mahal mo na mahal ka rin." Sabi ko

Ang hirap talaga eh. Yung nag-aantay ka sa wala na parang hinihintay mong mawala ang tubig sa dagat, ganun. Ganun ka-imposibleng mahalin din ako ng taong mahal ko.

"Sa bilyong tao sa mundong 'to bes, bakit wala ni isang tao ang kayang ipakita at iparamdam sakin ang salitang pagmamahal? Bakit?" tanong ko

Sa totoo lang, gusto kong umiyak. Pero ayokong ipakita na ganon ako kahina.

"Ano bang tawag mo samin ha bes? Sa tingin mo ba hindi ka namin mahal? Mahal ka namin bes. Mahal na mahal na mahal nga eh. Kaya ka naming mahalin higit sa pagmamahal na pwede niyang ibigay sayo!" singhal ni Althea sakin saka niya ko inirapan kaya natawa ako ng mahina.

Buti na lang siya ang bestfriend ko. Buti na lang nandiyan siya palagi para sakin.

"Alam mo ba yung pakiramdam na....na nakakapagod din pala. Yung tipong ikaw lang yung nagmamahal. Yung minsan kailangan mo din ng isang tao sa tabi mo. Isang tao na ipapakita sayong kahit anong mangyari eh sayo siya. Hindi ka niya iiwan. Nandiyan lang siya." sabi ko sa kanya saka ko pinaglaruan ang mga daliri ko.

Iniisip ko minsan na sana ay ganon siya. Yung taong mahal ko sana hindi din ako iiwan. Ang kaso may mahal siyang iba eh. Kaya alam kong imposible.

"Alam mo bes, may oras talaga na kailangan mo ng isang tao na kapag kailangan mong umiyak eh dadamayan ka niya. Kapag masaya ka, nandiyan siya. Kapag natatakot ka, hindi ka niya iiwan. Pwede namang maging kami 'yon. Hindi man kami yung taong mahal mo, pero kami, nandito lang kami para sayo bes." sagot ni Althea saka siya ngumuso.

Umiyak ako at niyakap siya.

Pinigilan ko naman eh. Pinigilan ko yung luha kong bumagsak. Kaso katulad ng pagkahulog ko sa taong mahal ko, hindi ko napigilan kahit anong pilit ko.

Wrong Timing (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon